CHAPTER 21

5.1K 188 6
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 21

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Umuwi ako na lutang pa rin, at malungkot. Ewan. Feeling ko lang may kulang sa akin these past few days. I know this is because of X, dahil di ko siya nakakasama, di ko siya nakakausap, di ko siya namamasdan, di ko siya nahahawakan. Fuck. Kailangan ko kasi talaga siyang iwasan. Di nga kasi ako bakla tangina.

Pero talaga bang nasabi ko kagabi na mahal ko si Xandro? Fuck. That must really be a mistake.

Gusto ko siya, but not in a way na mahal ko na siya. May nararamdaman ako para sa kanya, pero hindi pag-ibig.

Oo. Tama. Yun yon. For fuck's sake, there no such thing as love!!!!!

Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa naparami kong inom kahapon. Ganon talaga. Problemado eh. Magulo ang utak. Di alam ang iisipin kaya kailangan ng presensya ng alak para makalimutan lahat ng problema kahit sandali lang.

Nasa tapat na ako ng kwarto ko nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa kwarto nila Dad. Parang nag-aaway sila ni Mom. Lumapit ako sa nakaawang na pinto dahil parang may nagtulak sa akin na gawin iyon.

"BUT CZARINA, YOU MUST'VE TOLD ME!!!!" galit na sabi ni Dad. Palakad-lakad siya habang may hawak na brown envelope.

"Hindi naman mahalaga yon eh. Wala namang mababago kahit malaman mo pa o hindi" sagot ni Mom na nangingilid na ang luha habang nakaupo sa kama

"ANONG WALA?!! SYEMPRE MAY MABABAGO!"

Unti-unting bumabalik sa akin yung nangyari nung maliit pa ako. Yung isang araw na bumago sakin, sa pananaw ko. Ang araw na nag-away si Dad at Mom. Yun din ang araw na umalis si Mom.

Bumalik na naman ang sakit. Ang sakit na maiwang nag-iisa. Ang sakit sa pag-asang babalik siya. Ang sakit na humihila sa akin sa hindi pagpapatawad kay Mom dahil umalis siya't iniwan niya ako. Ang sakit na sanhi ng hindi ko paniniwala sa pag-ibig.

Tumungo si Dad at pinilit huminahon "Aalis ka't pupunta ka sa......"

"Hindi ako aalis Zeus! Hindi ako aalis hanggat di ko pa naaayos ang pamilyang ito."

"AALIS KA CZARINA, SA AYAW AT SA GUSTO MO!"

Padabog kong binuksan ang pinto.

"Ano? Aalis ka na naman?! Iiwan mo na naman ang pamilya mo?!" pasigaw kong turan kay Mom.

"Zeke, wag ka na makisali sa usapang ito." sita sa akin ni Dad.

Humakbang si Mom palapit sa akin

"Di ako aalis, anak. Dito lang ako. Di na aalis si Mom. Di ka na niya iiwan." nagsusumamo niyang sabi

"Aalis ka Czarina! Para rin to sa ikabubuti ng lahat!"

"Oo. Tama. Umalis ka. At huwag na huwag ka nang babalik!" giit ko na puno pa rin ng galit.

Dali-dali akong lumabas ng mansyon. Sumakay agad ako sa motor ko at pinaharurot ito. Di ko alintana ang init ng katanghalian. Nagmamaneho ako nang walang patutunguhan.

Lumalandas ang mga luha pababa sa pisngi ko. Ito ang hindi alam ng nakararami tungkol sa akin. Si Kuya Louie at Enzo lang ang nakakaalam ng side ko na ito. Nung nandito pa ako sa Pilipinas, si Kuya Louie ang dumadamay sa akin kapag namimiss ko si Mom. Nung nasa Canada naman ako, si Enzo ang tumayong Kuya Louie ko.

Wala na akong balak ipaalam pa sa kung-sinuman ang Zeke na ito. Zeke na mahina. Zeke na iyakin. Zeke na hindi kaya ang mga problema. Ang gusto ko, makilala ako na malakas, at hindi nakadepende kaninuman. I am an island myself. I don't need anyone, most especially Mom.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon