"Kamukha ito ng.."

48.1K 496 50
                                    

Hello! Una sa lahat, gusto kong mag pasalamat dahil binasa at pinansin niyo ang storyang 'to..

I am beyond thankful and I will forever be thankful.

Sa mga storya, hindi naman talaga maiiwasan ang pag kukumpara. It's okay with me actually, wala naman 'yon sa akin basta hindi sumosobra. Aaminin ko at nagbabasa ako ng mga comments. I love reading comments at mapapansin niyo na madalas ay nag rereply pa ako. Pero noong mga nakaraang araw ay medyo nasasaktan na ako..

Alam kong may kanya kanya tayong paboritong mga author and I have mine too so I understand. May freedom of speech din kaya malaya kayong mag komento pero.. please apply respect too. I have a very fragile heart.. (haha)

I will try my best to explain this story.. para matigil ang pag kompara. I love the author that you're comparing me to. Pero wala ako sa kalingkinan niya para ikumpara niyo ako sakanya. She's too great and I'm just starting.. still learning..

1. Parang _ ito. Mag pipinsan.

Lahat ng storya ko ay konektado. I have eleven stories right now at lahat 'yon konektado. Anak sa anak.. generation sa generation. Nag simula kina Ryle at Luke ito.. ngayon ay nasa ikaapat na generation na tayo (Montgomery Series) malamang ay nag kaanak sila Luke at nag kaanak ang mga anak nila and so on.. hindi basta basta lumitaw ang mag pipinsan diyan.

Hindi po ako galit. Ineexplain ko lang po kasi alam ko naman na hindi lahat nabasa ang pinaka punot dulo ng lahat ng storya :)

2. Parang _ and _.

This is a forbidden story. Aaminin ko at may nabasa na akong storya na may chinese theme. Ilan na din.. kaya maingat ako sa pagsulat nito. I tried my best to put my touch on it pero mukhang hindi ako nag wagi dahil nakumpara pa din. Naisip ko kasi.. hindi naman siguro masama ang mainspire sa isang story, I wrote this when I was still like.. in high school. Still learning and very nakikuso ako at that time.

Minsan dumating na sa puntong gusto kong burahin 'to. Nakakatakot naman kasi na ma-misunderstand. Pero paulit ulit ko 'tong binasa.. nakita ko na may pagkakapareha pero malaki at marami pa rin ang pag kakaiba. Maybe I wasn't that effective kaya imbis na makita ang kayang ibigay ng storyang 'to ay naikumpara pa.. I'm sorry.

Naisip ko din na parte to ng naging buhay ko sa wattpad. Natuto at marami akong narealize dito. Mas naging maingat na ako. Kaya naisip ko na hayaan nalang.. tiisin nalang na makumpara.

3. Si Jess hindi tunay na anak parang si _

Kung titignan at babasahin lahat ng storya ko. Sa second generation, si Camille, nanay nila Jasmine.. ay nawala at inampon din, doon ko inapply ang kay Jess. Camille wanted to help because she knows how it feels like to be an orphan. Naging ganon siya, binalik nalang noong matanda na siya. Pero na sainyo kung anong iisipin niyo.

Again mula sa number two. Maybe I was inspired, I love that author you were comparing me to.. natatawa pa ako dahil ang kapal ng mukha ko na makumpara sakanya pero guys, informed at alam ko po ang copyright law. I tried my best to put my touch on it para maiba. I risked.. dahil masaya ako sa pag susulat ko pero I failed.. hindi nakita ng iba na iba ang storyang 'to.. dahil nakumpara pa din.

Yun lang ang gusto kong ipaliwanag. Nasa sainyo na kung magiging bukas ang inyong puso o hindi. Wala na akong magagawa. I'm not mad promise.. because if I am, nakipag away na ako sa comment section and I don't have the right to fight back. I know.. you're the reader. You have the freedom but please.. think about me kahit konti lang.

Wala akong problema kung mag banggit kayo ng ibang author o ibang storya dito sa storya ko pero ma-appreciate ko talaga ng lubusan kung hindi syempre.. :) Hindi nalang ako mag babasa ng comments dito sa story na 'to para makaiwas.. masyado na akong maraming problema para problemahin pa 'to.

If ever na lumala 'to. I'm just gonna take this down. Pero sa ngayon.. puso ko muna ang mag didikta. Mahal ko talaga 'to..

'Yun lang po! :) Maraming Salamat ulit! :) Dahil dito, natuto ako. It made me stronger.

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon