Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLionCHAPTER 38
---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------Ang ginhawa ng pakiramdam ko pagmulat ng mata. Nilingon ko agad ang nasa kanan ko. Ugh! Totoo nga ang nangyari kagabi. Nakahubad kami ni baby, hindi panaginip ang lahat!
Natatakam kong pinagmasdan ang kahubdan niya. Hihi. Ang amo ng mukha niya kahit tulog man o gising. Ang kinis niya, ang sarap himasin, halikan. Tadtad pa siya ng chikinini sa leeg. At ang labi niya, may sugat, err, nakagat ko ata kagabi...
Bago pa man ako tamaan at hindi makapagtimpi, bumangon na ako't ikinuha ng damit si Xandro sa dala niyang bag. Binihisan ko rin siya't pinaliguan ng polbo. Mehehe. Mas amoy baby na siya ngayon. Kakagigil!
Tumunog ang cellphone ko kaya hinanap ko iyon. May isang mensahe mula sa tropa ko na student assistant sa dean's office ng kolehiyong kinabibilangan ko.
Bro, may dean's list na. Tangina ka, kasama ka sa listahan, hanep!
Halos magtatalon ako sa tuwa nang mabasa ko ang mensaheng iyon. Shit na malupit! Totoo ba itu?! Ako, DL? As in? Magkakakotse na ko? Magkakacondo na kami ni baby ko?! Oh G! Di ko maeksplika ang nararamdaman ko, basta sobrang napakalaking WOW, di ko akalain na maaachieve ko ang ganitong bagay!
Lumabas muna ako ng kwarto para hindi ko maistorbo ang nahihimbing kong baby Xandro. I immediately dialled Dad's digits, ugh! Kailangan ko na makuha sa kanya ang susi ng condo ko, excited na kong sorpresahin si lovie!
"Dad! Dad!" I bet sa tono palang ng boses ko, alam na ni Dad na may maganda akong balita "Dad! DL ako! Fuck! Kailangan ko yung susi ng condo ko! Now na! Please Dad!"
Isang malutong na "okay" lang ang tinugon niya, then, binaba na ang tawag. After quite some time, he texted me.
----------------------
From: DadWTF Zeke! Nasa board meeting ako nang tumawag ka! Naistorbo mo yung presentation ko... But then, I still want to congratulate you. I'm so proud of you, son. Kunin mo nalang sa Mom mo yung susi ng condo ko na ngayon ay iyo na. HBD. TTYL
----------------------Pino ang mga hakbang ko pabalik ng kwarto, patungo sa banyo. Nagshower agad ako. Napahiyaw ako nang dumampi ang malamig na tubig sa balikat ko. Shitz! May galos pala ko, bakat pa ang ngipin! Nako, ang bangis ng Xandro ko!
Di ko na pinagkaabalahan pa gaano ang paghihilod. Marahan akong lumabas ng palikuran, mabilisang nagbihis at nagtatakbo palabas ng bahay. However, napatigil ako nang mapagtantong may nakalimutan ako, ang halik ng babes ko, and so bumwelta ako't nagpakasasa sa maamo niyang mukha. Bahagya pa kong naturn-on nang marinig ko ang mahina niyang taghoy na talaga namang pagkakyut.
"Alis lang ako saglit love. Pagbalik ko magsasama na tayo." galak na galak kong banggit.
Ayaw ko man na umalis sa tabi niya, kinailangan ko pa ring gawin para ako'y magtungo sa unibersidad at kuhanin ang opisyal kong mga marka pati na rin ang sertipiko ng pagiging DL ko. Inapura ko ang mga empleyado ron, tsk, kasi naman ang babagal nila kumilos. As soon as they handed me my papers, nananakbo akong umalis, sakay ng kotse ni Kuya Louie, drive papuntang mansyon.
"Mom! Where are you?! Yoohoo? Mom!" sigaw ko kahit nasa loob pa ako ng kotse. I couldn't contain my joy!
Ang lakas maka-glee ng paraan ko ng pagpasok sa mansyon. Bawat sulok, bawat hakbang, may katumbas na emote. Patalon-talon pa ako't paikot-ikot, yeah like a basketball player, then magaliw kong binabati ang mga katulong na sumasalubong sakin. Kinanta ko ang chorus ng happy, sabay sa ritmo nito ang pagdamoves ko ala-Gary V. For sure kung nakikita ako ngayon ni baby X, mas maiinlove yun sakin. Hay, sayawan ko nga siya next monthsary namin.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Teen FictionBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...