#4

35.6K 741 6
                                    

~

ISANG LINGGO ng nasa Singapore si Safarra. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang ideya kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas. From time to time ay tinatawagan niya si Jam dahil sobrang miss niya na ito. Kahit isang linggo palang ang nakalipas, pakiramdam niya ay taon na ang lumipas silang hindi nagkitas ni Jam. Napapabuntong hininga nalang siya.

Hindi niya alam kung paano siya nakatagal na makasama ang anak ng boss niya sa iisang bahay. At mas ikinatuwa niya ay wala na itong ginawang kahalayan sa kanya magmula ng magpunta sila sa falls. Natuwa ka ba ? O, namiss mo ?. Pinahilig niya ang ulo niya. What is she thinking. Malamang ay natutuwa siyang hindi na siya nito hinahalikan. Ugh. Pero bakit pakiramdam niya ay namimiss niya ang malambot na labi ng binata. Jeez !.

Speaking of Deither. Nasaan kaga ngayon ang binata ? Kaninang umaga niya pa kasi hindi nakikita ang anak ng boss niya. Pag gising niya kasi ay wala na ito sa couch niya. Wala din si Mr. Gon kaya wala siyang mapagtanungan.

Ilang minuto pa ay nakarinug siya ng doorbell. God ! Hindi niya alam kung bakit siya biglang na-excite, knowing na baka si Deither ang nag do-dorbell. Halos liparin niya ang pagitan nila ng pinto para lang mapagbuksan iyon.

Malapad ang ngiting isasalubong ni Safarra para kay Deither ng pagbuksan niya ito ng pinto. Pero kasing bilis nang kidlat ang pagkawala ng ngiti niya ng makitang hindi lang nag iisa si Deither. May kasama itong sopistikadang babae at nahiya naman daw si glutha sa balat nito. Mukha itong british dahil halos manliit na siya sa height ng dalaga. Malamang ! Baka super model ito.

Nakaramdam siya ng inis ng makita niyang nakapulupot ang braso ng babaeng glutha sa matipunong braso ni Deither. Tsk ! Parang gusto niya biglang ingudngod ang babae sa tiles ng buong kabahayan. Why is she acting like that ?

"Ohh ! Hi Ms. Alvalde." Kaswal na bati sa kanya ni Deither. "This is, Barbara Florevia, my girlfriend."

Gagong to ! May girlfriend na pala tapos nanghahalik pa ? Kung kanina ay ang babaeng glutha lang ang gusto niyang ingudngod sa tiles, ngayon pati si Deither ay gusto niyang pompyangin.

"Honey, she's my photoshoot partner."

Honey ? Hindi ba't iyon ang tinawag sa kanya ni Deither noong hinalikan siya nito sa falls ? Deym ! Ano pa bang aasahan niya sa isang Deither Borja na bachelor. Malamang ay malikit din ito sa babae.

"Hi, nice to meet you.!"

Ang sarap ungusan ng babaeng glutha na ito. Obvious naman na hindi siya gusto nito ay nagpapakaplastic pa. Tsk.

"Mabuti naman at nandito ka na." Baling niya kay Deither at hindi pinansin ang pagbati sa kanya ng babaeng glutha na iyon. "Since my presence is not ineed here anymore. I better get going. And Oh ! Make sure that you'll change the bedsheets after you screw your GIRLFRIEND.!" binigyan talaga niya ng diin ang huling sinabi nito.

Wala naman talagang balak umalis si Safarra sa penthouse ng anak ng boss niya. Nayayamot kasi siya, matapos ang ilang linggo na hindi nito pagkibo sa kanya ay mag uuwi nalang ito ng babaeng glutha. Naiinis siya, maging siya ay hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang inaakto niya. Ano naman kung mag uwi ng babae si Deither ? Normal lang iyon dahil kahit baliktarin mo pa ang mundo ay lalaki pa din ito at may pangangailangan.

Sa inis niya, ay minabuti nalang niyang puntahan si Alynna. Tinext niya ito at naka-check in daw ito sa malapit na hotel. Agad naman niyang pinuntahan ang dalaga.

"Oh ! Bakit ka napasugod ?." Napa face-palm nalang si Safarra ng makitang naka bra at panty lang ang kaibigan. Kita niya pa ang hickey nito sa bandang singit. Tsk.

"Sino naman ang ka-session mo dito ? Tsk ! Don't tell me si Roger iyan.!" Roger is her fiance at ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit nasa Singapore ngayon ang kaibigan niya.

Alynna rolled her eyes. "Sira ! Ayoko nga sakanya tapos makikipag-sex ako ? Ano ako boang ? Si Kyohei ang ka-session ko ! Masarap siya. Malaki."

Hindi na siya nagulat sa sinabi ng kaibigan niya. After all, alam naman niyang may kung ano kina Alynna at Kyohei -- Alynna's bodyguard.

"Lika na dito sa loob, magpapalit lang ako. Baka mamaya sakmalin ako bigla nung tulog na tigre. Hihi.!" Humagikgik pa ito.

Nakailang beses na siguro siyang napairap dahil sa kaibigan niya. But she's happy for Alynna. Ito naman kasi ang rason kung bakit tumakas si Alynna, gusto ng kaibigan niya na makalaya. Alynna loves freedom and she witness how her friend suffers.

Ilang saglit pa ay nakabihis na ang kaibigan niya na for sure ay T-shirt ni Kyohei iyon dahil malaki ito sa kanya. Dinaluhan siya ng kaibigan niya sa sala ng hotel room nito.

"So, ano ngang problema at naghihimutok ka riyan ?." Paunang tanong ni Alynna sa kanya.

Nayayamot siya, kanina pa. "Ayoko lang sa penthouse ni SR. DEITHER, may kasama siyang babaeng glutha. Masakit sa mata.!" Honestong tugon niya.

Nakita niyang nagtaas ng kilay si Alynna at sa uri ng titig nito sa kanya ay parang sinusuri ang buong pagkatao niya.

"So ? Bakit ganyan ka makareact ? Ano naman kung nagsama si Sr. Deither ng babae sa penthouse niya ? I mean, bahay niya iyon at may karapatan siyang mag uwi ng babae doon.!"

Inirapan niya ang kaibigan. "Gaga ! Anong tawag mo sa akin doon ? Display ? Hello ! Nandoon kaya ako, respeto naman sana. Bisita niya pa din ako kahit na empleyado lang ako."

"Yun lang ba ang dahilan mo kung bakit ka naghihimutok dito ?." Makahulugang tanong sa kanya ni Alynna kaya naman napakunot siya ng noo.

"Anong pinapahiwatig mo sa tanong mo ha, Alynna Miguel !!."

"Well, you look like a jealous girlfriend to be exact, my dear friend.!"

"ANO ??." Agad na sabi niya. Iyon ba talaga ang inaakto niya ? No ! Hindi iyon ganoon tsaka bakit naman siya magseselos.

"See ? Guilty." Iiling iling na sabi pa ni Alynna sa kanya. "You know what Saff, maybe your still indenial. But I can see how much you like him.!"

Indenial.

You like him.

What the fuck ?.

**

Safarra Alvalde (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon