Chapter 10-Sleep Over 101

506 24 2
                                    


~~Rosana~~

Nagulat ako sa mga nalaman ko kanina sa kotse. May nakikita pala sila na hindi namin nakikita.

"Rosana! Bumaba kana at kakain na tayo." Rinig kong sigaw ni Harold.

"Okay!"sigaw ko din.

Bumaba na ako para kumain.

Umupo na kami sa mahabang lamesa nina Harold.

Ang ganda pala ng bahay nila at ang gara pa.

"Manang! Puede pagtimplahan mo kami ng juice?"sigaw ni Harold sa yaya nilang si Manang
Gloria.

Dumating na si Yaya Gloria galing sa kusina.

"Opo Sir " sabi ni Yaya Gloria sabay ngiti sa amin.

Kumain na kame.

"Saan pala ang Nanay at Tatay mo Harold?"tanong ni Jean kay Harold.

"Ahm oo busy kasi sila sa trabaho." Sagot naman ni Harold.

"Ahhh kaya pala" dugtong din Denise.

"Anong kaya pala?!' Tanong ni Harold.

"Kaya pala ang tahimik."sagot ni Denise.

Dumating na ulit si Yaya Gloria na may dalang juice.

5 ang yaya nila sa bahay. Wow naman.

"Sir andito na po" sabi ni Yaya Gloria sabay lapag ng juice sa lamesa.

"Ahm hindi pala tayo matutulog sa taas"sabi ni Harold.

"Huh? Eh saan tayo matutulog?" Tanong ni Steve sabay taas ng kanang kilay.

"Eh di sa sala"sagot ni Harold.

Hindi na kami kumibo.

Tapos na kaming kumain.

Pumunta na kami sa sofa.

Nagulat kami dahil ang laki ng espasyo ng sala nila at may malaking flatscreen TV sa harapan.

"Wow naman !"sabi ni Steve sabay na nanlaki ang mga mata.

"Yung iba sa sahig lalagyan lang natin ng kutson ipapakuha ko lang kay yaya. At yung iba naman sa taas ng sofa!"sabi ni Harold.

"Ahm ako nang kukuha ng snacks sa Refrigirator" sabi ni Clark sabay takbo papunta sa kusina.

"Ahm kami naman ni Jean ang kukuha ng mga unan at kumot sa taas" sabi ni Stacey at pumunta na sila ni Jean sa taas.

"Harold? May laptop ba kayo at internet?" Tanong naman ni Anthony.

"Ah oo tanungin mo lang kay Yaya kung saan? Ano bang gagawin mo ?" Tanong ni Harold kay Anthony.

"Ahm magreresearch lang tungkol sa school natin." Sagot ni Anthony.

"Okay!"sabi naman ni Harold.
"Salamat !" Sukli ni Anthony.

Kinuha na ni Anthony ang laptop.

Pagkatapos lang ng ilang minuto bumalik na sina Clark,Stacey,Jean,at Anthony.

"Oh I think were all set!" Sabi sa amin ni Steve at binuksan niya na ang TV.

"Oooops pero hindi pa tayo matutulog paguusapan pa natin ang nangyayari sa school" paalala sa amin ni Anthony.

Umupo na kami sa kutson at yung iba naman sa sofa.

~~Stacey~~

"Steve!Pakisara naman ang mga bintana at ilaw dito sa sala !" Sabi ko sa kanya habang busy siya sa panonood ng TV! ^^

SCHOOL ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon