Chapter 25

25 1 1
                                    


"WHAT NOW VLAIRA?? Its been 5days na tinuturuan kita! Halos gabi gabi na kong puyat dahil sayo tapos hanggang ngayong wala kapa ring improvement manlang!",





Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko habang siya ay palakad lakad sa kwarto ko na para bang iritang irita.




"Sorry", nakayuko kong sabi.






"Sorry, sorry! How many times mo nang sinabi sakin yan.. still wala kapadin ibang masabi sa'kin kundi sorry?!", pansin ko talaga ang init ng ulo nya habang pinapagalitan ako kaya wala akong nagawa kundi yumuko nalang..







Wala na talaga kong ginawang tama.. Feeling ko super engot ko na talaga. Magaling nga yung tutor ko kaso ang engot engot ko naman.





"..wala na talaga kong pag-asa..",








hindi ko inaasahan ang biglang ginawa ni Vlad.. Pero ayaw talagang huminto ng luha sa mata ko..







((VLADIMIR))




"Sorry, sorry! How many times mo nang sinabi sakin yan.. still wala kapadin ibang masabi sa kin kundi sorry?!", hindi ko na talaga maiwasang pagtaasan siya ng boses..




Inis na inis talaga ko sa kanya. Napansin kong para na siyang iiyak pero wala akong pakialam! Wala akong pakialam sa mga babaeng umiiyak. Tsk. Ilang babae na ang nag-confess at may paiyak iyak pa sa harap ko dati pero wala akong nararamdaman kahit konting awa manlang..





Heartless? I dont know. Basta I hate tears. I hate weak peoples!





"..wala na talaga kong pag-asa..", mahinang bulong ni vlaira at biglang tumulo ang luha sa kanyang mata .






"H-hey.. Vlaira", hindi ko alam bigla ang gagawin ko kaya lumuhod nalang ako sa harap nya para magpantay ang mukha namin..




Bakit bigla akong nag-worry?


Bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko?


Bakit parang kakaiba yung naramdaman ko?





"..hey. D-dont cry..", sabi ko habang pinupunsan ang luha niya..




Bakit di ko alam ang kasagutan sa mga tanong ko?




Akala ko matalino na ko. Im genius. Im the guy-who-knows-everything.. pero ng mga oras na to..





Hindi ko alam ang kasagutan sa mga tanong ko..



---





(Vlaira's POV)




"Sabihin mo lang sakin kung may di ka pa makuha ah.. Babagalan ko lang ang pagtuturo..", nakangiting sabi sakin ni vlad..




ang aliwalas ng mukha niya ngayon. Nakakatuwa ^_^





"Yess boss", sabay saludo kong sabi.





Kinausap nya ko ng masinsinan kanina habang pinupunasan niya ang luha ko. Nagtataka ako dahil akala ko magagalit siya ulit sakin pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sinabi na uumpisahan nya ulit ang pagtuturo sakin..




from the start! hahaha. Sipag nya no?




At dahil nakita ko ang determinasyon nya na matuto talaga ako mas pagbubutihin ko pa.. Para sa pantasya ko..





"Sagutan mo muna yan. Nap lang ako saglit ah.", tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagsosolve ng math problem sa aming workbook..

You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon