#8

34K 699 15
                                    


~

SAFARRA ALVALDE is his FIRST love. Magmula ng makita niya ang dalaga sa isang event noong college life niya ay hindi na niya tinigilang pagpantasyahan ang dalaga. Ang simpleng inosenteng mukha nito ang bumihag sa puso niya. Deither was so inlove with her way back in college. Naranasan pa nga niyang i-stalk ang dalaga at ganoon nalang ang pagkadurog ng puso niya ng malamang may nobyo ito.

Malaki ang naging inggit niya kay Henry Ortega nang malaman niyang matagal ng magkarelasyon ito, bukod dito ay kababata pa ng lalaki si Safarra. Dumating sa point na sumuko na talaga siya perl ayaw niya.

Nahihiya siyang lumapit kay Safarra kaya naisip niyang gayahin si Henry. Ikinubli niya ang kulay berde niyang mata. He always ware his black contact lenses to cover his eyes. Ginusto niyang maging katulad ni Henry para magustuha siya ni Safarra.

Hindi naman nahirapan si Deither na mapalapit kay Safarra noon, sadyang mabait kasi ang dalaga at marunong makipag-socialize sa iba. Lalo niya lang nagustuhan ang dalaga.

Nang minsan binasted siya nito ay hindi siya sumuko. Pinangako niya sa sarili niya na titigil lang siya kapag naka sampung beses na itong pag tanggi sa kanya. Hanggang sa nangyari nga, pero hindi niya pa din natigilan ang dalaga.

Siguro nga ay tumigil siya sa panliligaw, pero hindi sa pag subaybay sa dalaga. Nakita niya kung gaano kasaya ito ng grumaduate. At ganoon nalang ang pagkadurog ng puso niya ng makita niyang nagpropose si Henry sa babaeng mahal niya. What a lucky bustard. Huh.

Sabi niya noon, after niyang masaksihan ang proposal ni Henry ay titigil na siya. But again, nabigo siya. Hindi niya pa din napigilan ang sariling i-stalk ang dalaga, maging sa kasal nito. Hanggang sa mag kaanak na ito.

Durog na durog na ang puso niya. At desidido na siyang lubayan ang dalaga. Hanggang sa mabalitaan niya nalang na iniwan na ni Henry si Safarra. Doon siya nabuhayan ng loob.

Oo, planado niya ang lahat. Ginawa niya ang lahat para makapasok si Safarra sa company nila. At siya mismo ang nag request sa Daddy niya na si Safarra ang kasama niya sa Singapore project. Maging ang pagbangga niya sa dalaga sa airport ay plinano niya, gusto niya kasing makasigurong hindi na siya namumukhaan ng dalaga.

Akala niya ay magiging madali na ang lahat sa kanya, pero hindi. Naging mailap sa kanya si Safarra siguro ay iniisip nito ang naiwang anak sa Pilipinas, so pumasok nanaman sa isip niya ang pag suko. Then it came, Barbara. Matagal na niya itong kilala at di niya maitatangging may nangyayari sa kanila. Lalaki lang siya at may pangangailangan. And Barbara is a yummy prey to fuck on at isa pa, willing naman ang dalaga.

But his plan back fired him. Hindi niya talaga maialis sa sistema niya si Safarra. At ang nangyari sa kanila kagabi ay isa sa mga hindi niya makakalimutang bagay. Kahit na hindi siya sinagot ng dalaga tungkol sa nararamdaman niya para dito

"Tsk ! Man, I told you. Mahirap ma-inlove."

Kasama niya ngayon ang kaibigan niyang si Sync. Actually ang business partner niya ito. Pilipino din ito kaya madali niya nakapagaanan ng loob ang binata.

"Ganito din ba ang naramdaman mo sa Mommy ni Sony ?." Sony is Sync's son, pero wala itong asawa. Dahil tulad ni Safarra iniwan din si Sync.

"Tsk ! Ayokong pag usapan." Lumagok ng muli ng tequila ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit ba siya sumama dito. Bored daw kasi si Sync at siya lang daw ang kaibigan niya dito sa Singapore.

"Kailan ka babalik ng America .?." Pag iiba niya sa usapan. Sa America kasi namamalagi si Sync.

"Sa Pilipinas na Dude, iuuwi ko na doon si Sony."

Napapailing nalang siya. Complicated pareho ang lovelife nila ng kaibigan niya.

"Ano palang sabi sayo ni Alvalde nung umamin ka ?."

"Wala. Hindi siya sumagot.!" Tipid na sagot niya. "Ang sabi niya lang, she trust me.!"

"Yun naman pala e, may pag asa ka dude !."

Sana nga.

**

"WHAT, you mean nagkantutan na kayo ni Papa Di.?" Sigaw ni Alynna.

Nasa hotel nina Alynna si Safarra ngayon. Nagpaalam naman siya kay Deither at pumayag naman ang binata dahil may sariling lakad din daw ito. Wala siyang lakas loob na magtanong kung saan dahil baka hindi siya nito sagutin. Isa pa, hindi naman niya alam kung anong meron sa kanila ni Deither kahit na umamin na ito at may nangyari na sa kanila.

"Babe, iyang bunganga mo !." Saway ni Kyohei ng marinig niya ang sinabi ni Alynna.

"Hihi, sorry babe. I love you.!" Humahagikgik na sabi naman ni Alynna.

"Yeah, I love you too.!"

Napairap nalang si Safarra sa dalawa. Tsk ! Wala si Diorsina dito. Umalis na daw kasi ito ng Singapore, hindi nila alam kung saan ito nagpunta pero sigurado silang hindi ito bumalik ng Pilipinas. Edi, sana binanggit na sa kanya nina Felicity at Kleafe noong nag skype sila kanina.

"So, anong plano mo ? Umamin na siya sayo. Kayo na ba ?." Sunod-sunod na tanong ni Alynna sa kanya. Napabunntong hininga nalang siya.

"Aly, hindi ko alam. Basta ang sabi ko may tiwala ako sa kanya.!"

"Boba ! Hindi mo naman nilinaw sa kanya kung mag-ano kayo ! Paano nalang kung biglang umeksena ang babaeng glutha ? Talo ka !" Singhal naman ni Alynna.

Haist ! Iyon din ang inaalala niya. May nangyari na sa kanila ni Deither at hindi sila nasa panahon ng mga hapon para panagutan siya nito. Sa panahon ngayon normal nang magsex ang mga taong walang relasyon. And knowing that, alam niyang talo nga siya.

"Kailangan pa ba 'non ? Alynna, obvious naman na gusto ko din siya e,."

"Edi, sabihin mo sa kanya ! Loka ka."

"Paano si Jam ?."

Yes, kagabi pa niya iniisip ang tungkol kay Jam. Seven years old na ang anak niyang iyon and for sure marunong na din iyon makaintindi. Natatakot siya, natatakot siya na ang kaligayahan niya ang magpapasakit sa anak niya. Alam niya kung gaano kamahal ni Jam ang ama nito. Kahit na dalawang taong hindi nagpakita sa kanila ang dati niyang asawa.

"Safarra, you had enough ! Tama na iyong pagdurusa mo. This time, give yourself a break ! Maging masaya ka naman. Nandyan na ang gracia, tatanggihan mo pa ba ?. Saka mo na problemahin ang lahat kapag nasa Pilipinas ka na.!"

Tama naman si Alynna. Matagal tagal na din noong huling tumibok ng ganito kabilis ang puso niya. Matagal tagal na din noong nakaramdam siya ng ganitong klaseng saya. Kung dati ay si Henry ang dahilan non ngayon ay si Deither na. Napaka bilis man ay hulog na hulog na siya sa binata.

"Umuwi ka na ! Kung ako sayo, linawin mo na ang kung anong meron sa inyo ni Papa Di. Sige ka ! Baka mamaya umeksena nanaman ang babaeng glutha.!"

Ngumiti siya kay Alynna bago tuluyang nagpaalam. Tiwala siya kay Alynna, palaging may saysay ang sinasabi nito.

Nang makarating siya sa penthouse ni Deither agad siyang nagtungo sa silid nila ng hindi niya matagpuan ang binata sa sala. Excited pa siyang binuksan ang pinto pero naglaho ang mga ngiti niya sa labi ng makita niya si Deither na kahalikan ang babaeng glutha. Pakiramdam niya ay pinagpira-piraso ang puso niya sa nakikita niya. Fuck.

Ito na ba ang sinasabi ni Alynna ?

"Fuck ! Safarra it's not what you think.!"

Hindi na niya narinig ang sumunod na sinabi ni Deither. Kasabay ng pagtakbo niya palayo dito ang pagbadsak ng mumunting luha niya.

Damn, ang sakit lang.

**

Safarra Alvalde (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon