Chapter 6-Doble Kara

661 28 0
                                    


~~Margaux~~

Tinakpan ko agad ang bunganga ko sa nakita ko.

"Hindi maaari Ito! MICHELLE!" Sigaw ni Steve

Nakita namin si Michelle na lasog-lasog ang katawan at nakalabas ang buto sa paa .
Nakadilat din ang kaniyang mata.Mukhang nahulog yata siya mula sa 2nd floor.

"Magpatawag kayo ng ambulansya!" Natatarantang sabi ni Denise.

Dialing..........

"Hello!!!! Hello !! Sumagot kayo! " galit na sinabi ni Steve."lintik naman ohh! Grrrr!".

~~Denise~~

"Gising na Denise! Gising na!" Idinilat ko ang mga mata ko.

Nakatulog na pala kame sa kakahintay ng ambulansiya.

"Nandito na ang ambulansya" sabi ni Rosana.

Dali-dali kong tinignan ang bangkay ni Michelle.
Nagulat ako dahil nakangiti ang bangkay niya at nakabukas ang dalawang mata.

"Nakakaawa siyang tignan kitang-kitang sa kaniyang mukha na hindi niya tanggap ang kaniyang pagkamatay. Malungkot ang kaniyang mukha." Sabi ni Daniela .
Tumingin ako kay Daniela. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi iyon ang nakita ko.

"Huh?" Bulong ko. Napatingin ako ulet sa bangkay ni Michelle. Wala ng ekspresyon ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko.

Ipinasok na siya sa ambulansya.

*slowmotion*

Pagkasara ng pintuan ng van ay nakita ko ang isang babaeng nakaBELO na nasa loob, umuupo at nakatingin sa akin.

*backtonormal*

(Pagkalipas ng 1 linggo)

Bumalik na ang lahat sa normal na para bang walang namatay.

"Oh kamusta !" Nakangiting sabi ni Harold.

"Ok lang" sabay yuko.

Pagpasok namin sa Room ay tahimik.

"Goodmorning Denise!" Salubong ni Stacey.

Natigil kami sa may harapan ni Harold.

"Ayiiee!" Sabi nilang lahat

Hindi ko namalayan na magkahawak pala ang aming kamay. BUMILIS bigla ang tibok ng puso ko hindi dahil sa kilig kundi dahil sa nakita ko .

Isang babaeng nakaBELO ang nakaupo sa upuan ni Daniela ....

Hindi pa dumadating si Daniela.

Umupo na kame ni Harold.

"Ok Goodmorning class" dumating na si ma'am Loraine ngunit wala pa rin si Daniela .

Tumingin ako sa Upuan ni Daniela at wala na ang nakaBELO.

Lumingon ako kay Harold ngunit iba ang tumambag sa akin.......... magkalapit na ang mukha namin ng babaeng nakabello.

"Siya na ang susunod"bulong niya sa akin. Ang puti ng mukha niya.

"Ano bang kailangan mo!!!" Sigaw ko . Nagtinginan sa akin lahat ng mga kaklase ko.

Natigil si Ma'am Loraine sa pagsulat sa pisara at tumingin din sa akin.

"Is there any problem Ms. Divinagracia?" Tanong ni Ma'am Loraine

SCHOOL ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon