Wakas

56.8K 949 49
                                    

Maraming maraming salamat at nakatapos nanaman tayo ng isang storya, storya kung saan sana ay naging parte ng inyong buhay. Maraming salamat sa mga nakarating dito sa pag wawakas na ito. Thank you for being my family.

"Hey! Let's go!" napatingin ako kay Jayden na kumakaway sa akin. Tumango naman ako at kinuha na ang mga bag ko.

"Ma, we'll be back after a week. Take care okay? Tell dad that he should call us if kailangan na kami sa company." nakangiti kong sabi sa mommy ko at yinakap ko siya.

"Yes, ilang beses mo ng sinabi iyan." saad ni mommy kaya natawa ako. I keep telling her my rants since yesterday night.

"I'll just call you pag may balita na kay Josephine. Enjoy okay? We will find her soon." dagdag pa niya kaya tumango nalang ako.

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagmadali akong lumabas na. I saw Dylan and he smiled at me.

"Alam niyo na ba kung kanino kayo sasabay?" tanong sa amin ni Kuya Jos. Tumango ako at tinulungan ako ni Dylan na mag lagay ng gamit sa sasakyan niya.

"Sakin ka na sumabay" narinig kong wika ni David kay Jade. Umuwi si Jade dahil sa pangyayari one month ago. Kumunot ang noo ni Jade pero natigilan kami lahat nung may tumigil na sasakyan sa harap namin.

Bumaba ang bintana non at nakita ko ang pagkagulat ni Jade. Lumapit si Jade doon at nag-usap sila nung lalaki. 

Lumapit si Jade muli sa amin nung matapos niya kausapin ang lalaki. Si Ivor ba iyon? Hindi ko masyadong makita.

Pero kung si Ivor yon, anong ginagawa niya dito? Kailan pa sila naging malapit ni Jade?

"Sasabay nalang ako kay Ivor" saad ni Jade at kinuha ang gamit niya. Wala na kaming naisagot at pinanuod nalang namin siyang sumakay sa kotse nung Ivor na yon.

"Pasalamat siya at magaan ang dugo ko sakanya. Let's go!" saad ni Kuya Jos kaya sumakay na kami sa mga kotse. Inayos ko ang seatbelt ko at tumingin sa labas. Its a nice day.

"Ikaw ah, sinumbong ka ni Tita sa akin. Hindi ka daw nag paalam na mag cu-cruise ka ulit" tumawa naman ito pinalo ko siya sa braso.

"Hindi ko alam kung matutuwa akong naging close kayo ni mommy o malulungkot ako. Lagi niyo nalang akong pinagtutulungan" ako naman ngayon ang natawa.

"Magiging okay lang ba si David? I mean, di ko mapigilan maawa sa lagay niya. Ayoko na siya para kay Jade pero ayoko naman din makita ang kapatid mo ng ganon" Saad ko. Sandali siyang tumingin sakin at binalik din ang tingin sa daan.

"Hayaan mo siya, it's his fault. Pinakawalan niya eh. Let him deal with the results of his actions" napatango nalang ako.

Kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop ko ang kamay namin.

Natanggap din ako ng mommy niya. Nung una ay parang napipilitan pa ito pero ewan ko ba, bigla nalang kaming naging close. Hindi ko rin maipaliwanag kung paano nangyari basta nagising nalang ako isang umaga Tita na ang gusto niyang itawag ko sakanya. Sabi niya pa sa akin ay darating ang araw na mama na din ang tawag ko sakanya.

I can't wish for anything more right now.

It is really worth the wait.

Three hours ang lumipas bago kami makarating sa beach. Dalawang villa lang ang napagkasunduan naming gamitin. One for girls and one for boys.

"Kasama ba si Ivor sa mga boys?" Tanong ko kay Jade habang nag aayos kami ng mga gamit.

Pakiramdam ko sa nine months niya doon sa New York ay ang daming nangyari sakanya. Isa na doon ang kakaibang saya niya ngayon, hindi na rin siya na a-awkward kay David. Parang okay na okay na talaga siya.

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon