23 : Gate..

108 7 1
                                    

chapter: THE GATE

"WHAT? Sino po naghahanap sakin?!",

"Bingi ka na ba ineng? Kanina ko pa sinabi Gino daw ang pangalan ng batang nasa gate kanina pa..", medyo napapakamot na sa ulong sabi ni manong hardinero.


Actually nakakailang ulit na siya kakasabi nyan pero feeling ko baka mali lang ako ng pagkakarinig kaya sinisigurado ko..


Oo nga pala, alam na ni Gino kung saan ako nakatira kasi hinatid niya kami ni Vlad lasttime ng naposasan kami di ba?


Pero bakit niya pa ko kailangan bisitahin dito sa bahay? Halos araw-araw ko na nga syang nakikita sa school kahit di ko siya clasmate dahil lagi na siyang nakikihang-out samin ng ga friends ko..

Medyo nagdududa na nga ako dyan kay Gino eh..  Its either na may crush siya kay Tiff or Jess...

o baka naman...


he's gay kaya trip na trip niyang makisama sa mga dyosang babae tulad namin . HAHA.

"Ineng, aba'y labasin mo na yung kaibigan mo.. Kawawa naman. Kanina pa yun dun.", napukaw ang kalokohan sa isip ko ng biglang nagsalita sa manong hardinero.


Tumango nalang ako at nagpasalamat sa kanya at bagsak ang balikat na naglakad palabas ng main door.

Hindi ko pa naman feel magkaroon ng bisita ngayon.

Ang sama-sama ng pakiramdam ko dahil nag-start na kami ni Vlad kagabi ng tutoring session namin at talaga namang hindi niya ko pinansin ng humihingi ako ng sorry sa ginawa kong pangba-blackmail.

Ang higpit niyang tutor! O baka talagang na-badtrip lang siya sa ginawa ko.

Aist..

"Hey Vlai!", huh? Andito na pala ko sa gate..

Hindi ko na namalayan na nakalakad na pala ko ng bongga.


"Gino, napadaan ka..", pilit ang pagngiting pansin ko sa kanya.

"Hindi mo manlang ba ako pagbubuksan ng gate nyo? Pa-park naman ng car ko. Kanina pa nakaharang dito sa tapat oh..", as usual.. todo ngiting sabi niya sakin.


"Ayy, pasensya na..", agad-agad ko namang binuksan ang gate. "P-pero.. kasi Gino nakakahiya magpapasok ng bisita, alam mo na.. hindi naman talaga ko nakatira dito.."


"Vlaira what are you doing here? Sino tong ating bisita?",


"Tito chard?! Kayo po pala. Naku.. Schoolmate ko po siya. Kaklase po ni Vladimir.", parang natatarantang sagot ko kay tito.

Syempre nakakahiya no. Baka sabihin niya nakikitira nalang kami nagdadala pa ko ng bisita dito.


"Oh? ba't di mo siya papasukin ng makilala namin ng mommy mo..", nakangiting sabi ni tito..


"Salamat po tito. I'm Gino Gonzales.", nakangiti niyang nilahad ang kamay niya.


"A refined man. I'm Richard Lee.. Are you related to Mr. Garry Gonzales?", nakangiting tinanggap din ni tito ang kamay ni Gino.

"He's my father po."


"Really? He's my business rival but your still welcome here in our humble home.", natatawang sabi ni tita chard.

Tito Chard smiled.. "I'm just kidding, he's my friend."

"Opo. Nabanggit nga po sakin ni dad.", nakangiting sagot ni Gino..


Okay.. OP-much na ko dito.

Natigil ang pag uusap nila ng biglang may bumusina ng malakas.

"Hey. What are you doing here?" salubong ang kilay na bungad ni Vlad.

San kaya siya galing? Sabado ngayon pero ang aga niya umalis ng bahay kanina..


"He is vlaira's visitor vlad. Be nice. Palibhasa hindi ka nagkakaroon ng bisita dito sa bahay eh..", mapang-asar na sabi ni tito chard.


Tumingin muna sakin si Vlad and he grin.


"That's what you think, Dad.", he said.


"Ayy.. Dad mo siya?" biglang may lumabas na babae sa kotse ni Vlad.

Hindi ko napansin na may tao pa pala dun..


Wait.. Si..

"Hi Tito! I'm Pamela, but Pam nalang po. Vladimir's classmate po.", masigla niyang bati..


PAM-pam talaga tong babaeng to! At talagang kinarir ang pango-ngopo ah.


Bakit kaya sila magkasama ng Pantasya ko?!

"Haha. Okay iha.. Papasukin nyo nalang ang mga bisita niyo.. Susunduin ko pa ang Mom niyo..", nakangiting sabi ni Tito chard..

"Nice meeting you Pam and Gino..", dagdag pa niya bago tuluyang umalis.

"What the? Gino? Couz? What are you doing here?", parang ngayon lang napansin ni Pam ang presence namin..


"..And you! Hanggang dito stalker ka?!", sabi niya sakin.

"I lived here..", taas noo kong sabi.

Omo. Tama ba yung english ko?! Mga First section tong kaharap ko.. Kailangan makipagsabayan. Hihi.

"As what? Maid?",

"Pam!" - sabay na sabi ni Gino at Vlad, sa tonong parang naninita.


Ayiii . Haba ng hair ko.

Ano ka ngayon PAM-pam?! Hahaha---


"She's my sister.",

WHAT THE F?!


Literal akong napanganga sa sinabi ni Vladimir.


Bat parang ang sakit marinig?! Aware naman ako sa ganung sitwasyon. Pero bakit parang iba yung pakiramdam pag sa kanya nanggaling?


"Correction.. Soon-to-be-sister!", sagot ko.


Bigla namang naging maamo yung expression ng mukha ni Pampam.


"Really? Oh.. that's explain why.. Kaya pala ikaw lang ang babaeng kinakausap ni Vlad sa school except sakin..", bait-baitan ang tono ng pananalita niya..


"And you couz.. Ang aga manligaw ah? Chinese lang?", natatawang sabi ni Pam.

"Huh? M-manliligaw?! N-naku. H-hindi ah! Ano kasi. Ganto--"

"Lets go Pam. Marami pa tayong aasikasuhin dahil yung isa nating kagrupo walang inatupag kundi manligaw..", madilim ang aura na sabi ni Vlad.


Agad siyang sumakay sa kotse niya.. Ganun din si Gino para itabi ng konti ang kotse niya, at dali daling pinasok ni Vlad ang kotse niya sa loob ng gate..


"Hindi mo naman sinabi na sissy ka ng future bf ko.. But, I really dont like you for my cousin. Have a nice day, sister-in-law", mapang asar na bulong sakin ni Pampam at agad na pumasok sa bahay.


Aiiiissst! Mapang-asar yung bruha na yun!

"Vlai.. Pwede na bang maki-park sa loob nyo?", si Gino na naman.


Kulit naman ng isang to! Sabagay ayaw ni Pampam ako para sa pinsan niya.

Well well well, ako naman ang mang-aasar sa kanya ngayon . Hahaha.

Nakangiti akong tumango kay Gino..

Just wait Pampam..

You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon