8 : Welcome home

157 8 2
                                    

 Chapter 8:

[VLAIRA's POV]

“This is not a date. Just think of it as an interview.. And sad to say.. You didn’t pass..” sabi niya sabay tayo ..

Malungkot akong yumuko ng nakita kong nakatalikod na siya.. Pero bigla akong napatingin sa mga cup ng cappuccino namin.. 

ANO TO? AKO NA NAMAN ANG MAGBABAYAD!?

Akala ko ito na yung pinapangarap kong date kasama ang taong pinapangarap ko pero hindi na naman.

Malungkot na kong tumayo at lumapit sa waiter.. “Magkano po yung bill sa table namin?”

“Ah binayaran na po ng kasama niyong lalaki kanina” sagot ng waiter .

“Yung gwapo pong kausap ko kanina? Talaga po? No joke?” 

“Haha.. Yes ma’am.” Medyo natatawang sagot ng waiter.

Pagkarinig ko nun agad akong lumabas ng coffee shop at lumingon lingon.. Masaya na naman ako.. hindi niya pala ko hinayaang magbayad ulit.. Ibig sabihin concerned din siya sakin..

Hinanap ko siya sa paligid ng coffee shop pero wala na talaga siya..

 Sayang! Hindi manlang ako nakapag-thank you sa kanya..

Nakangiti ako habang nakasakay sa jeep.. Uuwi nalang muna ko sa bahay.

Huh? Bakit bukas yung pinto? Anong meron? Dumating na ba agad si mom? O baka naman..... si tito?

Bakit… ganito kagulo yung loob ng bahay namin?

Nanginginig ang kamay ko ng kinuha ko ang CP ko para tawagan si mom..

You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon