Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLionCHAPTER 15
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------Tumayo ako pero nang akmang lalabas na ako ng studio bitbit ang damit ay hinarang ako ni Zeke
Kinabahan ako dahil mapang-akit ang tingin at ngiting ibinibigay niya sakin. Hinawakan niya ang balikat ko ng may diin. Dumausdos ang kamay niya patungo sa kamay ko.
Ano ba? Paghuhubarin niya ako?
"Magpalit ka na rin ng pang-ibaba" sabi niya at inilagay sa kamay ko ang isang floral na short
Yun lang pala. Nakalimutan ko lang na dalhin ang ipinahiram niyang shorts sakin
Nakahinga lang ako ng maluwag nang umalis na sya sa harapan ko at umupo sa kinauupuan ko kanina. Kinuha nya yung chocolate cupcake ko at kinagatan ito.
"Cupcake ko yan Zeke!" binelatan nya lang ako at kinagatan ang iba pang cupcakes.
Hay. Talagang maloko ang loko. Gusto ko sana syang kutusan dahil inagaw nya yung cupcakes ko pero di ko yun magagawa dahil nasa pamamahay niya ako. Baka pagsisipain ako palabas ng mga katulong kapag ginawa ko yun. Tsk.
Lumabas ako ng dance studio. Sinubukan kong maghanap ng banyo sa 3rd floor pero wala akong nahanap kaya bumaba ako. Pagkapasok ko sa Cr sa 2nd floor ay agad kong inilock ang pinto. Humarap ako sa salamin at sinampal ang pisngi ko.
"Xandro ano bang nangyayari sayo?" pagkausap ko sa sarili ko. Kailangan ko to dahil nawawala na ako sa sarili. Naoovercome na ng naughty thoughts itong isip ko. Hinintay ko ang kamukha ko na sumagot. Muli, sinampal ko na naman ang sarili ko dahil nahihibang na ako.
Sinuot ko ang ipinahiram saking shirt ni Zeke, pero di ko naalis na amoy-amuyin ito habang dumudulas sa katawan ko. Hay. Amoy Zeke na ako. Pati ang shorts niya ay amoy Zeke rin. Naisip ko tuloy, pati kaya ang brief at *engk* niya ay amoy Zeke pa rin.
Ayan na naman. Umiiral na naman ang malisyosong Xandro. Napailing na lang ako at bumalik na sa dance studio.
"Ang tagal mo naman" sita niya sakin pagbalik ko "Oh, anong nangyari dyan sa right cheek mo?" lumapit sya sakin, hinawakan ang mapula kong pisngi at sinuri ito
"Wala yan. Naghilamos lang ako." pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko sa kanyang pinagsasampal ko ang sarili ko dahil pinagnanasaan ko sya.
Wait, pinagnanasaan ko ba sya?
"Naghilamos? E bakit hindi pantay?"
"uhm.. Kinuskos ko kasi ng maigi yang kanan dahil feeling ko magkakapimple ako sa parteng yan"
"Ahh.. Next time wag mo na kukuskusin masyado ha. Baka ma-irritate ang balat mo, mas lalo kang magkapimple." paalala niya sakin
Naalala ko na naman si Troy sa kanya. Ganyan rin si Troy sakin eh. Pinaaalalahanan niya ako tungkol sa mga bagay na dapat at hindi ko dapat gawin. Ipinaparamdam niya sakin na mahalaga ako sa kanya at hangad niya lang ang ikabubuti ko. Pero iiwan niya naman pala ako.
"Lukot na naman iyang mukha mo. Naalala mo na naman ba sya?" alam kong si Troy ang tinutukoy niya kaya tumango ako "Wag mo na sya alalahanin. Sinasaktan mo lang sarili mo"
"Oo na po master" at hinila ko na sya papunta sa gitna. Itinuro niya na sakin ang huling dalawang steps sa chacha na himalang mabilis kong natutunan
"Okay. Ngayon, subukan naman natin na may music na" pinlay nya ang tugtog at nabahala na naman ako sa ritmo ng awiting Careless Whisper. Nakakainis naman kasi itong si Katrina at Hayden eh. Kung di nila ginawan ng bidyo itong kantang to edi sana hindi ganito ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Teen FictionBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...