CHAPTER 30

4.7K 157 11
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

CHAPTER 30

---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------

Bagsak-balikat na lumabas ng bahay si Warren. Di ko na siya hinatid pa, awkward eh.

May ganon na pala siyang pagtingin para sakin, bakit wala man lang akong naramdaman? Akala ko kaya siya palagi nandyan kasi kaibigan ang tingin niya sakin. Akala ko kaya niya ko ginagawan ng mga projects nung highschool kami kasi kaibigan ang tingin niya sakin. Akala ko kaya siya umuwi ng pilipinas kasi ayaw niyang mahiwalay sa tropa. Hindi pala. Kaya pala siya ganon kasi may gusto siya sakin, kasi ayaw niyang malayo sakin, kasi umaasa siyang isang araw ay mapapansin ko rin siya.

Nakakabigla. Ganon na ba ako kamanhid? Ilang taon na pala siyang may gusto sakin pero hindi ko man lang naramdaman.

Bumangon na ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga ipinahayag ni Warren kanina. Pagtalikod ko, nakita kong nakasandal si Troy sa pader sa may hagdan. Nakangisi. Nang-iinis na naman.

"Iba ka, bro! Biruin mo pati yung tropa mo na yon, may gusto rin sayo." Nakikinig pala siya sa pag-uusap namin ni Warren. Chismoso.

Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon. Naglakad na ko paakyat sa hagdan pero sinundan niya ako.

"Nako! Kung ako sayo, dun ka na lang sa Warren na yon, mukha namang mahal ka niya eh." nagpintig ang tenga ko sa sinabi niyang iyon. Nabwisit ako. Gago siya ah. Parang sinasabi niyang kay Warren na lang ako para sa kanya na mapunta si Xandro ko. Tigas ng mukha. Ang sarap suntukin.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Nagkikiskisan na ang mga ngipin ko. Ang gulo na nga ng isip ko dahil sa mga rebelasyon ni Warren e nakikisabay pa siya. Kapag di siya tumigil sa pang-iinis sasampigahin ko na talaga siya.

"Chill out, bro. I'm just kidding." tinapik na ang balikat ko. Sinalag ko ang kamay niya.

"Tigil-tigilan mo ko sa kaka-bro mo ha and keep your fucking mouth shut! Hindi ako natutuwa sa biro mo."

"Don't cuss, Zeke. Alam mo, kung naririnig ka ni Bogs ngayon, siguradong mat-turn-off yun sayo. Ayaw niya pa naman na nakakarinig ng mura...... Bro, believe it or not, wala akong ibang meaning dun sa sinabi ko. I'm just trying to make you smile, you seem bothered kasi"

Nagngangalit talaga ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Kung pakikinggan mo ang boses niya, mukhang seryoso siya na gusto niya lang na maging maayos kami, pero kung titignan mo naman ang mukha niya, mapapagtanto mong sarkastiko siya dahil sa hindi matanggal-tanggal na ngisi niya. Putangina. Ang sarap basagin ng pagmumukha.

"Sinabi nang tigilan mo ang pagtawag sakin ng bro eh!" kinwelyuhan ko siya at inangat kahit pa mas malaki ang katawan niya kaysa sakin. Inambahan ko siya ng suntok. Wala akong balak ilapat ang kamao ko sa mukha niya, gusto ko lang siya takutin para tigilan niya na ko.

Natigilan ako nang may sumigaw.

"Zeke! Bitawan mo si Troy kundi makakatikim ka sakin!" bulyaw yon ni Dad na pinapanood pala kami mula sa second floor. Tinulak ko palayo si Troy. Aba, ang putangina nakangisi pa rin.

Mabigat ang mga hakbang ni Dad pababa ng hagdan. Galit siya sakin, kita ko sa mga mata niya.

"Dad...."

"Wag ka na magsalita, Zeke. Wala kang kailangang ipaliwanag. Narinig at nakita ko lahat."

Nilampasan niya lang ako at lumapit siya kay Troy. Hinawakan niya ang mga balikat nito at tinanong kung okay lang ito.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon