(4:27)
~~Margaux~~
Pagdating namin sa building H.
Ay humanap agad kami ng bukas na room."Oh anong gagawin natin dito?" Tanong ni Charlie.
Wala kaming nakitang bukas na room.
"Guix ? Umuwi na lang tayo nakakatakot na dito eh" sabi ni Carlo.
"Tanga ka ba eh papaano nga tayo makakalabas kung lock ang gate??!" Tugon ni Alex.
"Tumahimik na nga kayo ! Hindi kayo nakakatulong" sermon ni Harold.
Naglalakad kame sa hallway ng may nakita si Lance sa ding-ding.
"Tignan niyo oh ! Nahanap ko na " sigaw ni Lance . Binasa niya kung ano ang nasa papel."Building L!"
By letter kasi mga building namin.
"Ang ibig sabihin lang nito kailangan nating hanapin ang iba pang mga papel kagaya niyan upang mahanap ang susi o kung ano man."sabi ni Denise.
"Pero malapit nang lumubog ang araw" reklamo naman ni Joyce.
"Kaya hali na kayo bilisan na natin" sabi ko .
Tumakbo na kami lahat papunta sa building L.
~~3rd Person~~
[A/N:narrator po yan]Habang tumakbo sila papunta sa building L ay natapilok si Lexie dahil sa kabigatan ng bag niya at sa suot niyang takon.
"Aray !! Guix ! Tu-tulong" sabi ni Lexie.
Bumukas ang isang pinto sa building H. At may narinig siyang kakaibang ingay.
"Psssssst"
Pilit na tinatayo ni Lexie ang kaniyang sarili ngunit hindi niya ito maggawa.
(Tok,tok,tok,) tunog ng sapatos na lumabas mula sa bumukas na pinto.
"Guyzzzz! Tulongggg!" Sigaw ni Lexie.
31-1= 30
~~Harold~~
Pagdating namin sa building L ay pumunta agad kame sa 2nd floor at yung iba naman ay sa 3rd floor.
Habang naghahanap kame ay may napansin si Anna.
"Guyz parang nawala bigla si Lexie?" Sabi ni Anna.
"oo nga nuh" dugtong ni Chloe.
"Ahm Alex total lalake ka naman pakihanap nga si Lexie sa baba" sabi ni Anna.
"Oh sige" sabi naman ni Alex.
Bumaba na si Alex mula sa 2nd floor at pumunta na sa 1st floor.
Nagpatuloy na kami sa paghahanap.
May napansin akong papel sa may halaman.
"Nakita ko na!" Sigaw ko.
"Oh anong nakasulat ?" Tanong ni Rosana.
"Building D?" Sabi ko .
Bigla kaming lumingon dahil sa narinig namin.
"Aaaaaaaaaaaaah" sigaw mula sa ibaba.
"Si Alex" sigaw naman ni Anna.
Bumaba na kaming lahat at nadatnan naming nakahiga na si Alex duguan .
Umiyak si Anna, dahil siya ang nagutos kay Alex na bumaba para hanapin si Lexie.
"Tama na yan hali ka na pumunta na tayo sa building D! " sabi ni Chloe sabay hawak sa kaniyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
SCHOOL ZONE
HorrorLahat ng Paaralan ay magkakaiba, maaaring sa aspekto ng ganda,Kalidad at iba pa.Ngunit may isang Paaralan na katangitangi . Ang MARIA CLARA HIGH, dahil ba sa ganda nito? o dahil sa sikretong nakatago dito.? --* Samahan si Denise at ang kanyang mga k...