Chapter 12-?zevahC riS

444 18 1
                                    


~~Denise~~

Habang pababa na kame sa hagdan nakasalubong namin si Ma'am Loraine.

"Oh sabado ngayon huh ? Bakit andito kayo?" Nag-aalalang tanong ni Ma'am Loraine .

Si Ma'am ay mabait at maalalahanin na guro.

"May gagawin ho kasi kaming project" pagsisinungaling ni Rosana.

"Eh kayo Ma'am bakit kayo naparito?"tanong ni Stacey.

"Ah kase kukunin ko yung class record at learning plans ko sa room, o siya siya mauna na ako at may pupuntahan pa ako . Ingat kayo" sabi ni Ma'am na may kasamang pag-aalala.

"Oh sige ma'am bye!"  Sabi namin.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at may napansin si Diane.

"Tignan niyo oh masama ang panahon at parang uulan pa yata." Sabi ni Diane sabay tingin sa langit.

"Hindi lang 'Yata' kundi uulan talaga sabi sa News" puna ni Steve.

"Hali na nga kayo at huwag na kayong mag-alala bilisan na lang natin para maaga tayo makauwi" sabi naman ni Jean.

Si Anthony ay patuloy parin sa pagsasaliksik.

Nagpatuloy na kame sa paglalakad.

~~Sheila~~

Nakarating na kami sa library.

Naiintindihan ko na ang lahat kaya pala namatay sila.

"Huwag kana ngang tumunganga diyan maghanap na tayo para makauwi na rin tayo" paalala sa akin ni Ashley, kaklase namin.

Bigla namang sumingit si Carlo sa usapan.

"Hanggang ngayon napapaisip parin ako kung bakit nangyayari ito sa atin" sabi ni Carlo.

"Tumigil na nga kayo diyan at magpatuloy na tayo sa paghahanap kung ano man ang makita nating impormasyon dito" sabi ni Mika.

"Pasensya na" sabi ko sabay yuko.

"Hindi ko naman gustong saktan ka ang ibig ko lang sabihin ay isipin natin yung sitwasyon natin at magiingat tayo sa mga posibleng mangyari." Tugon muli ni Mika.

Naiintindihan ko siya.

Nagpatuloy na lang kami sa paghahanap.

~~Margaux~~

Pagdating namin sa Guidance ay tumungo agad kami sa pintuan nito

Pagbukas namin ng pintuan ay nakita namin ang aming Guidance Councilor sa may mesa at isang guro mula sa grade 9 .

Nagulat ako sa sinabi ni Clark.

"Tita?"tanong ni Clark habang nakatingin sa isang guro ng grade 9.

"Oh Clark? Bat naparito kayo ng mga kaklase mo?" Sabi ng guro sabay tayo sa kinauupuan.

Tumabi si Clark sa guro sabay sabi.

"Ah si Mrs. Judith Delos Santos pala tita ko." Nagulat kami sa sinabi niya "sorry kung ngayon ko lang sinabi sa inyo"

"Hindi, okay lang yun" sabi ko.

"Ano bang sadya niyo at naparito kayo?" Tanong ni Ma'am Judith.

"Ahm may ilang katanungan lang po sana kami sa inyo ni Mrs. Claire(guidance councilor)" sabi ni Harold.

"Oh sige ano bang mga tanong niyo?" Tanong ni Mrs. Claire

Napaupo kame sa mga upuan .

"Dati ho bang ospital tong eskuwelahan natin?"tanong ni Vince

SCHOOL ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon