Author's Note:Ngaun lang :-)
#dilim. Boss_________
~~Margaux~~
Idinilat ko na ang mga mata ko.
[6:35 na pala]-umaga na.!
"Oh gising ka na pala." Nag-aalalang tanong ni Steve.
"Nasaan na ba ako? anong nangyari?" Tanong ko.
"Nasa ospital kayo" sabi ni Ma'am Loraine na nakangiti.
"Huh? Bakit? Tanong ko.
Nakita ko rin ang iba pang mga kaklase ko sa kanilang mga kama.
"Wala ka ba talagang naalala?" Tanong ni Steve.
Napaisip ako.........
*Flashback*
"Bakit may mga bangkay na rito ??!" Tanong ni Stacey, habang umiiyak
"Hindi ko rin alam kung ano ng nangyayari!!" Pasigaw na tugon ni Michelle.
"Ikaw!! Ikaw!! Ang may pakana nito Michelle!" Galit na sinigaw ni Anthony.
"Hindi ko na alam ang nangyayari!?" Humagugol ako.
-nahimatay-
*End of flashback*
"Naalala ko na ang nangyari" balisa kong sinabi. Bigla na lang tumulo ang luha ko.
"Sabihin mo ano bang nangyari? Tinanong ko ang mga kaklase mo hindi sila makapagsalita . At bakit may basag na baso sa room natin?!"
Tanong ni ma'am. Nakita ko na may iba sa kaniyang mata para bang nagmamakaawa."Ganito kasi yu--" natigil ako sa pagsasalita na ng kita ko si Denise na parang sinesenyasan ako . Para bang ayaw niyang sabihin ko ang nangyari.
"Anong nangyari ituloy mo!" Tanong ni Ma'am
"A-hm nakalimutan ko na ma'am pasensya na po" yumuko ako bilang pagpapanggap na wala akong alam.
Hindi puede!!!!! Bakit nabasag ang baso??! Bakit??!
~~Denise~~
"Hindi puede ! Nakita ko yun bago ako nahimatay" bulong ko.
"Ano yung nakita mo,?"tanong ni Harold.
"Nakita kong nabasag mag-isa ang baso na ginamit natin!" Nanginginig ko sinabi.
Biglang nag-iba ang aura ni Harold ng marinig niya iyon para bang naging tulala siya.......
"Denise!" Kilalang-kilala ko yung boses na iyon . Lumingon ako at nakita ko si mom at kasama si dad.
Hindi ako nagsalita . Dahan-dahan na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Ok ka lang anak??! Ano bang nangyari??!" Nag-aalalang tanong ni mom. Niyakap niya ako.
"Ang mahalaga ligtas ang anak natin" dugtong ni dad.
Hinatid na nila ko pauwi alam ko ganun din ang mga kaklase ko dahil nakita ko rin dumating ang mga magulang nila.
*Kinabukasan*
~~Harold~~
Hindi ko namalayan na mamaya na pala ang camp baka dahil to sa nangyari kahapon.
Nakita ko sina Anthony at Steve sa canteen kitang kita sa mga mukha nila na natroma sila kahapon.
"Oh goodmorning mga brad. Excited na ba kayo mamaya sa camp" nagpanggap ako na parang walang nangyari upang gumaan naman ang loob nila.
BINABASA MO ANG
SCHOOL ZONE
HorrorLahat ng Paaralan ay magkakaiba, maaaring sa aspekto ng ganda,Kalidad at iba pa.Ngunit may isang Paaralan na katangitangi . Ang MARIA CLARA HIGH, dahil ba sa ganda nito? o dahil sa sikretong nakatago dito.? --* Samahan si Denise at ang kanyang mga k...