#10

29.8K 645 2
                                    

~

"ANONG SABI ni mommy ?."

Nakailang ulit na siyang tinanong ng binata kung ano ang sinabi ng ina nito sa kanya ngunit nanatili lang tikom ang bibig niya. It's between her and his mom. Sa kanila nalang iyon, hindi na kailangang malaman pa ni Deither.

Nagtungo siya sa kusina para iligpit na ang pinagkaininan nila ni Deither. Hindi naman siya na-offend sa sinabi ng ina nito sa kanya. Infact, may punto naman ang ginang. Hindi siya maipapangakong hindi niya masasaktan si Deither pero kailangan niyang panghawakan ang nararamdaman niya para sa binata. She's almost there. At sa dalawang taong nakakulong ang puso niya sa pangungutya ng iba, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Pakiramdam niya ay nabuhay siyang muli dahil iyon sa pagmamahal na ino-offer ni Deither sa kanya.

"Honey, ano bang sinabi ni mommy ?." Frustrated na tanong ng binata. Hanggang sa kusina pala ay sinundan siya nito.

Hinarao niya ito at binigyan ng matamis na ngiti. "Kailan at saan ang next shoot na'tin ?" She asked to drop the topic.

"Sa agency nina Chris -- my friend -- Imo-model natin si Larra Ellaine Chua."

Oh ! Larra Ellaine. One of the most sophisticated model in Paris, half Filipina at Half Chinese iyon. Kilala niya iyon dahil minsan na niya itong naging model sa isang photoshoot.

"Maganda siya, naging model ko siya minsan.!"

"Don't drop the topic Safarra Alvalde. I'm still asking you, anong sinabi ni mommy sayo ?." Tiim bagang na sabi ng binata. Napalunok naman siya, nakakatakot pala ito pag seryoso at nakakunot ang noo.

Bumuntong hininga siya at saka tumalikod sa binata. "It's girl thing Deither, no big deal !."

Nakita niyang mas lalong dumilim ang mukha ng binata. Hindu niya alam kung bakit ba nito gustong malaman ang tungkol sa pinag usapan nila ng ina nito. No big deal, at isa pa sa kanila nalang iyon. Hindi na kailangang makisawsaw pa ni Deither.

"Look Deither, kung ano man ang pinag usapan namin ng mommy mo, it's private so please wag ka ng makulit.!"

This time nakita na niyang lumambot ang mukha ng binata. Inilang hakbang siya nito at saka ginawaran ng masuyong halik sa labi bago siya hinapit nito papalapit para yakapin.

"I'm sorry honey, mom knows everything about you. Ang akala ko kasi inaway ka ni Mommy."

"Seriously Deither ? Pinag iisipan mo ng ganyan ang mommy mo ?." Natatawang tanong niya. Humiwalay naman ang binata sa pagkakayakap sa kanya.

He shruggled. "I know my mom, Safarra. In just a blink, kayang kaya ka niyang ilayo sa akin. Ayokong mangyari 'yon, matagal na kitang mahal. Ngayon pa na malapit mo na din akong mahalin. Tsk !."

Pakiramdam ni Safarra ay abot tenga ang ngiti niya. Ang cute lang kasi ni Deither, parang bata na inaagawan ng candy. Oo, natatakot siya sa Mommy ni Deither, pero gaya nga ng sabi niya kanina, pinoprotektahan lang ng ginang ang anak nito at naiintindihan niya ito.

Safarra cupped his face. She can see how handsome Deither is. Bakit ganon ? Sobrang gwapo ng binata sa paningin niya. Tsk ! Tsk !

"Deither, ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganito. I told you, I trust you and I'm almost there. So wait for me please.!"

"I will, honey."

**

KANINA PA nayayamot si Deither sa loob ng penthouse niya. Umalis kasi si Safarra kanina pang umaga at nayayamot siyang hindi makita ng mga mata niya ang magandang mukha ng dalaga. It's been a week since umamin siya sa dalaga. At inaamin niyang, ilang gabi ng mainit ang kama niya dahil sa pagtatalik nila ng babaeng pinakamamahal niya.

No one can describe how happy he is now. Dream come true na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwalang abot kamay na niya ang dalaga. Kung dati ay hanggang tanaw lang siya, ngayon ay nakakasama na niya si Safarra.

Malapad siyang napangiti habang binabalik tanaw ang mga pinag gagagawa niya noong kolehiyo. He actually stalked her. What the fuck ?.

Nang makarinig siya ng doorbell, halos takbuhin niya ang pagitan nila ng pinto para lang mapag buksan iyon. He's excited to see Safarra, for sure na si Saff na ito.

"Mom ?." Takhang tanong niya ng makita ang ina niya pagkabukas nito ng pinto.

"Hello there, son ! Ohh ! I have surprise for you." Nakangiting sagot ng kanyang ina. Bigla siyang kinabahan sa sinabi ng ina.

Parang nahuhulaan na niya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ina. And swear, hindi niya nagugustuhan iyon. Sa ngiti palang ng ina niya, alam niyang may binabalak ito. Kilala niya ang bawat taktika ng ina niya, alam niya kung paano ito maglaro. Can't she just be happy for him, because atlast, malapit na niyang makuha ang babaeng mahal niya.

"Hi Deither, it's been a year.!"

The woman behind her mother, who spoke is no other than his childhood friend Stella Monteverde. Tsk. Sinasabi na nga ba at umiral nanaman ang pagka maldita ng ina niya. At isa pa itong Stella, nagpapauto nanaman sa mommy niya.

"MOM WHY Stella is here ?." Tiim bagang na tanong niya sa ina ng makapag solo sila sa kusina. Ang kababata niya ay kasalukuyang nasa sala at nanonood ng TV.

"Son, I know that Safarra is not yet sure about her feelings for you. I can see it in her eyes.!" Deither shruggled of what he heard. "Look, I'm trying to help you, son. If she got jealous by Stella, then she loves you. If not ! You'll marry Stella. She's good for you Deither, trust me.!"

Napahilamos siya ng mukha. Matagal na siya mina-match make ng ina kay Stella. And Stella seems to like about it. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang may gusto ang dalaga sa kanya. Kaya nga lumayo na siya dito dahil wala namang aasahan si Stella sa kanya. Pero heto nanaman at pilit na ipinagsisiksikan nito ang sarili sa kanya. Takot siya, natatakot siya na baka dahil kay Stella ay masira ang nabubuong pagtingin sa kanya ng babaeng mahal niya.

"Mom, I'm not going to spoil this shit ! Just go, and get Stella with you." Reklamo niya sa ina. Naiirita na sa kanyang ina. Hangga't maari ay pinipigilan niyang mainis sa ina. Ginagalang niya pa din ito dahil ito ang nagluwal sa kanya.

"Your mouth Deither Dion !" Her mom hissed. "Stella's staying here with you. That's final.!"

Bumagsak na ang balikat ni Deither. He's hopeless. "Mom, don't do this to me.!" Pakiusap niya.

"This is a test for Safarra, son. So please, just go with the flaw. I am doing this for you, I don't want to see you with so much pain in your eyes again. Promise, if Safarra confirmed that she's inlove with you. I am going to fetch Stella here.!"

Again he's hopeless.

"Fine."

**

Safarra Alvalde (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon