Kabanata I

82.9K 1.5K 69
                                    

"Kuya Jo, ano nanamang ginawa mo?"

Mahinahong tanong ni Ate Josephine. Nandito kami sa rooftop ng hotel nila Ate Josephine. Kumuha ako ng inumin at umupo muli sa tabi ni Jayden.

Ang mga parents namin ay magkakaibigan. Si Tita Alina, Tito Third, Tito Chand at ang mommy ko ay third cousins. So I consider Kuya Jos, Ate Pin, Jerem, Joshua, Jonathan and Jamelia also my cousins. Ang iba naman ay anak ng mga kaibigan ni mommy. Kapatid naman ni mommy si Tita Caly so pinsan ko si Jennifer and Jaimie.

Sabay sabay kaming lumaki lahat, we almost grew up seeing each other twenty-four seven.

Simula pagkabata ay sila na ang kasama ko so I consider them family. Walang okasyon na hindi kami buo. Lahat nga ng names namin nagsisimula sa J, corny but sweet.

"Stop calling me that Pin!" Giit naman ni Kuya Joseph. Napatingin ako kay Jessica na nakasandal sa balikat ni Jayden at natutulog na.

"Jayden, why didn't you tell me that you will play with them?" Bulong ko sa kapatid ko.

Nakita ko namang pinag sisisihan niya yon but this is the second time na nangyari to. Lahat sila ay sumusunod sa sinasabi ni Kuya Joseph.

"Ate, of course we are family. Hinamon si Kuya Jos nung kabilang school. Syempre susuportahan namin." Naparoll eyes nalang ako. Boys and basketball.

"Bakit kailangan niyong piliting mag cutting si Nathan?" Tanong ni Ate Pin. Tumawa naman si Kuya Jos. Yeah right. Dinamay pa ang mga bata.

"Pinilit ba natin siya, Jap?"

Napalingon kami lahat kay Jasper na nakasandal sa railings.

"No we didn't" nakangisi niyang sabi. Nagising naman si Jess at umayos ng upo.

"Hindi ko pinilit si Jonathan, I asked him nicely and he agreed. Bored yung bata at gustong manuod ng game. Pinagbigyan ko lang." mukhang lalong nainis si Ate Pin sa sagot ng kambal niya.

Nag vibrate ang phone ko kaya napatingin ako dito at napanganga sa nagtext.

From: Unknown Number

Hey beautiful - Dylan

Dinelete ko ito at tinago ang phone ko.

I didn't know he is such a stalker. Wait, how did he get my number. But I can't ask that..

Nevermind.

"Jayden, text mom na dito na tayo matutulog." Utos ko kay Jayden. Ang last floor ng Harris' Hotels nila Ate Pin ay para sa pamilya kaya pwede kaming magstay dito.

"Kuya Jos, tinext ako nung isa sa mga kakilala ko sa team na kalaban natin kanina. They want a rematch." napaayos ako ng upo sa sinabi ni Jerem.

Ibig sabihin nito, makikita ko nanaman siya?

"Tss. Natalo na nga, gusto pa ulit matalo. Pagbigyan, if they want a rematch. Let us give them a rematch." Natatawang sabi ni Kuya Jos at nakipag apir pa kay Joshua.

Mabilis naman hinila ni Ate Pin ang buhok niya kaya natawa kami.

"Umayos ka Hosep!" Pagbabawal ni Ate Pin kay Kuya Joseph. Ako naman ay nagpipigil ng tawa.

Medyo inaantok na ako kaya lumapit ako kay Jayden. Humilig ako sakanya at hinayaan na makapag pahing ang sarili ko. Napansin ko ring humiga si Jess muli sa kabilang balikat ni Jayden.

"Pumasok ba si mommy sa bake shop niya?" Tanong ko kay Jayden.

Linapit niya ang kamay niya sa palad ko at gumawa ng isang bilog. Napahalakhak ako dahil doon. Tinuro sa amin ni dad 'yon. When you traced a circle on the palm, it's a yes and if it's a cross mark then it's a no.

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon