Book Title: You Stole My Heart
Author: HenyoghurtCHAPTER 11
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------"X, I seriously want to court you. Will you allow me to?"
Kanina pa akong paulit-ulit na tinatanong ni Zeke. Natotorete na nga ang utak ko dahil sa paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang salitang 'court' o 'ligaw'. Nababaliw ako sa isiping liligawan ako ni Zeke.
Yeah, i'm gay, pero never in my life na may nagtangkang manligaw sakin. Di ko nga alam kung dapat ba na ligawan ng isang lalaki ang kapwa nya lalaki, cause biologically, lalaki pa rin naman ako, at tanggap ko iyon. Hindi naman kasi ako yung tipo ng baklang pinipilit na maging babae. Masaya ako sa kung ano at paano ako nilikha ng Diyos.
"Zeke, umuwi ka na. Bukas na lang tayo mag-usap." sagot ko naman at naglakad na palabas ng bahay upang ihatid sya sa pinagparadahan nya ng kanyang kotse.
"Teka lang, X. Di mo pa sinasagot ang tanong ko" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at iniharap ako sa kanya para magpantay ang tingin namin "X?"
Tinitigan ko ang mata nya. Eyes are the windows of the soul, di ba? Gusto kong makita sa mga mata nya na seryoso sya sa sinasabi niya.....
Pero umiwas sya ng tingin. Inalis nya ang pagkakahawak sa mga pisngi ko at humakbang ng dalawang beses paurong
"Magkita na lang tayo bukas"
Yon ang huling sinabi nya at agad nang pumasok sa sasakyan nya. Pinaandar nya ito kaya't naiwan akong nakatayo at nakatanaw sa malayo.
Di ko alam kung gaano ako katagal sa labas. Nang makaramdam na lang ako ng malamig na simoy ng hangin ay napagpasyahan ko nang pumasok sa loob ng bahay. Pagkatalikod ko ay nakita kong nakaupo si Drei sa gutter
"Oh, Drei. Anong ginagawa mo dyan? Di ka ba nilalamig?" tanong ko sa kanya at naupo na rin ako sa tabi nya
"Nilalamig. E kuya, nakita kasi kitang nakatambay mag-isa habang nakatulala eh, kaya sinamahan na kita. Maraming masasamang tao dito sa labas. Baka mahold-up ka pa dito o kaya makidnap" sagot niya naman sakin. Yan na ata ang pinakamahabang pangungusap na narinig kong lumabas sa bibig niya. Napahanga tuloy ako.
"Wow ang bait naman ng kapatid ko" ginulo ko ang buhok niya pero wala lang ito sa kanya. Kung kay Austin ko iyon ginawa, malamang nagalit na iyon sakin at nagtatakbo sa kwarto niya para isaayos ulit ang buhok nya "Tara na sa loob. Nilalamig na ko"
Tumango lang sya at sumama na sakin. Tahimik na sa loob ng bahay. Mukhang nasa kwarto na ang mga kapatid ko. Si Mama at Papa, lumabas para i-celebrate ang anniversary nila.
Nahiga ako sa aking kama at nag-isip-isip. Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Lahat ay tungkol kay Zeke.
Totoo kayang may gusto siya sakin? Kaya ba sya mabait sakin e dahil gusto niya ako? Dapat ba akong magpaligaw sa kanya? Ako ba, may nararamdaman para sa kanya?
Ugh. Lahat ng katanungan ko, walang tiyak na sagot. Bahala na nga. Kanina pa pagod ang utak ko sa kakaisip. Tadhana na ang bahala.
Dapat ba akong magtiwala sayo, Zac Hale Kennedy?
****
"Class is dismissed." walang kabuhay-buhay na sabi ng Logic professor namin. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko at inimpake na ang mga nakalagay na kwaderno at pluma sa upuan nila.
May 1 hour break pa bago ang susunod kong klase kaya't niyakag ko si Gelai na magpunta sa library
"Sorry, Xandro. May meeting kasi yung club namin e. Kailangan ko magpunta don dahil secretary ako" at naglaho sya sa harapan ko nang mas mabilis pa sa kidlat.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Teen FictionBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...