Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLionCHAPTER 25
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------"Quality day spent with my baby" pagbasa ko sa caption ng pinost ni Zeke na litrato naming dalawa sa facebook account niya. Naka-wacky ako sa pic habang nakabungisngis na nakatingin lang sakin si Zeke. Ang daya niya. Sabi niya wacky pero bakit ako lang ang mukhang mongoloid sa picture? Hmmp.
Nakakatuwang balik-balikan ang nangyari sa akin ngayong araw. Ang galing. Di ko akalaing magagawa kong sakyan ang mga rides sa Enchanted Kingdom, most especially ang pinaka-kinatatakutan kong space shuttle. Nagawa kong kainin ang takot ko sa mga rides na yon ng dahil sa mapilit kong boyfriend na kinulit ako ng kinulit hanggang sa mapapayag akong sumakay sa mga yon. Ibang klase rin talaga ang karisma niya.
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa kanang bulsa ko. Ano ba yan. Napakatagal naman lumabas ng gumagamit ng banyo. Kanina pa ako nakatayo sa labas at nag-aabang sa pagbukas ng pinto. Sasabog na ang pantog ko. Konting-konti na lang sisirit na ang mapanghing likido. Badtrip. Kung ano-anong paraan na ang ginawa ko para pigilan ang pagtagas ng ihi ko. Naglakad. Bumuka-bukaka. Inipit ang ano ko. Nagdasal. Nag-facebook. Badtrip. Tumatae ata tong tao sa loob ng banyo eh.
Nahagip naman ng mata ko ang isa pang restroom na para sa mga may kapansanan. Ihing-ihi na talaga ako. Nagpalinga-linga ako saglit, at nang masiguro kong walang nakatingin sakin, mabilis akong pumasok don. Ugh! Sa wakas, naka-ihi rin.
Matapos kong masagawa ang ritwal, tahimik akong lumabas ng banyo. Nakakahiya kasi may nakakita sakin na lumabas ako don. Nginitian niya lang ako pero alam ko deep inside tinatawanan niya ako. Tsk.
Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ako ng malalim. Di ko alam kung bakit ako natetense.
Ipinagpasawalang-bahala ko na lang ang nararamdaman ko at bumalik ako sa pwesto namin ni Zeke, pero wala akong naabutang nakaupo sa pwesto namin. Tinanong ko ang isang waiter kung san nagpunta ang kasama ko, ang sabi naman nito nakita niya raw si Zeke na may kausap na lalaki sa dulong table.
Dahan-dahan kong tinahak ang daan papunta sa dulong mesa. Mula sa malayo ay natanaw ko si Zeke na nakatayo habang may kausap na dalawang lalaki. Di ko makilala yung isang lalaki dahil nakatalikod ito sakin pero yung isa pa, sigurado akong si Tito Zeus yon. Kaya pala ako kinakabahan ay dahil nasa iisang lugar lang kami ng tatay ng mahal ko na tutol sa relasyon namin ng anak niya. Hay!
Habang nakikipagkamay si Zeke sa lalaking nakatalikod ay napangiti siya. Nakita niya na ata ako. Inakbayan niya yung lalaki at iniharap ito sa akin.
"Baby, meet my brother." nakangiting sabi ni Zeke. Napangiti rin ako dahil nakakahawa ang ngiti ng boyfriend ko, pero nawala agad ito nang makilala ko ang lalaking inakbayan ni Zeke.
Nanlaki ang mata ko. Bumigat ang mga paa ko't natigil ako sa paglakad. Nanginig ang tuhod ko. Naglahong parang bula lahat ng tao. Pati ang ingay sa paligid ay nawala rin. May kirot akong nararamdaman sa puso ko. May mga luha na akong nagbabadyang bumagsak.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Nagbalik na siya. Ito na siya sa harapan ko.
"Bogs?" naisawika ko kasabay ang pagtulo ng aking luha.
Humakbang siya palapit sa akin. Seryoso pero may nakikita akong lungkot sa mga mata niya. Unti -unti nang nauubos ang distansyang namamagitan sa aming dalawa. Gusto kong humakbang paurong pero di ko magawa.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Teen FictionBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...