#13

26.7K 589 5
                                    

~

BWESIT ! Iyan ang kanina pa naglalaro sa isip ni Safarra. Bagot na bagot siya habang namamasyal sila ni Deither dito sa Centerpoint. Paano ba naman kasi, mukha siya chaperon sa kanila. Ito naman kasing Stella na 'to kung makapulupot sa braso ni Deither akala mo sawa. At isa pa 'tong si Deither, mukhang gustong gusto naman niya ang ginagawa ng babaeng higad na 'yon ! Buset.

"Deither, I want to go there, may magandang dress akong nakita don!."

" Deither, I want to go there, may magandang dress akong nakita don!." She whispered, mimicking her voice na sobrang arte. Kanina pa talaga siyan nagtitimpi.

Umikot ang bilog sa mata niya bago humakbang patungo sa pinuntahang botique ng dalawa. Nakakainis, nagmumukha siyang tanga na sunod ng sunod sa kanila. Hindi ba nahahalata ni Deither na kanina pa siya nayayamot.

Lumuwag ang pakiramdam niya ng makitang pumasok ng fitting room ang bruhildang 'yon. Ang akala niya ay pati doon ay magpapasama pa ito kay Deither.

"Hon.!" May tono ng lambing ang pagtawag sa kanya ni Deither. Pero, hindi niya iyon pinansin dahil nayayamot siya dito. "Honey, I'm sorry.!"

"Wala pa nga akong sinasabi nag so-sorry ka na ! Napag hahalata-ang guilty. Tss !." Singhal niya sa binata.

Lalo namang nagsumamo ang mga mata ni Deither. Well, wala siyang pakialam, hangga't hindi gumagawa ng move ang binata para lubayan siya ni Stella, hindi niya ito pakikitunguan ng maayos. Manigas siya.

"Akala ko pa naman mag e-enjoy ako dito ! Lintek ! Chaperon lang pala ang peg ko sa inyo ! Naku .." Inis sa sabi niya.

Gusto niyang batukan ng malakas si Deither dahil kanina pa siya naboboring, kanina pa siya sunod ng sunod sa mga ito na para bang hindi siya nag e-exist sa mundo ! Nyeta lang.

"Sorry na, doon muna tayo oh ! May bibilhin lang ako.!" Tinignan niya ang tinuturo ng binata. Jewelry store iyon, at mukhang interesado ang mga product doon kaya nagpatangay na siya sa binata.

Magkahawak kamay silang pumasok sa Jewelry store na iyon. At talaga namang, mapapa-nganga ka sa mga alahas na naroon. Milyones ang halaga, wala atang nag fi-five hundred doon or tig-i-isang libo man lang.

"Good Morning, Maa'm/Sir. Looking for a ring ?." Tanong nung sales lady, british accent ang babae, well mukha naman kasi ito kastila.

"Nah ! Although I'm planning to propose to her.!" Nag init ang magkabilang pisngi ni Saff sa sinabi ng binata. "But, I was looking for, a pair of a very simple but elegant earings.!" Seryosong sabi ni Deither habang tumitingin sa stante na puno ng mga alahas.

"Oh, is that so, Sr. ?. Here.!" Naglabas ng usang pares ng earing ang saleslady. "That worth a half million, Sr.!"

What the fuck ? Freaking half million ?. Pero kung titignan naman kasi ang hikaw na iyon, worth it naman ang presyo. Simpleng, camera design earings siya tapos ang palibot noon ay parang dyamante. Goodness ! Diamonds nga ! Pero, maganda talaga plus applicable pa sa kanya ang design dahil isa siyang photographer.

Ayaw niyang mag assume na para sa kanya iyon kung bibilhin man ito ni Deither, pero maganda. Sobrang ganda at sobrang mahal.

Nagulat siya ng isuot iyon sa kanya ni Deither.

"Teka -- Deither .. Anong ..!"

"There, pretty.!" Usal ng binata at saka siya pinakatitigan. Ilang saglit lang iyon bago ito bumaling sa saleslady. "I'll get this one, Miss. Here.!" Inabot niya ang checke sa sales lady.

"Ano, ang mahal. Bakit mo binili ?." Hindi niya maiwasang itanong kay Deither.

Totoo naman kasi, masyadong mahal ito para sa kanya. Ni hindi pa nga siya sigurado sa nararamdaman niya para sa binata tapos nag wawaldas na ito ng malaking pera para sa kanya. Nakakahiya naman diba, ayaw niyang isipin nito na isa siyang gold digger ! Social climber.

"I can give everything to you, my lady. And please, just accept it. Bagay na bagay sayo, lalo kang gumada. Can't wait you to love me back.!" Nakangising sabi ng binata.

"Parang, nandon na nga ako e.!" Mahinang sabi niya, for sure narinig iyon ni Deither, magkalapit kasi sila at isa pa, naka akbay sa kanya ang binata.

"What ? Pakiulit ?." Hindi makapaniwalang tanong nito.

Magsasalita palang sana siya ng sumulpot ang kabute ! Este, ang babaeng higad.

"Deither, akala ko iniwan mo na ako, I was looking for you. Gutom na ko.!" Asussual, maarte pa sa poodle ang gaga. Tsk !

Akala niya ay bibitawan siya ni Deither ng pumulupot si Stella sa kaliwang braso ng binata. Pero mali, s halip ay kabaliktaran ang nangyari. Iniwas ni Deither ang braso nito kay Stella at nanatili lang itong naka akbay sa kanya. Sumilay ang ngiting tagumpay sa mga labi ni Safarra ng makita niya kung paano naasar si Stella sa ginawa ni Deither.

"Linta ka ba ?." Hindi niya mapigilang itanong. "Dikit ka ng dikit ! Tapalan kita ng adhesive 'dyan e.!" Inirapan lang siya ni Stella.

Naiiling nalang si Deither. "Let's go, kain muna tayo bago tayo umuwi.!"

**

KANINA PA napapansin ni Safarra ang matalim na pagtitig sa kanya ni Stella. Kasalukuyan silang kumakain ngayon sa isang fine restaurant dito sa Singapore, gusto niya sanang kumain sa Pilipino Resto ang kaso ay sumingit nanaman ang babaeng higad at hinila sila dito. Namimiss na niyang kumain ng Pilipino Dishes, kaya lang, nandito na sila may magagawa pa ba siya.

"Girls, dito lang muna kayo. May kukunin lang ako kay Mr. Gon sa parking area.! Enjoy eating.!" Hinalikan muna siya ni Deither sa noo bago ito umalis.

Nang makapag solo ang dalawang dalaga ay hindi ito pinapansin ni Safarra. Patuloy lang siya sa pag kain at feel na feel niya ang earing na binigay no Deither sa kanya. Duh ! Half million kaya ito, dapat talagang ipagmalaki.

Kahit na napapansin niyang pairap irap si Stella sa kanya, nanatili pa din itong walang kibo. Sinawalang bahala niya ang babaeng higad na iyon. Tsk. Bahala siyang mainggit.

"Hanggang kailan mo ipag sisiksikan ang sarili mo kay Deither.!" Napataas siya ng tingi sa tanong ni Stella. Sya pa ? Siya pa talaga ang nakikipagsiksikan.

"Ano ?." Napangisi siya. "Ako ? Nakikipagsiksikan ?." Tinuro niya pa ang sarili niya bago umiling iling. "Alam mo, linta. Bakit hindi ka nalang bumalik sa Pilipinas at maghanap ng lalaki doon ! May itsura ka naman, for sure may magkakagusto sayo, hindi 'yong pinagdudul-dulan mo ang sarili mo kay Deither, obvious naman na ako ang gusto niya at hindi ikaw !."

Tina-asan nalang siya ng kilay ni Stella. Halata sa mukha nito na hindi ito papatalo. Siya din naman, hindi siya magpapatalo sa mga babaeng higad ma tulad ni Stella.

"Huh ! Darating din ang panahon na mare-realize ni Deither na wala siyang mapapala sa may sabit na tulad mo !." Napahinto siya sa kinakain niya ng marinig iyon. "Ako ang gusto ni Tita Magnolia para kay Deither. Maganda ako, mayaman, matalino at higit sa lahat, walang sabit ! Hindi katulad mo ! Tsk ! Tsk !." Umiling iling pa ang bruha. "Sa akin din mapupunta si Deither sa huli."

Nag iwas siya ng tingin. Ayaw niyang pa-apekto sa mga sinabi nito pero alam niya sa sarili niya na tagos hanggang buto ang mga salitang binitiwan nito. Ano nga ba ang mapapala ni Deither sa kanya ? Hindi na siya buo ng makuha siya nito, may kulang na sa kanya -- virginity to be exact -- ang mga tulad niya ay madali lang itapon pag katapos gamitin.

Bakit ba siya nagkakaganito ? Dahil sa mga sinabi ng babaeng higad na 'yon, na-kwestyon na niya ang nararamdaman ni Deither para sa kanya. No, hindi naman siguro ganoon ang binata.

"Hey girls. I'm back !." Pinilit niyang tugunan ng ngiti ang pagbati ni Deither. Hindi man lang niya namalayan na nandito na pala ang binata. "So, masarap ba ang pagkain ?."

"Ahm. Deither, I think we should go home. Masama yata ang pakiramdam ni Safarra.!"

Napansin niya sa gilid ng mata niya na napalingon sa kanya si Deither.
"Masama pakiramdam mo, honey ?."

Tumango nalang siya bilang kasagutan sa binata. Nawalan na siya ng lakas na magsalita. Hindi niya alam pero na-aapektuhan talaga siya sa mga sinabi ni Stella. Hindi dapat siya maging apektado pero nasaktan siya hanggang sa kadulo-dulohan ng kaluluwa niya.

All one ang score nila ni Stella. Ugh.

**

Safarra Alvalde (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon