CHAPTER 2

8.6K 278 26
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: Henyoghurt

CHAPTER 2

---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

It's already 4 am but I'm still wide awake. Iniisip ko pa rin si Troy. Bakit ba kasi sya umalis? Bakit di man lang sya nagpaalam? Parang binalewala nya lang ako. Para kong tutang bigla na lang iniwan ng ganon-ganon na lang.

Sino nga ba ko sa kanya? Kapatid? Bestfriend? Isang kaibigang umamin na mahal nya ang bestfriend nya. Yun lang. Hindi naman kami magsyota, well atleast walang label yung kung anumang meron kami

Di ko kasi napigilang umasa. Nung huling buwan na nandito si Troy, umasta sya na parang boyfriend ko. Ang sweet nya. Malambing. Maasikaso. He even kissed me on the cheeks for nth times. Ako naman si maharot umasa na kaya nya ginagawa yon dahil mahal nya ko at gusto nyang lumevel-up na ang relasyon namin. But I was wrong....

*ring* *ring* *ring*

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko para sagutin ang tawag na yon

Unregistered number. Weird number. Parang hindi number dito sa Pilipinas? WEIRD. 4 am tatawag tapos di ko pa kilala

"Hello?" mahina at kalmado ang boses ko, naghihintay sa sagot ng tao sa kabilang linya

2 minutes na ang nakalipas pero di pa rin sya nagsasalita. Baka wrong dial lang?

"Hello? Kung di ka sasagot ibababa......."

"Bogs."

Napaupo ako dahil sa gulat. Napuno ng saya ang puso ko. Namalayan ko rin na may tumulo nang luha galing sa mata ko dahil sa tuwa

Mababa ang boses pero masarap pakinggan at hinding hindi ko pagsasawaang pakinggan. Di ako pwedeng magkamali dahil kilalang-kilala ko ang boses na yon. Yun ang boses ng taong mahal ko.

"Troy....... Troy please bumalik ka na dito please Troy di ko kayang wala ka dito sa tabi ko please please sorry kung may nagawa akong mali and promise gagawin ko ang lahat para sayo basta bumalik ka lang dito please Troy......"

Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. Panay buntong-hininga naman ang naririnig ko mula sa kanya.

"Troy please..."

"Xandro, may girlfriend na ko dito at di na ko babalik dyan sa pilipinas"

Para kong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko

"XANDRO! BANGON NA SABI!"

Literal na pagbuhos ng malamig na tubig ang nagpagising sa natutulog kong diwa.

"AHHHH! Ano ba naman yan?!" bulyaw ko sa kung sino mang balugs na nanggigising sakin

"Hay. Sa wakas gising ka na rin. Kailangan ka pa talagang paliguan bago ka bumangon e noh?" sarkastiko nitong sabi

Tinignan ko kung sino yung nagsalitang yon

Si Vin. Si Vin lang pala. Teka? Namamalikmata ba ko? Si Vin ang gumising sakin?

"Oh, bakit para kang nakakita ng multo dyan? Miss you, twin bro"

Nakangiti sya habang lumalabas sa bibig nya ang mga salitang yon. Nakakapanibago. Nagbalik na ba talaga ang best buddy ko?

Lumapit sya sakin at pinagtulakan ako papasok ng banyo

"Maligo ka na dali. Kanina pa naghihintay sila Mama. Magbbreakfast na tayo. May pasok ka pa"

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon