~
NAPAKUNOT ANG noo ni Deither ng matanaw niya ang bulto ng katawan ni Safarra palabas ng bahay niya. Dala dala nito ang malaking kulay pulang maleta habang tumatakbo pasakay sa taxi. Nasa veranda siya ngayon, pinapakalma niya pa din ang sarili niya dahil sa nangyari kanina. Masakit man sa damdamin, alam niyang hindi din iyon magtatagal. Kilala niya ang sarili niya, hindi niya matatagalan ang ganitong pagtatampo sa babaeng mahal niya.
Kinabahan siya bigla ng makitang naka-alis na ang taxing pinas sakyan nito. Saan naman pupunta ang dalaga at may dala pa itong maleta. Teka -- Maleta ? Fuck ! Fuck ! Fuck !
Aalis si Safarra ?
Naka-ilang ulit siyang napamura nang makita niyang wala na ang mga damit ng dalaga sa closet nito. Putang ina ! Umalis si Safarra, sinsisi niya ang aarili niya dahil dito. Bakit niya ba kasi sinigawan si Safarra, dapat ay nagtimpi nalang siya at sinuyo ang dalaga. Parang gusto niyang sapukin ang sarili niya. Puta lang talaga !.
"Stella ! Stella !." Tawag niya sa kababata. Namataan niya ito sa sala na prenteng nakaupo sa sofa habang nakatutok sa TV. "Nasaan si Safarra ?."
"Umalis !." Pinatay nito ang TV at humakbang palapit sa kanya. "Na-realize niyang hindi ka na niya mahal kaya ito umalis.!." Naramdaman niyang inilagay nito ang braso sa leeg niya.
No.. Hindi ! Hindi pwede ! Hindi pwedeng umalis si Safarra.
"No ! Hindi totoo 'yan.!" Nanginginig na sabi niya.
Inayos ni Stella ang kwelyo ng polo niya. "Bakit Deither, ni minsan ba sinabi niyang mahal ka din niya ?." Pinakatitigan siya nito. "Hindi diba ? Kasi, hindi ka naman niya talaga mahal. Ginamit ka lang niya habang nandito kayo sa Singapore. Can't you see how social climber she is ? She's nothing but a gold digger.!"
Nag init ang ulo niya sa sinabi ni Stella. Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito at inihamba palayo sa kanya. Napasalampak tuloy si Stella sa sahig.
"Ouch !." Daing nito.
"Don't you ever say that again. Safarra is my life ! Safarra is my everything kaya wag na wag mo siyang pag sasalitaan ng ganyan ! I swear, baka makalimutan kong babae ka.!"
Tumayo si Stella at matalim siyang pinakatitigan. "Bakit Deither ? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit umalis ang babaeng 'yon ? Kung mahal ka niya, hindi siya aalis dito at susuyuin ka !." Singhal niya. "Akala mo ba hindi ko alam na nag away kayo ? Tama si Tita Magnolia. Walang maidudulot na maganda sayo ang babaeng 'yon. Tsk ! Ano ba kasing nakita mo sa kanya ? Di hamak naman na mas lamang ako sa may sabit na 'yon.!"
Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Nasampal niya si Stella ng ubod lakas dahilan para magdugo ang gilid ng bibig nito. He's not sorry about it. She deserves it after all.
"Safarra is billion better than you !."
Pagkasabi noon ay tuluyan na niyang iniwan si Stella sa loob ng bahay niya. Wala siyang pakialam kung tinatawag pa siya nito. Kailangan niyang bumalik sa Pilipinas, for sure naman na doon pupunta si Safarra, kailangan niyang makausap ang babaeng mahal niya. Pinahanda niya agad ang private plane niya sa assistant niyang si Mr. Gon.
"Sr. The plane is ready.!"
Great.
**
TULALA SI Safarra ng makarating siya sa Ramirez Hospital kung saan dinala ang anak niya. Magmula ng lumapag ang eroplano galing Singapore ay dito na siya dumiretso. Wala siyang pakialam kung may jetlag pa siya, ang importante ang makita niya ang anak niya. Kailangang maging maayos ang lagay ni Jam.
"Saff, I'm sorry. Kausap ko kasi si Leo, hindi ko nakita ... Hindi ko nakitang tumawid siya ... Sorry ... Sorry Saff.!" Kanina pa humihingi ng tawad sa kanya si Kleafe, tulad niya ay iyak din ito ng iyak.
"Wala kang kasalanan Klea. Wala. Ako ang dapat sisihin.!" Umiiyak na sabi niya.
"Tahan na kayong dalawa, padating na si Alynna, magdasal nalang tayo." Nag aalalang alo sa kanila ni Felicity.
At tulad nang sabi nito, ilang saglit lang ay dumating na si Alynna may kasama itong isang batalyon na bodyguards, so back to the cage na pala ngayon ang kaibigan niya. Pero mas kapansin pansin na wala na si Kyohei sa mga bodyguards nito, gustohin man niyang alamin kung bakit, pero mas umo-okupa sa isip niya ang lagay ng anak niya.
"Kamusta si Jam ?." Bungad na tanong ni Alynna sa kanila.
Si Felicity na ang sumagot dahil hindi ito makapag salita ng maayos kakaiyak. "Nasa operating room pa din.!"
"Goodness, nasaan na ang sumagasa ? I'm going to rot him in hell !. Sasagasaan ko din !."
"Aly !" Saway ni Felicity.
"What ? Dapat lang sa kanya iyon ! Isa siyang reckless driver !."
Pinakikinggan niya lang sina Alynna at Felicity na nagbabangayan. Habang si Klea ay patuloy ang pag iyak sa tabi niya. Maging siya ay iyak ng iyak.
Nagsitayuan sila ng lumabas ang nurse sa operating room.
"Nurse, kamusta po ang anak ko ?."
Malungkot ang mga mata ng nurse, bigla siyang kinabahan sa kung ano man ang sasabihin nito. Napakapit siya kay Alynna sa tabi niya. Kailangan niya ng suporta.
"Maa'm, critical po ang lagay ng pasyente. Madami pong dugo ang nawala sa kanya, kailangan pong masalinan ng dugo ang pasyente as soon as possible.!"
Si Alynna na ang sumagot para sa kanya. Pasalamat nalang siya at nandito ang mga kaibigan niya para damayan siya. "Ano pong blood type ng inaanak ko ?."
"AB positive po, Maa'm. Within twenty-four hours kailangan na po siyang masalinan ng dugo. Unfortunately, wala na po kaming stock ng blood type AB positive, so kailangan niyo na pong mag hanap ng donor.!" Paliwanag ng nurse.
Bigla ay nanlumo si Safarra sa mga narinig niya. No ! Hinde pwede ! Kailangang maka-gawa siya ng paraan. Kailangan niyang makahanap ng blood donor within twenty-four hours. Si Henry
TUMAKBO SI Safarra palabas ng hospital. Hindi na niya nilingon pa ang mga kaibigan niyang tumatawag sa kanya. Kailangan niyang mapuntahan si Henry as soon as possible, sigurado naman siyang hindi pababayaan ng mga kaibigan niya ang anak niya.
Mahigit dalawang taon na din siyang walang balita sa dati niyang asawa. Alam niyang wala ng bisa ang kasal nila. May pera si Henry at marami itong paraan para mapasa-walang bisa ang kasal nila. Abot langit man ang galit niya sa lalaking nagtaksil sa kanya, handa niyang kalimutan iyon para sa anak niyang si Jam. Kailangan niya si Henry, kaylangan niya ang dugo nito.
Nakararing siya sa mansion ng mga Ortega, matagal tagal na din magmula ng huli niyang nakita ang mansion na ito. Hindi na siya nagdalawang isip na mag door bell sa malaking gate ng buong kabahayan.
"Yes ? Anything ?.!" Sumalubong sa kanya ang sopistikadang babae, kilala niya ito. Ito ang bagong kinakasama ng dati niyang asawa.
"Kailangan kong makausap si Henry.!" Hindi na siya nag padalos-dalos pa.
Nakita niyang nagsalubong ang kilay ng babae. "And who do you think you are ?." Mataray na tanong nito.
"I am Safarra Alvalde ORTEGA. The legal wife of Henry Ortega, hindi ba't ikaw ang kabit na binuntis niya ?." Pinasadahan niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Wala naman siyang balak na makipagtarayan dito, pero kung ito lang ang paraan para maka usap niya si Henry, gagawin niya ito para kay Jam.
"Magpasalamat ka nalang at hindi ko kayo kinasuhan ng adultery. Ngayon, kailangan kong makausap si Henry.!"
Nabahag yata ang buntot ng babae kaya pinapasok siya nito. Nakita niya ang dalawang batang babae na naglalaro sa hardin ng mga Ortega. Siguro ay ito ang anak ni Henry sa babae niya.
Hanggang sa makapasok na siya ng tuluyan sa loob ng mansion. Doon niya nakita ang lalaking minsan niyang minahal na bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng makita siya.
"Saff ... Safarra .."
"Henry, kailangan kita."
**
BINABASA MO ANG
Safarra Alvalde (COMPLETED)
RandomI never expected that someone will love me like this.