Chapter 17-Solution?

376 20 0
                                    


~~Margaux~~

Agad naming pinuntahan ang papel .

"Teka . Parang kaparehas rin nito ang mga papel na hinahanap natin"  sabi Harold sabay pulot ng papel .

"Patingin nga ! (Ikinompara ang iba pang mga papel) ....... oo nga nuh!" Sabi ni Jean.

"So ibig sabihin 1 na lang ang kulang sa mga papel!" Dugtong naman ni Rosana.

"Ang problema hindi nga nakasulat dito ang susunod na lugar" puna ni Steve.

Nagisip kaming lahat . May napansin naman si Harold .

"Tignan niyo o bukas na ang pinto!" Sabay turo sa pinto.

"Eh san ang susunod??" Tanong ko.

"Sa rooftop ng building E!" Sigaw naman ni Denise.

"Bakit mo naman nasabi na sa rooftop??"tanong ko sa kaniya.

"Isipin mo lahat na napuntahan natin ang rooftop na lang ang hindi." Sagot niya.

"ay basta hali na kayo subukan na lang natin. At pagkatapos non sunugin na natin tong board." Sabi ni Steve .

Lumabas na kami ng gymnasium . Ang lamig parin at ang dilim. Bakit ba kasi nawala ang mga dala naming flashlight??

Dikit-dikit kaming lumabas.

Pagdating namin sa building ay tumungo kami agad sa rooftop.

Pagdating namin sa rooftop ay naghanap na kami.

Hawak-hawak pa rin ni Steve ang board at basang basa pa rin ang aming mga damit.

(10:30)bilis ng oras.

"Ayun !" Sigaw ni Rosana sabay kuha ng papel sa may sulok ng rooftop.

Unti-unti nang natatakpan ang buwan ng ulap.

"Hali na k...." natigilan ako sa pagsasalita dahil naring namin ang bulong ni Jean na may halong nerbyos.

"Guyzz..." bulong nito.

Lumingon kame at nakita si Jean na sinasakal ng isang babae.yung WHITE LADY!

Nagpupumiglas si Jean ngunit hindi siya makawala sa pagkakasakal.

"Huwwwaaaaggg!" Sigaw ni Denise habang ang mga luha ay dumadaloy sa mukha nito. Alam ko dahil ayaw niya nang mabawasan kami dahil halos buong klase na ang namatay.

Namumula na ang mukha ni Jean at hindi na ito makahinga.

Dahan-dahang iniurong ang kamay ng white lady upang ihulog si Jean. Nakita kong tatakbo sana si Harold para pigilan ito ngunit hinawakan at pinigilan siya ni Denise .

"Aaaaaaaahhhh" sigaw ng white lady sabay tayo ng kaniyang mga mahahabang buhok. Dahil nakakabingi ang kaniyang boses ay tinakpan namin ang aming mga tenga.

Patuloy kami sa pagiyak. Sinunod na rin niya ang pagkakabitaw sa leeg ni Jean.

"Aaaaaahh"sigaw ni Jean ng nahulog siya.

*duuugsh*

8-1= 7

Wala kaming nagawa kundi tumakbo pababa.

Pito na lang kame at nawawala parin si Clark.

~~Harold~~

Patuloy parin kaming tumatakbo.  

Habang tumatakbo ay hawak-hawak ko ang kamay ni Denise.

"Isunog na natin to!" Sabi ni Steve.

"Eh pano kung wala naman tayong posporo?" Tanong naman ni Stacey.

Tumigil na kami sa pagtakbo dahil malayo na kami at sa tingin namin hindi na kami aabutan nito.

Nakatayo kami sa harap ng Canteen.

"Naalala niyo nung nagluto tayo sa TLE ?" Sagot naman ni Rosana habang hinihingal.

"Oo nga! Kayo nina Stacey,Rosana,Harold at Denise ang kukuha ng gas at posporo habang kami naman nina Steve ay pupuntang library upang buoin at sagutin ang palaisipang nasa papel.! At pagkatapos ang lahat ng yon ay magkikita tayo sa Flagpole at sabay sabay na nating isunog ang Board!" Utos ni Margaux sabay hila sa kamay ni Steve pagkatapos nitong ibinigay ang board sa amin.

Pumunta narin kami sa TLE department. Madumi parin at maputik parin pala ang mga suot naming damit.

_________

Authors Note:

Naiisip ko na ang flow ng story ng book 2 . Hhahahaah Dianne malapit na !

Thank you sa mga nagbabasa!

SCHOOL ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon