SPECIAL CHAPTER: Addy and Louie Love Affair Part 1

4.2K 148 14
                                    

Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLion

SPECIAL CHAPTER: Addy and Louie Love Affair Part 1

---------------------------------------------------------
Addy's POV
---------------------------------------------------------

It doesn't matter who hurt you or broke you down, what matters is who made you smile again.

Hmmm. Nice quote. Medyo nakarelate ako don ha. Haha.

Naglakad na ako papunta sa cashier at binayaran ang mga damit na nagustuhan ko, isa don yung blue shirt na may print nung nabanggit kong statement. Palabas na ko ng store nang mahagip ng mata ko ang kulay itim na sumbrerong talaga namang nagmumura sa ganda. Nilapitan ko iyon at sinukat sa harap ng malaking salamin. Shocks! Bagay na bagay kami ng sumbrerong ito, Meant to be!

Nawaglit ako sa pagsusukat nang mapansin kong may komosyon na nagaganap sa labas. My inner self says na kailangan ko raw magpunta don, wala sa sarili akong nakipagsiksikan sa dagat ng mga chismoso't chismosang nilalang.

"Kuya, anong nangyayari?" kulbit ko sa bruskong lalaking nasa unahan ko na di maikakailang batak sa pagwowork-out. Hindi na ko makasingit pa para makapunta sa unahan, masyado nang maraming tao, amoy-anghit na pati.

Lumingon naman ito sakin at ikinagulantang ko ang tugon niya.

"Be, may magjowang nag-aaway. Umiiyak pareho. Nahuli kasi nung tisoy na nagtataksil ang boypren niya. Shit. Nakakaawa si hottie, ang gwapo-gwapo at yummy-yummy na pero nagawa pa ring lokohin. Huhu akin na lang siya!"

Honestly, wala akong naintindihan sa sinabi niya. Nawindang kasi ang utak ko nang banggitin niya ang 'be'. Baklang-bakla! Habang nagsasalita e pumipitik pa ang mga daliri at taas-baba naman ang mga kilay! Ang lambot niya talaga brad, ibang-iba sa mala-machete niyang pangangatawan.

"Ahh. Hehe" ani ko sabay yuko, then, pinagpilitan ko ang aking sarili na sumingit sa amoy-singit na baha ng tao. Nakakastress sila, bakit kaya mas maasim pa sa isang basong tubig na pinigaan ng tatlong kilong kalamansi ang amoy nila e naka-aircon naman dito sa mall?

Okay, ang salbahe ko dun.

Pagkalagpas ko sa maalon at maamoy na pacific ocean, una kong ginawa ang paglanghap sa sarili kong aroma. Nagdiwang ako mentally nang matiyak kong hindi kumapit sakin ang masangsang na amoy.

Konting hagod pa ng damit tapos okay na ang kaitsurahan ko. Nagitla na naman ako nang pagtingin ko sa kaguluhan ay mga pamilyar na mukha ang namasdan ko.

Si Zeke, tinulak ang kapatid ko!

Dali-dali akong lumapit kay Xandro at sa tulong ni Troy, inalalayan ko siyang tumayo. Galit akong tumingin kay Zeke, wala siyang karapatang saktan ang kapatid ko kahit pa nobyo siya nito! Mas lalong nag-init ang dugo ko nang makilala ko ang lalaking nasa likuran niya.

Siya ito. Sigurado ako! Louis Anthony Kennedy, ang lalaking hinding-hindi ko makakalimutan kahit kailan!

Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin, inatake ko siya ng suntok. Napaatras siya at napahawak sa panga. May nakikita akong galit sa mata niya (nasaktan siguro sa suntok ko) pero hindi siya gumanti. Sa halip, tinapik niya ang balikat ni Zeke.

"Bro, tara na. Alis na tayo dito." mahinahon niyang sabi. Bro? Kapatid niya si Zeke?

Lumapit si Xandro kay Zeke at hinawakan ang mga pisngi nito. Pareho nang namumugto ang mga mata nila.

"Zekie makinig ka. Mali ang iniisip mo. Wala kaming ginagawang masama ni Troy." paliwanag niya pero parang bingi si Zeke. Wala itong imik at patuloy lang sa pagluha. Samantala ako, pinapatay sa tingin ang hayop na Louie na yon! "Zekie. Zekie. Please naman oh. Hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang nakita mo" Niyakap niya si Zeke.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon