#14

24.5K 584 2
                                    

~

PARANG MABABALIW si Deither kakaisip kung ano ba ang nagawa niyang mali. Kanina pa kasi siya hindi kinikibo ni Safarra magmula ng makabalik sila galing sa Centerpoint. Masama nga siguro ang pakiramdam ng dalaga kaya ganoon. Pero imposible namang hindi siya pansinin nito.

"Saff, are you okay ?." This is the first time he call her name after he confess his feelings for her. "Are you okay, honey ? Gusto mo bang bigyan kita ng gamot ?." Masuyong tanong niya.

Sa totoo lang ay nag aalala siya para dito. Bukod sa hindi siya nito kinikibo, matamlay pa ang dalaga.

Naupo si Safarra sa sofa sa loob ng office niya. Walang buhay ang mata nito, hindi niya mabasa. Ang nasa isip niya lang ngayon ay kung paanong siya mababaliw dahil sa hindi nito pagkibo sa kanya.

"Mahal mo ba talaga ako ?." Atlast, nagsalita ito. But then, nang ma-realize niya kung ano ang sinabi ng dalaga, bigla siyang natigilan.

"Why suddenly asked.?" Pinilit pakalmahin ni Deither ang sarili niya. Ayaw niyang magpa-apekto sa sinabi ng dalaga.

Naglalaro sa isip niya kung bakit naman ito biglang natanong ni Safarra. Bakit ? May nagawa ba siyang mali para kwetyonin nito ang pag ibig niya sa kanya. Alam naman nilang dalawa na tunay ang lahat ng pinapakita niya dito. Tunay ang nararamdaman niya para kay Safarra. Gahawin niya ba ang lahat ng kabaliwang ginawa niya sa nakalipas na ilang taon kung hindi siya seryoso dito.

"Bakit hindi mo nalang sagutin ang tanong ko ?. Mahal mo ba ako ?.!" Nag taas na ng boses si Safarra. Garalgal na din ang pananalita nito, para bang malapit na itong maiiyak.

Pinihilig ni Deither ang ulo niya, at saka tumalikod. Wala siyang balak sagutin ang walang kwentang tanong ni Safarra sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay unti unting pinupunit ng dalaga ang puso niya.

"Saan ka pupunta ?. Bakit hindi mo masagot ang tanong ko ?. So, tama nga siguro ang hinala ko ! Pagkatapos mo akong pagsawaan, itatapon mo nalang ako a parang basura, ganoon ba Deither ? Ganoon ba ?."

Napatigil siya sa paghakbang sa sinabi ni Safarra. Nagtagis ang bagang niya at kinuyom ang kamao niya. Hindi ka-aya aya sa tenga ang sinabi nito.

"Simpleng tanong lang hindi mo pa masagot !."

Humarap siya ng tuluyan. Pinigilan niyang yakapin si Safarra ng makita niyang may luhang pumapatak sa mata nito. Galit din siya, galit siya dahil pakiramdam niya ay binali-wala ni Safarra ang lahat dahil sa tanong nito sa kanya.

"Mahal mo ba talaga ako ? O, isa lang ako sa mga babaeng pinaglalaruan mo at itatapon mo pagtapos mong pag sawaan ?.!"

"Putang ina, Safarra !." Natigilan si Safarra sa sinabi niya. "Putang ina lang talaga ! Bakit ? Bakit 'yan ang tinatanong mo ? Iyan ba ang dahilan kung bakit kanina mo pa ako hindi kinikibo, huh ! Yan ba ?."

He lost his control. Hindi niya napigilan ang sarili niyang sigawan ang babaeng mahal niya. Nakita niya kung paano napapitlag ang katawan ng dalaga dahil sa pag sigaw niya.

"Sa tingin mo Safarra Alvalde, gagawin ko ang lahat ng ginawa ko para sayo, kung hindi kita mahal ?" Napa iling pa si Deither. "Mahal kita ! Sagad 'yon hanggang kaluluwa ko. Pero hindi ko alam na masasaktan nanaman ako sa pang ilang pagkakataon, dahil lang sa walang kwentang tanong na 'yan ! God damn it !."

Nagmadali ng lumabas si Deither at malakas na sinara ang pinto ng opisina niya. Hindi niya matagalang nakikita na umiiyak si Safarra, baka bumigay siya at yakapin niya ito ng mahigpit. Hindi muna, masakit din para sa kanya ang tanong na iyon ni Safarra. Ano man ang mangyari, kinuwestyon pa din siya ng babaeng mahal niya.

**

NAKATINGIN lang si Safarra sa pintong nilabasan ni Deither. Ang tanga niya ! Ang tanga, tanga niya at nagpa apekto siya sa mga salita ni Stella. Ang tanga niya na kinuwestyon niya ang nararamdaman ng binata para sa kanya. Ang tanga niya lang para kalimutan niya kung ano ang mga ginawa ni Deither para sa kanya.

Nanghihinang napasalampak sa sahig si Safarra, mahal siya ni Deither. Mahal siya ng binata pero nagduda siya sa nararamdaman nito para sa kanya. Nanlulumong napahagulgol siya. Bakit napaka-tanga niya ?.

Ngayon lang niya ulit naramdaman na mahalim siya ng buo, at alam niya sa sarili niya na mahal talaga siya ni Deither. Bakit hindi nalang siya nakuntento at paniwalaan ang lahat ng ginawa ng binata para sa kanya kaysa nagpaapekto siya sa demonyitang babaeng higad na si Stella.

Talo siya. Nagpatalo siya kay Stella dahil hinayaan niyang kainin siya ng mga salita nito. Hinayaan niya ang sarili niyang magduda sa nararamdaman ni Deither para sa kanya. Magmula ng inamin ng binata ang nararamdaman nito para sa kanya, walang oras na hindi nito pinaramdam sa kanya ang pagmamahal na iyon. Anong karapatan niya para kwestyonin ang pagmamahal nito sa kanya.

"I'm sorry .... I'm sorry Deither .... Hindi ko sinasadya.!" Sabi niya na para bang naririnig siya ng binata.

Napatigil lang siya sa pag iyak ng mag ring ang cellpnone niya. Wala sana siyang balak sagutin iyon nang makita niyang si Kleafe ang nasa kabilang linya. Bigla siyang kinabahan dahil si Klea ang nagbabantay sa anak niya habang narito siya sa Singapore. Kundi si Kleafe ay si Felicity.

"He.. Hello ?." Pinilit niya ayusin ang pananalita niya. Pero hindi niya mapigilan ang pag singhot.

"Saff, sorry .. Saff, umuwi ka na ..!"

Umiiyak si Kleafe, kinakabahan ito. Bigla siyang napa ayos ng upo. Kakaibang kabog ng dibdib ang sumasalubong sa kanya. Wag naman sanang may mangyaring masama sa anak niya.

"Klea ? Ano bang nangyayari ?. Nasaan si Jam ? Klea ?."

"Saff, patawad. Hindi ko alam .. Saff !."

Iyak ito ng iyak.

"Kleafe Sacayan ! Umayos ka nga ! Kinakabahan ako sayo e."

"Si Jam.! Si Jam, nasagasaan."

Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Pakiramdam niya ay bumagal ang lahat, maging ang pagbagsak ng telepono niya at tuluyang pagbaba nito sa sahig.

Her Jam. Her Jam, No ... Hindi pwede ! Dali-dali siyang lumabas sa private office ni Deither. At halos takbuhi na niya ang pagitan ng walk in closet nila ni Deither sa loob ng silid nito para kuhanin ang mga damit niya.

Nanginginig siyang nilalagay ang ilang mga damit niya sa maleta niya. Iniisip niya si Jam, ang anak niya. Hindi pwedeng may mangyaring masama dito.

Hindi niya na nga pinansin ang babaeng higad na taas kilay na tinitignan siya. Hindi niya alam kung nasaan si Deither, pero hindi muna niya iyon iisipin. Ang mas importante ngayon ay makauwi siya ng Pilipinas. Kailangan siya ni Jam. Kailangan siya ng anak niya.

Pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit niya. Lumabas na siya at sumakay agad ng taxi. Ang private plane ni Diorsina ang gagamitin niya. Narito pa daw kasi iyon sa Singapore, at nabigyan na daw ng permiso ang piloto ng eroplano para ihatid siya hanggang Pilipinas.

Hindi na siya magtataka kung paano iyon nagagaw ni Diorsina sa isang iglap lang, mayaman ito. Maraming nagagawa ang pera.

Pinihilig niya ang ulo niya.

Si Jam.

Kailangan siya ng anak niya.

**

Safarra Alvalde (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon