"Here are your cookies"
Napangiti ako nang linapag ni mommy ang cookies sa lamesa. My mom is a baker. May sarili din siyang shop kung saan siya mismo ang gumagawa ng mga products. As much as possible ay on hands siya.
She's also a writer kaya mataas ang tingin ko sakanya. She's a great mom, wife, baker and a writer.
"Your grades, kumusta sila?" tanong ni mommy sakin habang nilalagay pa ang iba niyang binake.
Hapon na at nag reready na kami para sa game mamaya. Half day lang naman ang mga klase ng college.
"Thank you mom! My favorite. Okay naman, super okay!" sabi ko at kukuha na sana nung paluin ni mommy ang kamay ko.
Napadaing ako at napasimangot.
"Call your brother and your sister." napabuntong hininga nalang ako. Linapag ko ang phone ko at sumandal sa upuan.
"I already did but they are still busy making their selves look good"
I grabbed one and texted Ate Pin while eating. I asked her if she will watch and she said she needs to. Syempre.. we need to watch for our cousins. Ayoko nga pumunta. Kung hindi lang dahil kay Jayden ay hindi ako pupunta doon.
It's not legal. Ang game na 'yon ay hindi para sa school so they shouldn't participate but bacause we had the power.. inaabuso nila.
"Hi po tita, Jas" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Joshua. Naka jersey na ito at mukhang ready na ready na.
Sometimes hindi nila ako tinatawag na ate dahil maliit lang naman ang agwat ng mga edad namin pero pag nakasumpong ay nagiging magalang naman sila.
"Hi Josh, here eat. Isabay niyo nga pala ang mga bata mamayang pauwi daw sabi ng mga tita niyo. Dumiretso kayo sa hotel at may mga mag aayos sainyo don. There will be a huge charity ball later. Kayo ng magsabi sa mga pinsan niyo." sabi ni mommy at umakyat muna.
Yung mga bata na sinasabi niya ay mga highschool at elementary kong pinsan.
"What are you doing here Josh?" tanong ko at napakamot sa batok niya ang mokong.
"Sabay kami ni Jayden" sabi niya at kumuha ng isang cookie. Tumango tango ako.
"Yummy, Tita's cookie is really the best" sabi niya kaya natawa naman ako.
"Tsaka may iinisin ako. Sinira nila ni Jade ang date ko by texting my girlfriend yesterday." napanganga ako. Mukhang si Jess ang sinasabi niya.
Jade and Jess are really the 'kontrabida' on our cousins lovelife. Sabi nila ay pinoprotektahan nila ang mga babae sa mga manloloko naming pinsan.
"Girlfriend? Kailan ka pa nag-girlfriend, Josh?" Amuse kong tanong sakanya. Ngumisi siya at sumandal sa upuan.
Well, I'm one of the kontrabida too.
"Fine. My current girl. Okay na ba 'yon, Jas?" Napatango ako at humalakhak.
"I'll go upstairs" aniya at tinungo na ang pangatlong palapag ng bahay namin.
I was just eating cookies habang ka-text si Jade and Ate Pin. We were talking about the ball. Si Jade nga ay nagrereklamo dahil pinamigay daw ni Josh ang number niya sa buong basketball team bilang ganti sa ginawa nila ni Jess.
"Hi Jas, I mean Ate Jas" umupo sa tabi ko si Jayden. Tinignan ko siya habang kumukuha siya nang cookie.
Kumunot ang noo ko.
"Saan si Josh?" tanong niya sa akin at tinuro ko ang third floor. Mukhang wala naman pakielam si Jayden.
"I think, he and Jess are having a talk right now." sabi ko at kumuha ulit ng cookie.
![](https://img.wattpad.com/cover/52422338-288-k895810.jpg)
BINABASA MO ANG
Facing The Legacy (FS # 1)
Romance"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We have dissimilar worlds." - Jasmine Salazar "As long as you want me as I want you. No legacy can stop me" - Dylan Wong Forbidden Love Series #...