Kabanata XVII

33.4K 737 39
                                    

After 2 years..

"Hey Jas, where are you?" Napatingin ako sa labas habang ka-call si Jade.

"I'm at our favorite coffee shop. Nag resign na ako like planned. We need to be ready sa pag babalik natin." Sabi ko sakanya sabay inom ng coffee.

"Oh, me too. Kanina din ay nag resign na ako. Wait for me there, papunta na ako" I ended the call and look through the silent street.

I'm looking at it like I was waiting for Jace Wayland to appear.

Napailing nalang ako sa sarili kong pag iisip. Dalawang taon na ang nakaraan at maayos na ang lahat. Maayos na nga ba?

Tinapos namin ang college namin dito sa states. Kahit may sarili kaming kompanya dito ay hindi kami doon nagtrabaho dahil gusto namin masubukan kung paano magsimula sa baba.

Naging head ako ng accounting department sa isang kompanya sa new york at sa marketing department naman si Jade. Si Jerem at Jayden naman ay iba ang field, si Jayden ay sa security department ng kompanya namin. He really likes what he is doing from physical security to technical. Si Jerem naman ay sa management department ng kompanya namin.

Pinasok na sila doon dahil mahihirapan sila kung hindi sila agad papasok. Hindi tulad namin ni Jade ay marami pa kaming gustong gawin. Naging model din kami dito, in short we made name for ourselves.

Lahat kami ay naghahanda dahil sa amin na ililipat ang pamamahala ng kompanya pagdating namin ng Pilipinas.

Napatingin ako sa sasakyan ni Jade na nag park sa harap ng Coffee Shop. Napangiti ako nung bumaba siya doon at kumaway sa akin.

Pumasok siya sa coffee shop at umupo sa harap ko.

"Hey! Kanina kapa hinahanap ni Tita Cams" sabi niya sabay sandal at cross legs sa harap ko.

"Oh! Hindi nga pala ako nakapag paalam kanina, wait I'm gonna text her" sabi ko sabay kuha ng phone at text kay mommy.

Mommy accepted everything. She is also smiling again. I once heard her telling dad that masaya na siya ulit, mas magiging masaya siya kung nandyan si Jess pero she is also contented na magkakasama kami.

"How are you and Kristoff?" Tanong ko kay Jade. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Walang kami, Jas. He is just so persistent at nakakainis yon." Natawa naman ako sa sagot niya.

"Nakakainis nga ba o sadyang may iba kang hinahanap kaya hindi mo siya magustuhan?" Deretso kong tanong sakanya. Natigilan naman siya sa sinabi ko.

Kristoff doesn't have any bad bone. Napakabuti nito at napaka persistent kay Jade. Halos i-alay na niya lahat ng kayamanan niya kay Jade.

"Well, I don't want to think about it first. I mean he is a really good guy but yun siguro ang ayaw ko. Masyado siyang perfect and I don't like that. Halos ibigay niya lahat ng luho ko pero kaya ko naman ibili ang sarili ko. I want someone that would give me all his love, ayoko ng mag bibigay lang sa akin ng yaman. I have that already, hindi ko na kailangan" napanganga ako sa sinabi niya.

"Jade! Is this really you?!" natatawang sabi ko at pinanlakihan lang ako ng mata ng bruha.

"Sus! Eh ikaw ba? Dami daming nanliligaw pero hindi mo naman pinapansin. Feel ko nga si Rickos na ang makakatuluyan mo eh" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Bestfriend ko yun no! Tsaka anak ni Tito Ram yon, hindi kami talo" pagpapaliwanag ko at tango tango lang si Jade.

"Fuck" natatawang sabi ni Jade habang nakatingin sa phone niya. I raised an eyebrow and looked at her.

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon