CHAPTER 6

6.8K 216 6
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: Henyoghurt

CHAPTER 6
---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Stalker.

That's how i see myself these past few days. Nagiging stalker ako ng isang Alessandro Keith Tejano.

Ito lang kasi ang alam kong paraan para mapalapit sa kanya. Ang alamin ang lahat ng gusto at di nya gusto para alam ko ang mga dapat at di dapat na ginagawa ko tuwing kaharap ko sya.

Inaalam ko ang lahat tungkol sa kanya. Inistalk ko sya sa facebook, twitter, instagram at kung ano-ano pang mga social-networking sites, pero puro basic infos lang ang nakukuha ko. Kesyo ang birthday daw ni Xandro ay March 4, 1998. Nanay nya daw si Katherine Tejano at tatay niya si Amadeo Tejano. Ang pangalan ng mga kapatid nya ay Adrianne Kent, Alexander Kalvin, Austin Kristoff, at Andrei Kiervin. Napag-alaman ko rin na hindi niya kuya yung masungit na kamukha nya, kundi kakambal. Kaya pala mukha silang pinagbiyak na bunga.

Ininterview ko rin ang Mama ni Xandro. Inalam ko ang mga hobbies, paboritong pagkain, kulay, artista, cartoon character, etc. ng anak nya. Sumagot naman si Tita na parang tuwang-tuwa na inaalam ko ang mga bagay-bagay tungkol sa anak nya. Naikwento nya pa na di daw kumakain ng seafoods si Xandro (maliban sa tilapia, bangus, galunggong at dilis) at di rin daw ito mahilig sa gulay.

Nagtanong-tanong na rin ako sa mga kaklase ko kung ano ba ang mga gusto at di gusto ni Xandro. Ang tanging nasagot lang nila ay di daw ito palakaibigan at wala pa silang nakikilala na nobya nito. Ang alam nga raw nila ay bakla ito pero parang di naman ako naniniwala dahil lalaking-lalaki naman siya kung umasta. Pero malay din natin.......

Kapag wala akong magawa, sinusundan ko sya bago umuwi. Napansin kong palagi siya tumatambay sa library kasama yung babaeng kaibigan nya. Palihim rin akong nakikinig sa kanila. At ito nga ang ginagawa ko sa kasalukuyan

As usual, tumambay na naman sila sa library. Gumagawa ata ng research. Pumwesto ako sa table malapit sa kanila. Nasa likuran nila ako kaya di nila ako mahahalatang nakikinig sa kanila.

"Kinukulit ka pa rin ba nung Zeke?" tanong nung babae kay Xandro. Aba't ako pala ang pinag-uusapan nitong dalawang ito.

"Uhm... Oo. Pero di ko pa rin sya pinapansin. Mapapagod din yon sa kakakulit...." sagot ni Xandro ng hindi man lamang inaalis ang paningin nya sa papel na sinusulatan

Ako mapapagod? Susuko? No-freaking-way. Wala sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko.

"May balita ka na ba kay Troy?" pag-iiba nung babae sa usapan

Napansin ko naman na parang nalungkot si Xandro dahil sa pagbaba ng kanyang balikat. Sino kaya si Troy?

Hindi naman na nagsalita si Xandro at umiling na lang. Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa usapan nila hanggang sa nabagot na ako dahil di ko naman maintindihan ang mga pinagsasasabi nila. Andaming accounting terms na sila lang ata ang nakakaalam. Napahikab tuloy ako

"Oh. Nandito rin pala sa library ang bwisit e" malakas na sabi nung babae. Napansin ata nila ko nang humikab ako.

"Uhm... Hello" ang nasabi ko na lang dahil sa kawalan ng sasabihin

"Hello your face" mataray na sabi nung babae. Tinignan lang naman ako ni Xandro ng saglit tapos bumalik na sya sa pagsusulat.

Tumayo naman na ako at lumipat sa table nila ng may ngiti sa labi

"Pwede bang makishare? Wala kasi akong kasama eh"

Tinaasan lang ako ng kilay nung babae habang hindi man lang umiimik si Xandro. Sungit talaga.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon