Book Title: You Stole My Heart
Author: HenyoghurtCHAPTER 5
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------"Ikaw Xandro ha. Di mo sinasabi sakin na may bago ka na namang bestfriend" pang-aasar sakin ni Gelai habang gumagawa ako ng assignment sa library
Si Gelai ang nag-iisang girl-friend ko. Siya na ang madalas kong kasa-kasama magmula nung umalis si Troy.
Classmate ko sya mula nung 1st year 1st sem pa lang. Nun pa lang, nilalapitan nya na ko. Hanggang sa naging close kami tapos inamin nya na may gusto daw sya sakin. Sinabi ko sa kanya na gay ako at yun, dun na natapos ang munting 'love' story namin.
Medyo nailang ako kaya lumayo ako sa kanya. Nito namang umalis si Troy, wala na kong nakakasama sa univ, at nang napansin yon ni Gelai, di na sya nawala sa tabi ko, palagi nya na akong sinasamahan.
Kung natuturuan lang sana ang puso kung sino ang mamahalin nito, sana si Gelai na lang ang minahal ko. Hay
"Di ko bestfriend yung Zeke na yun. Nangungulit lang yon" pagpapaliwanag ko naman
Si Zeke, ewan ko ba dun, kinukulit nya ako simula kahapon. Gusto nya daw ako maging kaibigan. Pero ayoko sya maging kaibigan e, palagi nya kasi ako kinokopyahan
Oo, palagi ko sya napapansin na kinokopyahan nya ako. Di ko na lang siya kinokompronta dahil ayoko gumawa ng eskandalo
Maya-maya, nagring ang cellphone ni Gelai. Sinagot nya ito at mukhang pinapauwi na sya ng lola nya. Lola nya na lang kasi ang kasama nya sa bahay, nasa UAE kasi ang magulang nya. Doon nagtatrabaho
"Uy, Xandro. Sorry pero kailangan ko na umuwi. Tatawag daw sila Papa e, gusto ako makausap. Ikaw ba? Uuwi ka na?"
"Ahh di pa e. Tatapusin ko na tong assignments natin dito sa library. Sige na. Okay lang na maiwan ako dito. Ingat ka sa byahe ha"
Yun nga. Umalis na sya. Sa isang kurap ko lang, nawala na sya sa paningin ko. De joke lang, mga tatlong kurap naman siguro. Ang bilis kasi maglakad nung babaeng yon e.
Ilang sandali lang, may taong tumabi sakin. Di ko na tinignan kung sino. Malamang mga kapwa estudyante ko lang rin yan na may tatapusing gawain dito sa library.
"Hi bestfriend!" sabi nung tumabi sakin
Oh well, si Zeke lang pala yon
"Oh? Ano na naman bang kailangan mo sakin? Mangongopya ng assignment? Sorry pero di ako ..........." natigil ang sinasabi ko dahil inantala nya ako
"Di ako mangongopya. Ano kasi? Uhm, gusto ko lang magpaturo sayo kung pano gagawin dito?" at itinuro nya sakin yung item number 5 dun sa assignment namin sa Calc
"Pinapauwi na ko ng magulang ko e. Kaya mo na yan mag-isa" tumayo na ko para sana umalis na. Palusot ko lang yung pinapauwi na ko, ayaw ko lang talaga kaibiganin tong taong to
"Ah ganon ba? Edi sama na lang ako sa inyo. Dun mo na lang ako turuan" nakangiti sya na parang nang-uuto
"Ayoko nga. Aralin mo na lang mag-isa yan" mabilis ko syang iniwan. Lumabas na ko ng university at dali-daling pumara ng jeep
Sinigurado kong di sya makakasunod sakin. Palagi ako lumilingon para makasigurong di nya ako sinusundan. Ang dami ko ngang pasikot-sikot na dinaanan, ayun napalayo tuloy ako.
Dali-dali rin akong pumasok ng bahay namin, pero nagulat ako nang makita ko syang nakaupo sa may sala namin, kausap nya si Mama at Austin habang kumakain
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Fiksi RemajaBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...