-Vlaira's POV-
"VLAD! Wag mo naman ako iwasan na para akong may nakakahawang sakit!!"
Hindi ko na kaya ang ginagawa sakin ni Vlad. Ilang linggo nya na kong iniiwasan.
Yung akala kong masayang umpisa na ng mga panaginip ko ay nauwi sa bangungot.
Patuloy pa din sya sa paglalakad at tinalikuran nya lang ako.
Di ko napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang sapatos ko at binato sa kanya..
Tinamaan sya sa likod pero di nya pa rin ako nililingon. Huminto lang sya saglit sa paglalakad..
Pero nag umpisa na ulit syang maglakad.
"Ano?! Pagkatapos mo kong paasahin na may gusto ka na sakin biglang mang-iiwan ka! Biglang tatalikod ka?! Ganyan ka ba talaga kawalang puso?! Pwes, ayoko na! Pagod na ko sayo! Ayoko na sayo! I.. hate you!"
Di na ko makapagsalita ng maayos pero pinilit ko pa rin na iparating sa kanya kung gano kasakit yung ginawa nya sakin.
Malayo na sya. Nasa rooftop kami ng school kaya walang ibang nakakarinig ng mga pinagsasabi ko.
Napaupo ako sa lapag kakaiyak pero wala na talaga sya. Di nya manlang ako nilingon.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko kahit wala akong sakit sa puso aatakihin ako sa sobrang kakaiyak.
Bat naging ganto?
Pwede bang gisingin nyo na ko sa bangungot na to?
-----------
-Vladimir's POV-
Nalilito ako.
Ngayon lang ako nalito ng ganto. Ngayon lang ako nahirapan ng ganto. Ngayon lang nangyari na hindi ako makapagdesisyon.
Gusto ko sya. Pero di ko alam kung sapat yun para ipaalam ko sa lahat na gustong gusto ko sya.
Nobody's really perfect.
Kahit ako. Di ko maipaliwag ang nararamdaman ko. Di ko rin malaman kung ano bang gagawin ko.
"Vlad! How are you?", biglang may yumakap sa likod ko.
"Pamela. Not now!"
Napabitaw naman sya agad sakin.
"You know what will happen kapag ginalit mo ko right?", may pagbabanta sa tono ni Pamela.
The hell I care! Wala ako sa mood para makipag usap ngayon.
Tatalikuran ko na sana sya pero bigla nya kong hinatak at hinalikan.
Lumayo ako kay pamela. Kahit papano hindi ko pa rin sya matulak. Babae pa din sya.
"Pamela! Hindi mo--"
"Oh Hi Vlai. Sorry. Napakita pa namin sayo. Si Loves ko kasi masyado ata akong na-miss"
Para akong batang nakagawa ng kasalanan na agad napalingon sa likod ko.
Its her.
Mukang kakatakbo nya lang. Dont tell me hinabol nya ko?
Muka syang pagod na pagod. Not just physically but also mentally. She looks like she's about to breakdown any moment.
Vlaira, bat mo ko hinabol? I thought you hate me already?, gusto kong itanong sa kanya. Pero wala akong lakas ng loob kausapin sya.
"Sakin sya Pampam! Alam mo yun", seryosong sabi ni Vlaira.
May isang bahagi ng pagkatao ko ang natuwa. Knowing how possesive Vlaira is pagdating sakin.
"Oh really. Sorry. But, vlaira dear kami na ni Vlad. Right babe?"
Napatingin ako ng masama kay Pamela. Pero napaisip din ako agad..
Blessing in disguise na siguro to.
Napatingin ako kay vlaira na nakatitig din sakin at nag aantay ng sagot ko.
Tinitigan ko sya sa mata. Gusto ko syang kausapin.
I missed her. God knows how much I really want to hug her right now. I want to comfort her, I want to make her smile..
Nakatingin pa din ako sa mata nya. Siguro kung nakakapagsalita lang yung mga mata namin ang dami na namin nasabi sa isa't isa..
I'm sorry vlaira. This is for you as well.
Mahal mo ko pero alam kong mahal mo din ang mama mo at di mo kakayanin na madissapoint sya sayo.
Gusto kita pero mahal ko ang papa ko at di ko kayang makitang malungkot sya ulit kapag nawala ang mama mo sa buhay nya.
We have the same feeling pero its too complicated for us.
Napayuko muna ko at huminga ng malalim..
"Yes"
Tumingin ako ulit kay Vlaira..
Nakita kong dire-diretso ang pagtulo ng luha sa mata nya
------Vlaira's POV-
"Vlaira!", napalingon ako sa tumawag.
Ang two BFF's ko. At di lang sila. Dahil nandito na kami sa corridor ng school marami ng studyante dito na kala mo nanunuod ng teleserye.
Agad na yumakap sakin si Jess habang si tiff naman ang humarap kay Pamela.
"Abat loko pala tong mga to eh! Hoy, kala ba namin--"
"Vlaira and Vlad's are soon to be sister and brother. Konting morality naman girls. Your vlaira's best friends right? Pwes wag nyong kunsintihin ang immoralidad ng kaibigan nyo! Isipi--"
"SHUT UP!",
"G-gino, why are y-you shouting at me?", ramdam ang tampo sa boses ni Pamela sa pagsigaw sa kanya ng pinsan nya.
Napalingon ako sa paligid. Ang dami ng tao. Marami ng nakaalam.
Yung katotohanan na pilit ko iniiwasan, marami ng nakakaalam ngayon.
Tumingin ako kay Vlad hoping na ipagtatanggol nya ko sa mga mapaghusgang tingin samin ng mga schoolmates namin.
Pero parang nadurog yung puso ko ng hinawakan nya si Pamela at hinila palayo.
"Bessy, totoo ba?", tanong ni Tiff.
Napayuko ako. I'm guilty. They are my friends but they dont know about it.
BINABASA MO ANG
You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]
Teen Fiction[ROM-COM] ---------------- She's a simple Girl who have only 'Dream'... Him.. While doing some 'Efforts' to be with 'him', they become 'Near yet so Far'.. Some 'Unexpected' situations happen.. Some secrets 'Revealed'.. Things become more 'Complicate...