Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLionCHAPTER 39
---------------------------------------------------------
Zeke's POV
---------------------------------------------------------"Hijo, ayaw ka pa rin kausapin ni Xandro eh. Balik ka na lang ulit bukas..."
Dalawang linggo. Dalawang linggo na akong tinitikis ng baby ko. Dalawang linggo na 'kong nangungulila sa kanya.
Araw-araw, nagpupunta ako sa bahay nila para suyuin siya, bitbit ang kahon ng cupcakes at palumpon ng bulaklak, pero araw-araw rin, umuuwi akong luhaan dahil hindi niya pa rin ako napapatawad. Hindi man lang nga siya nagpapakita sakin sa tuwing dinadalaw ko siya. Sabi ni Tita Kate, lagi lang raw nakakulong si Xandro sa kwarto, ultimo silang mga magulang niya ay hindi niya pinapansin kasi masama rin ang loob nito sa kanila.
Pati relasyon ni Xandro sa mga magulang niya naapektuhan nang dahil sa kagaguhan ko. Wala talaga akong kwenta. Naiintindihan ko kung bakit ayaw na sakin ni baby. Gago kasi talaga 'ko. Gago! Gago!
Pero kahit naman gago ako, may puso pa rin ako. At itong puso ko, si Xandro lang ang gusto, kaya di ako susuko sa kanya. Di ako titigil sa araw-araw na pagdala ng cupcake at bulaklak sa kanya. Magbabago ako, mapatawad niya lang ako.
"Okay, Tita. Uhm, eto po" inabot ko na lang sa kanya yung mga dala ko, pati isang liham na buong puso kong isinulat kagabi "Pakibigay na lang po kay Xandro yan. Pakisabi mahal na mahal ko siya at hihintayin ko ang araw na mapatawad niya 'ko."
Bagsak ang balikat akong lumabas ng bahay nila. Isusuot ko na sana ang helmet ko nang magvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Sinagot ko ang tawag ni Topher.
"Kuya, si Mom dinala sa ospital!"
****
"Malubha na talaga ang lagay ni Mom. Kailangan na natin siyang dalhin sa US sa lalong madaling panahon." ani ni Kuya Louie pagkalabas ng doktor. Nakapalibot kami ngayon sa walang malay kong ina. Hawak ko ang kaliwang kamay ni Mom at marahan itong pinipisil.
"Paano natin siya madadala sa America kung ayaw niya naman? Hindi ko talaga mapilit ang Mom niyo. Ang gusto niya, makasama kayong mga anak niya." paliwanag ni Dad na nakaupo sa bandang paa ni Mom. Hindi kapansin-pansin sa mukha niya ang pag-aalala. Alam ko nagpapakatatag lang siya para sa pamilya namin.
"Pipilitin natin si Mom. Sa ayaw o sa gusto niya, pupunta siya ng America. Ang tanong, sinong sasama sa kanya?" sabi ni Kuya Louie na nakatayo lang sa isang gilid "Hindi ako pwede. May mga klase pa 'ko. Mahirap nang tumigil since matatapos naman na ang sem."
"Gustuhin ko mang ako ang sumama pero alam niyo naman na kapag ako lang ang kasama ng Mom niyo, magmamatigas yon." si Dad
"Ako na lang Dad. Puro bagsak naman ang grades ko kaya okay lang na di na ko pumasok." singit ni Topher na di ko namalayang katabi ko pala't nakikipisil sa kamay ni Mom. "Ay joke lang pala, ayaw ko umalis. Di ko kayang iwan si Bottom."
Tinitigan ko si Mom. Nahihirapan na siya sa sakit niya. Bilang anak niya, masakit sakin ang makitang tila unti-unti siyang tinatanggalan ng lakas at buhay. Kaya naman nabuo sa isipan ko ang isang desisyon.
"Ako na lang. Ako na lang ang sasama kay Mom. Ako ang pipilit sa kanya na magpagamot. Gagaling siya. Gagaling pa siya..."
Nagkatinginan si Kuya Louie at Dad.
"Paano si Xandro? Kaya mo ba siyang iwan?" sabay nitong tanong
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Ficção AdolescenteBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...