Book Title: You Stole My Heart
Author: KenTheLionCHAPTER 24
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------Natulog kami ni Zeke sa malamig na semento nang magkatabi at magkayakap. Ngunit nang sumikat ang araw ay napagdesisyunan ko nang umuwi. Okay naman na si Zeke eh. Hinawakan ko ang leeg at noo niya para malaman ko kung sinisinat pa ba siya pero wala na akong init na nadama.
Naaalala ko pa yung mga huling sinabi niya bago ako makatulog. Papakasalan kita, baby ko. Ibang saya ang idinulot sakin non. Para bang napakaswerte ko kasi kahit isa lang akong bakla, nakahanap ako ng taong magmamahal sakin habangbuhay. Alam ko, masyado pang maaga para sabihin ni Zeke ang ganoon. Nasa kasibulan pa lang ang relasyon namin. Napakalaki pa ng tyansa na maghiwalay kami. Maaaring may dumating na isang problema na sisira sa samahan namin. Pwedeng bukas, magising na lang siya na iba na ang itinitibok ng kanyang puso. Pero ewan. Pakiramdam ko totoo at paninindigan ni Zeke ang sinabi niyang iyon kahit pa anong pagsubok ang dumating sa aming dalawa basta't magtiwala lang ako sa kanya.
Mahimbing pa ang tulog ni Zeke. Bahagya pa siyang nakangiti. Hindi ko na hihintayin pang magising siya bago ako umalis. Ayaw ko ring gisingin siya't sirain ang napakaganda niyang tulog para lang makapagpaalam ako. Kinuha ko na lang ang cellphone niya para makapaglagay ako ng note don. Napangiti na lang ako nang makita ko ang wallpaper niya. Litrato naming dalawa. Ako mahimbing na natutulog habang nakayakap sa kanya, at siya na nakadikit ang dulo ng ilong sa pisngi ko't nanggigigil ang ekspresyon ng mukha.
Zeke, uwi na ako ha. Alam mo na baka pagalitan ako ni Papa. Magkita na lang tayo bukas sa university. I love you. :D
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Zeke. Dahan-dahan akong lumabas. Dahan-dahan ko ring isinara ang pinto. Para na akong magnanakaw sa ikinikilos ko pero okay lang, kaysa naman makalikha ako ng ingay at magising ko pa ang mga natutulog na tao.
May mga katulong nang naglilinis ng mansyon pagkababa ko. Tinanong ko sila kung may gising na ba sa mga Kennedy para makapagpaalam ako dito. Sinagot naman nila ako na nagluluto na raw ng agahan si Tita Czarina, kaya nagtungo ako sa kusina.
"Good morning po, Tita." natigilan naman siya sa pagpiprito nang marinig ako.
"Oh, Xandro, Good morning din. Gutom ka na ba? Maluluto na itong agahan."
"Sa bahay na lang po ako kakain, Tita. Pauwi na rin kasi ako. Nagpunta lang po ako dito para magpaalam."
"Uhm.... Pwede ba mag-usap muna tayo? May gusto lang akong sabihin"
Medyo kinabahan naman ako sa sinabing iyon ni Tita. Matipid lang akong tumango. Dinala ako ni Tita sa may pool area kung saan kaming dalawa lang ang tao. Yung mga katulong na ang nagpatuloy sa ginagawa ni Tita kanina.
"Xandro, first of all, gusto ko sana wag na Tita Czarina ang itawag mo sakin. Mom na lang. Para na rin kitang anak since kayo na ni Zeke. Okay lang ba yon?" nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin iyon ni Tita. Kabaligtaran kasi ng sinabi niya ang akala ko ay sasabihin niya. Akala ko kasi sasabihan niya akong layuan ko ang anak niya.
"Okay po...... Mom." nakangiti kong tugon
"Sarap naman pakinggan non. Haha. Anyway, gusto ko lang magpasalamat sayo kasi binuo mo ulit itong pamilya namin. Nasabi na ba sayo ni Zeke kung paano kami nagkaayos?" umiling ako kaya kinwento sakin si Tita este Mom ang nangyari.
After pala akong iwan ni Zeke sa playground, binalikan niya ako agad. Pero di na niya ako naabutan. Nagtatakbo kasi ako non paalis ng subdivision. Haha ang drama ko nun. Umiiyak ako sa kalsada na parang batang iniwan ng magulang sa ampunan.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Teen FictionBook I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa k...