Kabanata XIV

36.6K 789 17
                                    

"Okay na ba talaga siya?" Narinig kong tanong ni Dylan kay Jade.

Kanina pa ako gising pero hindi pa ako lumalabas ng tent. Sabi ni Jade ay nahimatay daw ako at si Dylan ang nakahanap sakin. Nakakahiya ang nangyari. Ang tigas talaga ng ulo ko. Sinabi na ngang madilim at delikado pero sige pa rin ako.

"Oo ganyan lang talaga siya, kinakalma niya niyan ang sarili niya. Pag inaatake siya ng phobia ay ganyan talaga" pag papaliwanag ni Jade.

Nagulat sila nung tumayo ako at lumabas ng tent. Huminga ako ng malalim.

"Where are you going?" Tanong ni Dylan sa akin pagkatapos niya akong pigilan.

Tinignan ko lang siya at dahan dahan inalis ang kamay niya sa braso ko. Gising na ako sa katotohanan. He shouldn't be here kahit na para kay Jess pa.

"Bakit ka nandito?" Deretso kong tanong sakanga. Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

Hindi ko alam kung nakapagusap ba kami bago ako mahimatay kasi wala akong maalala. Ganon talaga ako pag katapos kong atakihin ng phobia ay kinakalimutan ko yung pangyayari.

The pain that I felt.. kinakalimutan ko talaga.

"Well.." Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit hindi niya masabi?

"Ah! Oo nga pala! Nandito si Jess" ako nalang ang sumagot ng sarili kong tanong at tumalikod na.

Yeah, kaya lang naman siya nandito dahil kay Jess. He entered my world because of Jess. Because I am Jess' supposed to be sister.

"You told me a while ago that you love me" natigilan ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya, hindi ko maalala.

I tried to open my mouth pero hindi ko masabi ang dapat sasabihin ko. Meron nga ba?

"I told you that I love you and you answered me back" wala akong masagot sa mga sinasabi niya. Sinabi ko na pala kanina paano ko pa babawiin?

"Talaga?" tanong ko at napayuko. Bakit sinabi ko pa? Uh! Tanga talaga.

Pinalala ko lang lahat!

"Jas tara" sabi ni Jade pagkalabas na pagkalabas niya ng tent pero nung nakita niyang nag uusap kami ni Dylan ay napangiti siya ng pilit.

"Joke lang, tuloy niyo lang yan" sabi niya at tumakbo paalis.

Tinignan ko siya ulit at nakita kong may gusto pa siyang sabihin. Ayoko ng marinig.. baka mamaya, bumigay nanaman ako.

"About Stephanie.." panimula niya. Gusto kong hintayin ang sasabihin niya pero natatakot ako na baka yung ayaw kong sagot ang marinig ko. 

"Yeah it's true, she is my fiance according to my mother" nanatili lamang akong nakatingin sakanya. Mas masakit pala pag sakanya na mismo narinig.

Kung paano niya sabihin na fiance nga niya si Stephanie. Ang sakit sakit.

Yung tipong mamanhid ka nalang. Ano na ngayon? Tatakbo ba ako? Ico-congratulate ko ba siya? Mag papakaplastic ba ako?

"But I don't love her" napapikit ako nung sabihin niya iyon. Pesteng mga luha to, umakyat muna kayo kahit ngayon lang.

He's stand on this doesn't matter. Wala naman laban 'yon.

"Hindi tayo pwede" deretsong sabi ko at minulat ulit ang mga mata ko. 

Nag tagis ang bagang niya, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. I badly wanted to touch his face pero isa 'yon sa mga bawal kong gawin..

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon