"Hey! Yung maleta mo, Jas"
Napalingon ako kay Jade na inaabot sa akin yung maleta ko. Inabot ko naman ito at muling inikot ang mata sa paligid ng airport.
It's Seven am in the morning at wala akong masabi sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Thanks Jade" mahina kong sambit.
"Kids, mauuna na kami ng tito niyo. Napadala na ang kotse ni JD. Sakanya na kayo sumakay." Pag papaalam ni mommy sa amin. Tumango naman ako at yinakap siya.
"Baka lumabas kami mamaya with Jasper and the others.. catch up po" sabi ko at tumango naman si mommy. Yumakap na din sila Jade kay mommy at kay daddy.
"Okay, take care. Call me pag nakarating na kayo sa condo niyo. Dumalaw ka sa bahay mamaya okay" puro tango lamang ang naging sagot ko kay mommy.
Pinanuod namin silang lumayo at hinintay na makalapit si Jerem samin.
"Sorry ang bagal kasi nung babae kanina eh" sabi niya kaya tinaasan namin siya ng kilay.
"Sus! Mabagal o nakakita ka nanaman ng maganda?" panunukso ni Jade sakanya at nagtaas siya ng kamay.
"Nope! Totoo to, kaasar nga eh" tumango tango nalang kami. Kinuha ni Jayden sakin ang bag ko para siya ang magbuhat.
"Thanks lil bro" sabi ko at inabot sakanya ito. Mukhang nainis siya sa tawag ko sakanya.
"Where are we going?" tanong ni Jerem kaya napaisip kami. Napatingin ako kay Jade at ngumiti kami sa isa't isa.
"Mag settle down muna tayo. Dadalhin na namin ni Jas ang gamit namin sa bagong biling condo namin sa Pasay." sabi ni Jade at nag agree naman ako.
Pinaayos namin kay Ate Pin ang pagbili ng condo. Mas malapit kasi ang kompanya sa Pasay kaya doon namin napiling bumili ng condo.
"Okay.. hatid ko na kayo tapos ay uwi muna ako sa atin" sabi naman ni Jayden at tumango ako.
"Me too, siguradong namimiss na ako ni mommy at daddy" sabi ni Jerem kaya tinungo na namin ang pintuan ng airport.
"Jerem! Hindi mo ba bubuhatin tong gamit ko? Tignan mo si JD, siya ang nagbubuhat ng gamit ni Jas" naiinis na sabi ni Jade habang inaabot kay Jerem ang gamit niya pero ayaw naman kunin ni Jerem.
"Hindi ako si Jayden" sabi lang niya at nauna na mag lakad. Mukhang inis na inis naman si Jade kaya natawa kami.
"Wala ka talagang ka gentleman-gentleman sa katawan!" inis na inis na sabi ni Jade kaya tinulungan ko na siya sa gamit niya.
Tinungo namin ang kotse at sumakay na kami dito.
"Ang init!" pag rereklamo ni Jade. Naninibago pa siguro kami sa teperatura dito pero alam kong makakapag adjust din kami. Tinodo namin ang aircon para maramdaman namin ang lamig agad.
"In a second, you sounded like Saph." natatawang sabi ni Jerem at binatukan naman siya ni Jade.
"Oh please Jer!" naiinis na sabi niya at sinuksok nalang ang earphones niya sa tenga niya.
Tumigil kami dahil sa stop light. Bumuntong hininga ako at tumingin sa gilid ko.
Napaawang ang labi ko sa nakita ko, nakababa ang bintana ng kotse ng nasa tabi namin.
"Ate.." narinig kong tawag ni Jayden sakin.
After two years.. nakita ko siya ulit. Ang daming nag bago sakanya. Ang daming nag bago pero ito ako ay parehas pa rin ang reaksyon pag nakikita siya. Hindi man lang nabawasan ang bilis ng tibok ng puso ko. It's still the same.
BINABASA MO ANG
Facing The Legacy (FS # 1)
Romance"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We have dissimilar worlds." - Jasmine Salazar "As long as you want me as I want you. No legacy can stop me" - Dylan Wong Forbidden Love Series #...