~
NANG MAKITA ni Deither ang papalayong bulto ni Safarra ay agad niyang sinundan ang dalaga. Seryoso siya dito at ngayong may nangyari na sa kanila hindi niya hahayaang makawala pa ito sa kanya. Tang ina ! Almost ten fucking years siya nga antay sa dalaga tapos hahayaan niya nalang. Hindi pwede iyon ! Walang kahit sinong makakapigil sa kanya, even Barbara.
Speaking of her. Kagabi pa ito nakipaghiwalay sa babaeng iyon kaya laking gulat ni Deither ng makita ito sa loob ng silid niya. Hindi pa siya nakakahuma ay hinalikan na siya nito but he never kissed back ! Iniisip niya si Safarra, at yun na nga. Nakita sila ng dalagang naghahalikan.
Kung paano umiiyak si Safarra kanina ay parang pinipiga ang puso niya. Hindi niya kayang makitang ganoon ang dalaga. The last time na nakita niyang umiyak ng ganoon si Saff, nung iniwan siya ni Henry. And no, hindi niya kayang makitang ganoon si Safarra, mas nasasaktan siya sa tuwing nasasaktan si Saff, gusto niya itong yakapin at alagaan. Handa siyang tanggapin ang lahat para kay Safarra.
"Fuck !."
Napapamura nalang siya ng makitang nakasakay na ng cab si Safarra. Tumakbo siya pabalik sa garahe at kinuha niya ang mustang niya. Kailangan niyang sundan ang dalaga para makapag paliwanag. Hindi niya hahayaang maging mali ang impression ng dalaga sa kanya.
Habang nagmamaneho si Deither, panaka-nakang tinatawagan niya si Safarra. Pero gaya ng inaasahan, hindi sinasagot ng dalaga ang mga tawag niya which is make him so much frustrated. Ayaw niyang isipin ni Saff na kagaya lang siya ng mga lalaking nanligaw sa kanya -- after iniwan ni Henry -- na sex lang ang habol sa kanya. Totoo ang nararamdaman niya para kay Saff at handa niyang patunayan 'yon sa kahit anong paraan.
"Saff ! Saff ! Fuck -- Wait ! Safarra !."
Tinakbo niya ang pagitan nila ni Safarra. Hindi niya din alam kung nassang parte na sila ng Singapore, at wala siyang pakialam ang importante ang magkaayos sila ng dalaga.
Hinila niya ang kanang braso ng dalaga dahilan para mapaharap ito sa kanya. At ganoon nalang ang panlalambot ng puso niya nang makitang hilam na hilam na ang mga mata nito sa kakaiyak.
"Bitawan mo ako !."
"No." Agad niyang sinagot kay Safarra. Wala siyang pakialam kung nakatingin sa kanila ang ibang mga tao, hindi naman nila naiintindihan ang lingwahe nila. "Let me explain, honey ! Hindi ko alam na nandon si Barbara. I swear, nakipaghiwalay na ako sa kanya kahapon."
Kinuha ni Safarra ang braso niya. Dahan dahan niya namang iyong binitawan.
"Hindi ko alam Deither." Nagyuko ng tingin ang dalaga. "Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang pagkatiwalaan."
Deither cupped her face and make her face him. Gusto niyang ipakita sa dalaga na sincere siya sa lahat ng mga sinabi niya. Ayaw niyang pagdudahan siya ni Safarra kahit na wala pa itong sagot sa kanya.
"Listen carefully, Safarra. I love you. What you saw earlier is a big mistake. Hindi ko alam na nandoon si Barbara, hinalikan niya ako pero swear I never kissed her back. All I could think is you, paninindigan ko ang sinabi kong mahal kita. Kaya please, sana naman maniwala ka.!" Oo, mahal niya ang dalaga. Hindi niya naman gagawin ang lahat makuha lang si Saff kung hindi niya ito mahal. Sagad hanggang kaluluwa niya ang pagmamahal niya sa isang Safarra Alvalde.
"Hindi ko alam Deither." Napabitaw siyang bigla sa dalaga. Is she going to reject him again ? "pero gusto kita, hindi pa ako sigurado kung mahal na kita. I'm still in the process."
Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Deither grab her face and kissed her fully lips. Nadinig pa nilang nagpalakpakan ang ibang taong nakakita sa kanila. Wala siyang pakialam ang importante ay gusto din siya ni Safarra. Sapat na iyon sa kanya kaysa, darating din ang pagkakataong mamahalin din siya pabalik ng dalaga.
**
BINABASA MO ANG
Safarra Alvalde (COMPLETED)
RandomI never expected that someone will love me like this.