*kinabukasan*~~Margaux~~
Nakita ko si Denise sa daan tulala dahil sa nangyari kagabi.
"Oh Denise! Bat mag-isa kang naglalakad? " tanong ko.
Hindi niya ako kinibuan.
May gusto sana akong sabihin noong isang linggo pa ngunit di ko masabi dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari.
Nagulat ako sa sinabi niya........
"Yung babae ! Yung babaeng nakabelo!" Sabi ni Denise habang nag-iisip ng malalim.
Nagulat ako dahil yun sana ang gusto kong sabihin noong isang linggo pa.
"Yung nakabelong itim at yung isa naman ay puti?" Tanong ko sa kanya .
Tumigil siya at napatingin sa akin
"Ibig sabihin nakikita mo rin sila? May third eye ka rin!?" Tanong niya sa akin at nakatingin sa aking mga mata.
"Oo . Nung bata pa ako lapitin na ako ng mga kaluluwa. Nung una nga hindi ko pa naiintindihan kung bakit ko sila nakikita."
Sabi ko.Nakarating na pala kame sa school..
"Hi Denise and Margaux Goodmorning." Mahinhin niyang sinabi.
"Goodmorning!" Sabi nina
Steve at Harold.Hindi nila alam na Crush ko si.........
"Ah Goodmorning din" sabay naming sinabi.
Napaisip ako bigla.
Hindi lang pala ako ang nakabukas ang third eye dito sa school.
..........
~~Denise~~
Ngayon meron na akong malalapitan dahil bukas din pala ang third eye ni Margaux. Sana maging bestfriend kami.
Pagdating namin sa room agad naming inilapag ang aming mga bag at pumunta sa TLE Department.
Nagulat kami dahil nawala na ang bangkay ni Ella sa TLE Department .
"Huh sinong tumawag ng ambulansya?" Tanong ni Margaux .
"Papaanong nangyari ito?" Nakasimangot na tanong ni Harold.
"Ahm baka may nakakita na sa bangkay niya at nagpatawag na ng ambulansya ." Sabi ni Stacey na kakadating pa lang.
"Pero maaga naman tayong dumating ah?" Sabi ni Steve.
Nararamdaman kong parang may mali.
Dumating si Anthony at Jean .
"Guyz pinapatawag na kayo ni ma'am Loraine" sabi ni Jean.
"Kasi magsisimula na daw ang klase." Dugtong ni Anthony.
Pumunta na kame sa Room.
-
-
-
-
-
-
Lunch time na !!!!Lumabas na kami nina Rosana at Margaux para maglunch.
"Sino kaya ang nagpatawag ng ambulansya para kunin ang bangkay ni Ella?" Tanong ni Rosana.
"Baka naman may mabuting loob lang na tumulong" sagot naman ni Margaux.
"Baka nga!" Sabi ko sabay taas ng balikat ko.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa room ngunit hindi pa pala time. Pero magwaone na. Sira ba ang bell namin?.
Pagdating namin sa room ay sumalubong agad sa amin si Mika,kaklase nga pala namin .
"Ahm Margaux at Denise pinapatawag kayo ni Ma'am andun siya s faculty niya sa may building L 2nd floor." sabi niya sabay ngiti . Nagulat kami dahil ngaun lang siya nakipagusap sa amin.
Siya si Mikaela Saavedra . Mahinhin,loner at minsan weird.
"Bakit raw?" Tanong ni Margaux.
"Ah tungkol daw ata sa irereport niyo sa klase" sabi ni Mika.
Pumunta na kami sa building L .
Pagtapak pa lang namin sa hagdanan huminto kami at nagtinginan .
"Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?" Tanong ko kay Margaux.
"Oo parang may kakaibang presensiya." Sagot niya .
Nagpatuloy na kami sa pag-akyat at pumunta na sa faculty room ni ma'am Loraine.
Pagpasok namin sa pintuan ay nakita namin si Ma'am na nakaupo sa may lamesa at nagsusulat.
Hindi kami makahinga!!! Nakita namin ang nakaputing belo na nakaturo sa likod ni Ma'am..
"Denise?" Sabay hawak ni Margaux sa kamay ko at nanginginig.
"Oh anong problema Denise at Margaux bat napatigil kayo.?"
Tanong ni Ma'am sabay itinanggal ang kaniyang salamin" oh siya siya ito pala ang irereport niyo blah blah blah blah"hindi na kami nakinig kay ma'am dahil nakatuon ang aming pansin sa babaeng nakabelo.
"Nakikinig ba kayo?" Tanong ni Ma'am at biglang nawala ang babaeng nakabelo.
"Ah-ah opo"sagot ni Margaux kahit hindi naman siya nakinig.
Nakahinga na kami ng maluwag ni Margaux.
"Oh hali na nga kayo at magkaklase pa tayo" sabi ni Ma'am sabay tayo sa kaniyang upuan.
Pumunta na kami sa classroom at nagklase na.
-
-
-
-
-
(Uwian)~~Margaux~~
Di kaya si Ma'am na ang susunod?
"Oh ano nanaman ang gumugulo sa isip mo? Tanong ni Stacey.
"Si Ma'am ! Si Ma'am Loraine na ang susunod! Saan na si Ma'am!?" Tanong ko sabay hawak sa mga braso ni Stacey....
"A-ahm sa Faculty atsaka bitawan mo nga ako nasasaktan na ako at isa pa anu bang pinagsasabi mo naprapraning kana ba?!!" Sigaw sa akin ni Stacey sabay sampal sa akin.
"Hindi mo kasi alam kung ano ang nangyayari kaya wala kang pakealam kung sino ang susunod na mamatay.!" Sigaw ko din sa kaniya at sinuklian ko rin siya ng sampal.
"Oh tama na yan ?!" Sabi ni Clark (kaklase namin) sabay awat sa aming dalawa. Dumating din Si Anthony para awatin kame.
Tumakbo na lang ako at dali-daling pumunta sa faculty ni Ma'am.
Nakita ko rin si Denise na papaakyat sa hagdan at parang parehas kami ng hinihinala.
Pagdating na pagdating namin sa 2nd floor.. ay pumunta agad kami sa faculty ni ma'am bubuksan na sana namin ang pintuan ng biglang may naririnig kaming nag-uusap....
Sino ang nag-uusap?
________________
Author's note:
Haaay sorry now lang .
Bwhhahhah :-)
#》》boss
BINABASA MO ANG
SCHOOL ZONE
HorrorLahat ng Paaralan ay magkakaiba, maaaring sa aspekto ng ganda,Kalidad at iba pa.Ngunit may isang Paaralan na katangitangi . Ang MARIA CLARA HIGH, dahil ba sa ganda nito? o dahil sa sikretong nakatago dito.? --* Samahan si Denise at ang kanyang mga k...