~
HINDI MUNA bumalik si Safarra sa penthouse ni Deither. Hinayaan muna siya ni Alynna na manatili sa hotel room niya. Mabuti nalang at pumayag si Kyohei, pandilatan ka ba naman ni Alynna e, sinong hindi papayag. Anyway, mabuti nalang at dito muna siya sa hotel kahit ngayong gabi lang. Gusto niyang mag isip tungkol doon sa sinabi ni Alynna sa kanya kanina. Posible kayang may gusto na nga siya kay Deither ? Pero, kailan lang niya ito nakilala kaya napaka imposible.
At kung sakaling may gusto na nga siya sa binata, kailangan niyang pigilin ang damdamin niya para sa binata. At isa pa, paano na si Jam. Paniguradong hindi niya matatanggap si Deither, pihadong masasaktan niya si Jam. Iyon ang ayaw niyang mangyari, ang masasaktan ang pinakamamahal niyang si Jam.
"Saff," Napalingon siya kay Alynna. Bihis na bihis ito, maging si Kyohei. "Dior is in town.!"
Napakunot ang noo niya. "Ha ? Ano namang gagawin ni Diorsina dito ?."
Yeah, alam naman nila kung gaano ka-hate ni Diorsina ang pagta-travel. Mas gusto nito ang matulog sa bahay ang kumain ng siopao maghapon. Ganoon ang ugali ng kaibigan nilang iyon, kaya naman hindi na sila nagtaka kung bakit malusog ang pangangatawan nito.
"Heartbroken, Saff. Na-friendzone ni Pier.!"
Oh ! Hindi na siya nagtaka. Mahirap din kasing pagsabihan si Dior, lalo na pagdating sa ultimate crush nitong si Pier. E, sa itsura pa naman ni Pier ay halatang wala itong gusto sa kaibigan niya.
"Sama ka na sa amin, nasa cafe daw siya."
Tumango nalang siya, at tutal naman ay maayos naman ang bihis niya ay hindi na siya nagpalit ng damit.
Agad naman silang nakarating sa malapit na cafe, at natanaw nila si Diorsina na halos i-salvage ang kinakain nitong cake. Tsk ! Masama nga ang tama ni Dior, minsan na din itong na-friendzone pero hindi naman ganito ang naging reaksyon ng kaibigan niya.
"Dior." Magkapanabay na sigaw nila ni Alynna. Habang nakasunod lang sa kanila si Kyohei.
"Huhuhu, ni-frienzone niya ako ! Nakakainis !." Maktol nito at saka muling sinalvage ang isang buong cake sa harapan nito. Pansin din nilang pinag titingan sila ng mga tao sa kalapit na mesa. "Kasalanan to ni TJ e, kung di niya ko ni-friendzone nong una edi sana, hindi ako nagkagusto kay Pier ! Dapat pala sinalvage ko nalang si Alcantara no ? Para kami na ni TJ ngayon.!"
TJ Suarez is Diorsina's first like. Ang kaso ay first frienzone din dahil may girlfriend ito. Si Haily Alcantara.
Naupo sila. "Gaga ! Edi kawawa naman yung pinsan ko, nawalan pa ng lovelife. Kala ko ba move-one kana kay Kuya Tee.!" Singhal naman ni Alynna.
"Move on na nga, kaso mas masakit kasi ngayon ! Tang inang Pier to e, matapos kong magpabutas sa kanya ife-frenzone niya lang pala ako dahil sa katawan ko. Huhuhu !."
Inirapan niya ang kaibigan niya. Ayaw niyang magsalita dahil alam niyang sa bawat salitang bibiyawan niya ay masasaktan ito. Ganoon naman kasi si Safarra, pero mas grabe pa din sa kanya si Kleafe.
Hindi alam ni Safarra kung bakit siya napatingin sa bandang entrance ng cafe. At ganoon nalang ang pagkabalisa niya ng makita si Deither kasama ang babaeng glutha na si Barbara. Asussual, kung makapulupot ang babaeng glutha akala mo ay mawawala si Deither. Ugh.
Tumalim ang tingin niya sa mga nito. At dahil malakas ang pakiramdam ni Alynna, agad siyang lumingon sa tinitignan niya. Ngumisi pa ang kaibigan niyang si Alynna nang makutang sina Deither Borja ang tinitignan niya.
"So, mukhang hindi lang si Dior ang may problema sa lovelife ngayon !." Tudyo sa kanya ni Alynna. Napaawang naman ang labi ni Dior, para bang nagtataka ito sa sinabi ni Alynna.
"Anong pinangsasabi mo Aly ?." Takhang tanong ni Dior.
"You see," inayos muna niya ang pag kakaupo niya. "Safarra like that guy.!" Sabay turo nito kay Deither.
"Ayy ! Yummy !."
"Magtigil kayo ! Hindi ko siya gusto. Bakit naman ako magkakagusto sa lalaking kulay green ang mata, daig pa si inkredible hulk. Tapos ang laki laki ng katawan niya, parang bouncer lang ang peg. Mabango pa ang hininga niya at masarap humalik tapos ---"
Naputol na ang mga sasabihin niya ng makitang nakangisi ang dalawa niyang kaibigan. Samantalang si Kyohei ay tahimik pa din at parang bored na bored. Doon niya lang na-realize na puro positive pala ang nasabi niya, at dahil sa kadaldalan niya ay nasabi niya pang masarap humalik ang binata.
"See ?. Gusto talaga niya ang lalaking yun.!" Nakangising sabi ni Alynna.
Bigla namang tumayo si Diorsina. "Like mo siya, pero may kasamang iba ! Naku, hindi ko hahayaang ma-freindzone ka din. Ako bahala.!"
My God ! Pumalakpak pa si Alynna sa sinabi ni Dior. E, siya nga ay hindi na mapakali dahil baka kung anong kalokohan ang gawin ng kaibigan niya. Kilala pa naman niya ang mga ito. God ! Wag naman sana, madaming tao dito sa loob ng cafe.
"Aly, pigilan mo ! Tsk ! Nakakahiya." Hinawakan niya ng braso ni Alynna pero tinawanan lang siya nito habang hinihintay kung ano ang gagawin ni Diorsina.
"Hi !." Dinig nilang sabi ni Dior sa babang glutha. Nakita din nilang kumunot ang noo ni Deither at ng kasama nito. "Alam mo masarap yung cake diba ?."
"What are you talking about Miss.?" Duh ! Hindi marunong magtagalog.
"What am I talking about ?. Eto oh !."
God ! Pakiramdam niya ang lalabas ang eyeballs niya sa gulat ng makita niya ang sunod na ginawa ni Diorsina. Nginudngod ba naman niya ang babaeng glutha sa cake. Maging ang mga tao sa loob ng cafe na iyon ay nagulat sa ginawa niya.
"You see this guy.!" Turo ni Dior kay Deither. "This guy is taken by my friend. And my friend is fucking pregnant so stop flirting with him. Beacuse they are getting married as soon as possible. So fuck off !."
Nagsimula ng magbulong bulungan ang mga tao sa Cafe. For sure na naintindihan iyon ng ilang mga torista. Tsk. Parang gusto niyang lamunin ng lupa ang sarili niya. Sinasabi na nga ba't may gagawing hindi maganda ang kaibigan niya. Ugh.
Nakita niya kung paano paano tumayo ang babaeng glutha at sundan ni Deither ito. Mabuti naman at umalis na sila. At mabuti nalang ay hindi sila nakita ni Deither dahil nakakahiya kung nagkataon.
"That was priceless Diorsina Macapagal ! Bravo ! Bravo !." Pumapalakpak na sabi ni Alynna.
Napailing nalang siya, pagkatapos noon ay lumabas na ng cafe. Balak niya sanang humingi ng tawad kay Deither dahil sa ginawa ng kaibigan niya. I think he owe an appology. Kaya minabuti nalang niyang umuwi sa penthouse nito.
Agad naman niyang nakita ang binata ng makauwi siya. Nakaupo ito sa mahabang sofa at prenteng nanonood ng TV. Kunot din ang noo nito habang nanonood. Mukhang hindi ito ang perfect timing na kausapin niya ang binata kay nilampasan niya nalang ito para magtungo sa silid. Napatigil lang siya ng magsalita.
"Until when will you ruin my life Safarra Alvalde ?."
What ?.
**
BINABASA MO ANG
Safarra Alvalde (COMPLETED)
De TodoI never expected that someone will love me like this.