"So, how are you this past years?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa tubig.
Ayoko siyang tignan. Pakiramdam ko napaka mali.
"I don't know. Kumusta nga ba ako? I helped Jess to adjust in China. The rest hindi ko na alam." Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Hindi niya alam kung kumusta siya?
"Hmm" yan lang ang tanging naging sagot ko sakanya.
I don't know what to say. It's been two years. I don't freaking know what to say. I actually prepared for this pero parang wala. Wala lahat ng pinaghandaan ko.
Napakagat ako sa labi ko nung pumunta siya sa likod ko at ikulong ako sa bisig niya.
Ganito nalang ba yon? Dahil sinabi ko na ba na mahal ko siya at sinabi niya sa akin na mahal niya ako ay okay na? Lalo akong natataranta at mas lalo kong hindi alam ang gagawin dahil sa mga nangyayari.
"You know.. I don't need to ask what you've been doing for the past 2 years" gusto ko siyang tignan pero hindi ako makagalaw sa pwesto namin.
"Huh?" Hindi ko kasi nakuha yung huli niyang sinabi.
"I know what you've been doing. Monday to Friday you work as a head accountant. Thursday to Friday after working there, you've been modelling for different famous products. Every Saturday, you have your 'me' time. Every sunday, you spend it with your family." Napangaga ako sa sinabi niya. I mean kung hindi ko siya kilala iisipin kong stalker siya. I should be afraid but I didn't.
"Hey.. I'm sorry. Did I creep you out? I mean knowing what you're doing is the only thing that stops me from leaving my family" napapikit ako sa sinabi niya. I was overwhelmed.
"Naisip ko dati, na baka nagkakamali lang tayo. Baka naman na-challenge ka lang sakin, things like that." Mahina kong sabi sakanya dahil nahihiya ako.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Isinandal niya ang ulo niya sa ulo ko. Mas lalo akong hindi makahinga.
"I once thought of that too pero nung nagkahiwalay na tayo at pumunta ako sa China, I felt so different. Pakiramdam ko may naiwan ako. Everyday I am always thinking of you. Kaya gumawa ako ng paraan. " napangiti ako sa sinabi niya. Nawawala ang mga pangamba ko tungkol sa sinasabi niya.
"Anong paraan?" Tanong ko sakanya pero matagal siyang tumahimik.
Dahil doon ay mas naramdaman ko ang mga bisig niya saakin. Dinama ko ang pintig ng puso niya at ang paghinga niya. Hindi ako makapaniwala na ganito lang kami kalapit.
"Malalaman mo din mamaya" napasimangot ako sa sinabi niya. Kanina pa niya sinasabi sakin na mamaya ko na malalaman. Fine I can wait.
Gusto ko pang magtanong. Ang dami ko pang gusto tanungin. Tungkol kay Steph, tungkol sa kung ano mangyayari samin. Pag lalaban ba namin ito, itatago ba o hindi nalang itutuloy kahit sigurado na kami sa mga nararamdaman namin.
Gusto kong tanungin lahat yon pero ayaw ko sirain ang moment. Pakiramdam ko may posibilidad na hindi na to maulit. Hindi ako sigurado kung baka sandali lang siya dito. Baka may business lang siya dito.
Paglabas namin sa lugar na ito ay siguradong magulo nanaman ang lahat.
"Stop worrying" mapakla akong napangiti sa sinabi niya sa akin. Kung pwede ko lamang gawin iyon.
"Okay" yan nalang ang naging sagot ko. Ayaw ko magalala siya sa nararamdaman ko.
"Saan ka galing?" Nagtatakang tanong ni Jade sakin nung pumunta ako sa hall. May buffet table don at kumakain sila. Iiwas na sana ako pero pinanlakihan niya ako ng mata.
BINABASA MO ANG
Facing The Legacy (FS # 1)
Romance"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We have dissimilar worlds." - Jasmine Salazar "As long as you want me as I want you. No legacy can stop me" - Dylan Wong Forbidden Love Series #...