~MAY NGITI sa labi ni Safarra ng makauwi siya sa bahay ng binata. Nagugustuhan na niya ang Singapore, pero mas masaya sana kung nandito ang anak niya. Miss na miss na niya si Jam, at hindi niya pa alam kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas. Nakakalimutan niya kasing tanungin si Deither kung kailan matatapos ang project nila. Isa pa, hindi pa din tapos ang photoshoot with Larra Ellaine, and may ife-feature pa silang sikat na restaurant dito.
Inilapag ni Safarra ang gamit niya sa mini table sa sala ng binata. Galing kasi siya kina Alynna, uuwi na din kasi ang kaibigan niya sa Pilipinas, nagpaalam lang ito sa kanya. Naupo na siya sa mahabang sofa, -- Nakaramdam siya ng kakaiba, bakit parang amoy ng ibang babae ang buong bahay ?
No ! Hindi naman siguro mag uuwi ng babae si Deither dito. Alam niya kung gaano kaseryoso sa kanya ang binata, at alam din ng binata na may nararamdaman na din siya para dito. Napaka-imposible namang gumawa pa ito ng kalokohan.
Napakunot ang noo niya ng may maulingan siyang boses ng babae sa bandang silid. May babae nga ? Tanong niya sa isip niya. Sa sobrang curious niya ay naglakad siya patungo sa silid.
"So, kamusta ka ! You know how much I missed you when you left the Philippines. Mabuti nalang at inaya ako ni Tita na magbakasyon dito, kasama mo !?" Dinig niyang sabi ng babae. Mukhang may kausap si Deither.
Sumilip siya sa silid at nakita niya ang babaeng nagmamay ari ng boses na nakaupo sa kama habang inaayos ang ilang gamit nito. Si Deither naman ay nakaupo sa loveseat at halatang bored na bored ang itsura nito habang nakikinig sa babae. Puro 'yeah' at 'okay' lang kasi ang sagot nito.
"How about kung ipasyal mo ako bukas dito sa Singapore ?!. First time ko dito, you know, lagi lang ako sa America at Pilipinas.!" Ay ! Ang haliparot ! Halatang nilalandi nito si Deither.
Nakaramdam siya ng inis. Sino ba ang babaeng iyon para kausapin ng ganon si Deither. At anong ginagaw niya dito ? Naiinis siya, parang gusto niyang pompyangin ang babaeng haliparot na iyon. Ito naman kasing si Deither, masyadong lapitin ng mga higad. Noong una ay si Barbara, ngayon naman ay itong babaeng ito, masyadong maputla ! Kulang ata sa dugo.
Napairap nalang siya, aalis na sana siya sa harap ng pinto ng magtama ang mata nila ni Deither. Nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kung kanina ay bored na bored ito, ngayon naman ay daig niya pa ang uminom ng energy drink. Nabuhayan ang loko.
"Honey !" Usal ng binata.
Nakita niyang ngumiti yung babaeng higad na kausap nito ! Luh ! Akala mo naman siya iyong tinawag na 'honey'. Ako 'yon ! Boba !.
"Deither, tinawag mo akong h--"
"Safarra, honey.!" Putol ni Deither sa sasabihin ng babaeng higad. Nakita niya naman kung gaano napatanga iyong babaeng kausap nito. Huh ! Ambisyosa ka kasi. Ako kaya iyong honey niya.
"Safarra ?." Iiling iling na tanong nung babae, bago dumapo ang tingin nito sa kanya. Hindi nakatakas sa mata ni Safarra kung paano umarko ang kilay ng babaeng higad.
Lumapit sa kanya si Deither at masuyong hinalikan sa labi. "Stella." Baling niya sa kausap nito. "I want you to meet, Safarra. My love of my life.!" Nag init ang mukha niya dahil sa sinabi ng binata. Syete ! Pwede bang kiligin ? Kasi ngayon ay kilig na kilig siya.
"Oh ! Hindi ba't may asawa't anak na siya ?."
Napanganga naman si Safarra. Paanong nalaman ng babaeng higad na 'to na may dati siyang asawa at may anak siya.
"Yeah, and you know how much I love her." Binalingan siya ng binata. "Honey, she is Stella. Kababata ko siya, cheerleader siya sa campus noong college. Don't you remember her ?."
"No. I don't remember her, and I'm not interested to reminisce about her." Mataray na sabi niya.
Hindi niya kasi gusto ang awra ng dalaga, naiinis siya dito. Parang gusto niya itong ingudngod sa toilet bowl at ipainom ang tubig doon.
"Mainit yata ang ulo mo.!" Tumawa ng pagak ang binata. "Kumain ka na ba ?." Masuyong tanong nito sa kanya.
Nakita niya ang disgusto sa mukha ni Stella. Napangisi naman siya sa babaeng higad na iyon. Huh ! Akala mo malalandi mo si Deither huh ! Mag isa ka !.
"Hindi pa, pakainin mo ako please.!" Nilambingan niya talga ang pagkakasabi niya para lalong maasar iyong Stellang higad.
**
NATATAWA si Deither kay Safarra. Kanina pa kasi ito masungit magmula ng dumating ito. Kagaya ngayon na pinapakain niya ito. Nagulat nga siya ng magpasubo ito sa kanya, hindi naman kasi ganito ka-clingy si Safarra nitong mga nakaraang araw. Ngayon lang, magmula ng makita nito si Stella. Siguro nga ay may epekto ang presensya ni Stella dito sa pagbabago ng mood ni Safarra.
"Ano ba kasing ginagawa 'non dito ?." Nakaface palm na tanong ni Safarra kaya lalo siyang natawa. "Huwag mo akong tinatawanan ! Nayayamot ako sayo ! Hindi ko gusto ang kababata mo !." Pag amin ng dalaga.
Hindi na siya nagulat. Halata naman kasing ayaw nito kay Stella, sa pakikitungo palang nito kanina sa kababta niya ay halata namang hindi sila magkakasundo. Mukhang magkakaroon ng World War three sa bahay niya.
"Honey, pakisamahan mo nalang. Two weeks lang naman dito si Stella, after that susunduin na siya ni Mommy.!"
"Ah basta ! Ayaw ko sa kanya, wag siyang lalapit sa akin kundi, po-pomyangin ko ngala-ngala niya.!"
Muling natawa si Deither sa sinabi ni Safarra, mukha ngang hindi magkakasundo ang dalawa. Ewan niya ba kasi sa mommy niya, pinanghihimasukan pa ang buhay niya. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang ito dahil masaya na siya ngayon sa piling ng babaeng mahal niya.
"Paano 'yan. Saan tayo matutulog ? Isa lang ang kama dito sa malaki mong bahay ! Tsk !." Reklamo niya.
Totoo naman kasi, saan sila matutulog. May bwisita ang binata at mananatili ito ng dalawang linggo. So, saan sila matutulog, gayong iisa lang ang kwarto dito sa bahay ni Deither.
"You can sleep beside Stella at the bedroom. I can use the couch.!" Suhestiyon ng binata.
"Hell no ! Ayoko ! Baka mangati ako kapag tumabi ako sa kanya noh ! Tsk ! Ayokong katabi ang babaeng higad na iyon.!"
"Ba-baeng h-hingad ?." Tumango siya sa binata.
Deither burst out of laughter. Ang lakas ng tawa nito at hindi siya natutuwa. Naasar siya, kasi pinagtatawanan lang ng binata ang mga sinasabi niya. Nayayamot na talaga siya, tapos gusto pa nito na magtabi sila ng babaeng higad na iyon sa iisang kama. No way ! Ayaw niyang mahawa sa virus na dala ng babaeng iyon.
"Isa pang tawa mo, hihilain ko iyang dila mo ! Kainis !."
Pero, imbis na tumigil ang binata, mas lalo pa itong tumawa ng malakas. Sa inis niya ay kinuha niya ng isang saging at sinungalngal iyon sa binata.
"Bwesit ! 'Dyan ka na nga !." She lost her temper. Naasar talaga siya kay Deither.
Naglakad siya palabas patungo sa pool area ng binata. Nayayamot siya, kay Deither at sa Stella na iyon na walang gagawing maganda sa kanya sa pananatili nito dito. How she wish na narito pa si Alynna. Tsk ! Tsk !
"Sorry na, honey. I was just kidding you. Sa private office ko nalang tayo matulog, may comforter ako dun !. Alam mo na para makapag solo tayo.!" Taas baba pa ang kilay ng binata habang sinasabi iyon. Sinundan pala siya nito.
"Manyakis ka talaga !." Tinampal niya ang malaking braso nito.
"Asus ! Gustong gusto mo naman !." Tudyo sa kanya ng binata sabay sundot pa sa tagiliran niya. "Mahal mo na ako noh ?."
Bigla siyang sumeryoso sa sinabi ng binata. Mahal na nga ba niya ? Hindi niya pa din masagot dahil hindi pa din siya sigurado.
"Alam ko, malapit na malapit na, Safarra. Nagseselos ka na kay Stella e. Mukhang tama si mommy. Stella would be a big help.!"
Bigla nalang siyang naasar ng marinig ang pangalan ni Stella. Sa inis niya ay tinulak niya si Deither sa pool. Dahilan para malaglag ito.
"Malunod ka sana ! Letse !."
**
BINABASA MO ANG
Safarra Alvalde (COMPLETED)
РазноеI never expected that someone will love me like this.