Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLionCHAPTER 22
---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------Mabigat pa ang mga mata ko pero napilitan akong imulat ang mga ito dahil sa sinag ng araw na hindi makatarungang tumatama sa mga ito. Iritable kong kinusot ang mga mata ko. Napahawak ako sa noo ko nang biglang kumirot ito.
"Gising na si Kuya!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Naramdaman kong may mga taong nagmamadaling lumapit sa akin
"Nasaan ako?" naguguluhan kong tanong. Naramdaman ko na lang na may kumutos sa akin.
"Bro, nandito ka sa kwarto mo wag kang tanga"
Ahhhh. Nandito nga ako sa kwarto ko. Nagbalik na pala ako sa realidad. Panaginip ko lang na anak ako ng hari ng mga kangkong at reyna ng mga labanos. Hay. Buti na lang. Ayokong maging gulay noh.
"Louie, bakit mo naman sinaktan ang kapatid mo? Alam mo namang may injury pa ang ulo niya ah." pangaral ni Mom kay Kuya Louie "Zeke, are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Sinapo niya ang leeg ko, pati na rin ang noo kong may bukol ata.
"Huh? Okay ako syempre...... Bakit ano bang nangyari?"
"Sumemplang ka tangi" sagot ni Kuya Louie
Inalala ko ang mga nangyari kahapon. Sumemplang? Ay oo nga! Sumemplang ako nung malapit na ako kila X. Pupunta nga pala ako sa kanila para sabihing mahal ko rin siya.
"Topher, labas muna tayo" pagyaya ni Kuya Louie. Nasolo tuloy namin ni Mom ang kwarto.
"How are you feeling, Zeke?"
"Tubig, please. Nauuhaw ako." nanunuyo kasi ang lalamunan ko. Mabilis niyang sinalinan ang isang baso ng malamig na tubig at siya na ang nagpainom nito sa akin. Namiss ko ang ganito, yung inaasikaso niya ako "Okay na ako. Pwede ka nang lumabas"
"Sige. Magpahinga ka muna ulit anak. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka"
Nang aktong bubuksan niya na ang pinto ay tinawag ko siya.
"Mom......." mahina kong sambit. Napatigil siya't nakangiti akong nilingon.
"Tinawag mo ba ako, Zeke?" di-makapaniwala niyang tanong. May namumuo nang luha sa kanyang mata.
Matipid lang akong tumango. Lumapit sa akin si Mom at naupo sa kama.
"Pinapatawad mo na ba ako, anak?"
"Sinusubukan ko, Mom. Pero pwede bang sabihin mo sakin kung bakit ka umalis noon?"
"Do i really have to?" tumango lang ulit ko "Okay. Malaki ka na. Dapat nga siguro malaman mo na ang lahat ng nangyari noon. But son, promise me, hindi ka magagalit sa Dad mo....."
"Huh? Bakit ako magagalit sa kanya? Di ba't siya ang pinakanasaktan sa pag-alis mo?"
"Promise me, Zeke. Promise me that you'll try to understand everything at hinding hindi ka magagalit sa Dad mo"
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha
"Zeke, baby bear ko, hindi ginusto ni Mom na iwan ka. Mahal na mahal kita kaya napakasakit para sakin ang ginawa kong pag-alis.
Pero anak, di ko na kasi kinaya ang ginagawa sakin ng Dad mo noon eh.
Nung araw bago ako umalis, sobra akong nasaktan dahil sa natuklasan ko. Maggrocery sana ako nun pero I saw Zeus sa may parking area ng mall, may dalang bulaklak. Pinagdudahan ko ang motibo ng pagbili niya ng bulaklak kaya sinundan ko siya. Nakarating ako sa isang exclusive subdivision. Nakita kong pumasok ang Dad mo sa isang bahay.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Teen FictionBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...