~~Denise~~Eto na ba talaga yun?Ganito ba ang feeling paghighschool na?OMG!
Iyan ang palaging umiikot sa isip ko habang ako ay naglalakad papunta sa gate ng paaralan ko."Ano nga pala ang pangalan ng school na to?" Bulong ko sa aking sarili.
"MARIA CLARA UNIVERSITY" may narinig akong boses mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking maputi,matangos ang ilong, at mukhang mayaman. Nginitian niya ako.
"Ay ako nga pala si Harold Medina" ngumiti siya ulet at iniabot ang kanyang kamay upang makipagshakehands.
"Ako naman si Denise Divinagracia at bago lang ako dito" nakipagkamay ako sa kanya.Ang lamig ng kamay niya .
"Freshmen karin pala,? Hahahah same pala tau " ^_^
Natuwa siya sa narinig niya ."Bakit mo nga pala naisipang mag-aral dito?" Tanong niya
Napaisip ako .....Bakit nga ba?
"Ahm...."
*Riiiiiiiiing*
"Sorry pero kailangan ko nang pumunta sa room ko." Nagmamadali ako umalis at iniwan siya.
Ay oo nga pala hindi ko alam kung saan ang room ko.
Hinanap ko ang aking room. Ilang minuto akong naghahanap at ayun nga nahanap ko na .Pagpasok ko sa room ay sumalubong sa akin ang ingay nila halatang nagkakamabutihan na sila. Umupo na ako sa may bakanteng upuan.
"Alam mo ang saya ng vacation ko"
"Saan ka nag-aral dati?"
"Honor student ka ba?"
Yan ang mga paulit-ulit ko naririnig mula sa kanila.Ngunit biglang tumahimik ang silid nang may pumasok sa pinto.
Sino to?
"Ok Goodmorning class alam ko yung iba sa inyo nagtatanong kung sino ako . Ako si Mrs. Loraine Fontanilya. Ako ang inyong adviser" binigyan niya kami ng malapad na ngiti.
Bigla siyang natigil sa pagsasalita nang may pumasok sa pinto. Sino nga ba siya?? Ah si Harold? Kaklase ko pala siya .?"Goodmorning Ma'am sorry i'm late " mahinhin niyang sinabi. tinignan niya ako at ngumiti. Umupo na sya sa may dulo.
"Ang gaganda at gwapo pala ng mga kaklase ko" bulong ko habang pinagmamasdan sila.
"Masanay kana ganyan talaga pagnasa first Section ka" timingin ako sa weird na babaeng tumabi sa akin."huh?"tanong ko . "Lahat kasi ng nandito ay magaganda,gwapo,sikat,matalino at mayayaman." Nginitian niya ako."ahm By the way ako nga pala si Rosana Amoncio"
"Ah ako naman si Denise Divinagracia" sinuklian ko siya ng ngiti . Nagkwentuhan lang kami . Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko na namalayan na lunch time na !
~~Harold~~
"Ok class you may now take your lunch" sabi ni ma'am
Lumabas na ako para maglunch .kasama ko nga pala si Steve Jaldon. Nagkasundo kami agad dahil magkatabi ang aming upuan
_________"Bwhahahhaha ang malas mo naman bro" tuwang-tuwa niyang sinabi."Sinabi mo pa" tumawa ako ng malakas .
Tinignan kami lahat ng tao sa canteen.Napasobra yata tawa ko.
Naisip ko bigla....Kaklase ko pala siya ? Ang ganda niya pala.
"Oh bat natulala ka?" Tanong niya ."wala" sabi ko.
"Maari bang umupo dito?" Tanong ng lalaking naka-eyeglasses.Kaklase pala namin. Sino nga ba to?
"Ah oo naman . Maupo ka Anthony!" Nakangiti niyang sinabi.
Nagtaka ako dahil parang magkakilala na sila.
"ahm... siya nga pala si Anthony Nadela. Naging kaklase ko siya nung elementary at siya ang naging Valedictorian namin." Tumingin siya sa akin.
"HI" matipid kong sagot . Ngumiti ako kay Anthony dahil parang magkakasundo kami.
Natapos na kaming kumain at tumunog na ang bell. Bumalik na rin kami sa room.
~~Denise~~
Nagkaroon na ako ng dalawang kaibigan .Sina Rosana Amoncio at Daniela Cañaveral.
Kaso lang uwian na eh . Ang bilis nga ng oras nuh?
_________
Author's note:
Trip ko lang gumawa ng story sana magustuhan niyo!
BINABASA MO ANG
SCHOOL ZONE
HorrorLahat ng Paaralan ay magkakaiba, maaaring sa aspekto ng ganda,Kalidad at iba pa.Ngunit may isang Paaralan na katangitangi . Ang MARIA CLARA HIGH, dahil ba sa ganda nito? o dahil sa sikretong nakatago dito.? --* Samahan si Denise at ang kanyang mga k...