~~Denise~~Binalikan namin ang TLE department kung saan namatay si Ella.
Paglakad pa lamang namin sa hallway ay ramdam ko na para bang may nagmamasid sa amin .
Pagpasok namin sa silid ay hinanap na namin ang gas at posporo at kung may natitira paba.
Duh! Mahirap maghanap sa dilim.
Iniwan lang naming nakabukas ang glass door at nilagyan ito ng upuan upang di ito sumara.
Si Harold ang may hawak sa board at inilapag niya ito sa mesa.
"Rosana subukan mong hanapin ang gas sa aparador baka nandun lang." Mungkahi ni Stacey.
Pumunta na si Rosana sa may aparador at naghanap.
~~Margaux~~
Umaakyat kami sa hagdan at magkahawak ang aming mga kamay dahil sa takot .
Hawak-hawak ko sa kabilang kamay ko ang papel. Ilang sandali na lang at makakauwi na rin kame.
Hindi rin namin matawagan ang aming mga magulang dahil nasira ang aming mga telepono sa pagkakabasa.
"Teka" tumigil si Steve ."parang may sumusunod sa atin"
At sabay kaming lumingon ngunit wala kaming nakita .
Nagpatuloy na kami sa paglalakad .
Pero parang may sumusunod talaga kahit napakahina ng pagkapadjak nito ay naririnig namin bawat katiting na tunog dahil narin ang tahimik dito.
Hindi na lang namin ito pinansin .
Pagpasok namin sa library ay naghanap na kami ng libro sa math at binuo na ang mga papel na aming nahanap.
~~Denise~~
"Eto ! Nandito na ang gas kasama ang posporo" sabi ni Rosana sabay kuha sa aparador.
Ramdam ko ng hindi lang kame ang nasa loob ng apat na sulok ng silid na to.
"Oh bilis sindihan mo na ang lampara" sabi ko.
Kinuha ko na ang lampara at palabas na kame .
Lumingon kame sa sinabi ni Stacey.
"Sandali lang , yung board!" At kinuha ang board sa lamesa.
Nanigas kame sa nakita namin...
Dahil may nakatayo sa likod ni Stacey nung humarap na siya sa amin.Kahit di namin ito naaaninag nga mabuti ay alam namin na ang lalakeng may hawak na pala ang nasa likod ni Stacey.
"STACEY! TAKBO!!" Sigaw ko ng malakas.
Sabay kaming tatlo nakalabas sa silid ngunit nahuli ng kaunti si Stacey pero nasa may pintuan na siya at isinara na ang pinto.
"Hay salamat!"sabi ni Rosana sabay upo at sandal sa katapat na pinto ng TLE department
At si Stacey naman sa kabila. Iniabot rin nito ang board kay Harold."Akala ko mababawasan nanaman tayo ulet !" Sabi ni Harold..
"Oh hali na kayo pumunta na tayo sa flagpole at baka hinihintay na nila tayo."
Sabi ko habang hawak-hawak parin ang lampara.Tatayo na sana sina Stacey at Rosana ng biglang narinig namin ang isang tunog na nagpakilabot sa amin. Parang bumubukas na pinto.
PERO SAAN AT KANINONG PINTO??
Bigla na lang.
"Aaaaaaah" sigaw nina Stacey at Rosana nang biglang may humila sa kanila papaloob ng magkabilaang pinto.
7-2 =5
Hinila na lang bigla ni Harold ang aking kamay at sabay takbo
Habang tumatakbo at pababa kami ng hagdan ay kasabay rin nito ang pagpatak ng aking mga luha.
Huminto kami.
~~Harold~~
"Hindi ba matatapos ang patayan?" Sabay yakap sa akin .
Namatay narin ang ilaw ng lampara dahil sa pagkakatakbo namin .
"Tahan na . Matatapos rin ito."
Pagpapatahan ko.Tumuloy na kami papunta sa may Flagpole ng paaralang to!.
~~Margaux~~
Habang pababa na kami sa hagdan .
"Napakadali lang naman pala ng sagot!" Sabi ni Steve .
" Sa wakas at makakalabas na rin tayo dito." Sabay hawak ko muli sa kamay niya.
Ang maikling kasiyahan na naramdaman namin ay napalitan kaagad ng takot ng narinig naming may nag...
"Psssst!"
Na nagpabilis ng aming paglalakad.
Nang makarating kami sa Flagpole ay natanaw na namin agad sina Harold at Denise.
Pero? Pero nasaan sina Stacey at Rosana?"Saan na sina Stacey at Rosana?" Tanong ni Steve sa kanila.
"Wala na sila." Pagiyak ni Denise.
"Ano?!! " hindi ko namalayang pumatak na ang mga luha ko.
~~Steve~~
Napaupo si Margaux!
Ramdam ko ang hinagpis nila ni Denise . Ngunit kailangan namin ni Harold na pigilan ang aming emosyon upang ipakita na matatag pa rin kame.at para hindi sila mawalan ng pag-asa.
Kailangan namin itong ituloy!.
" ituloy na natin to! Kaya natin to! Kaya tama na yan!" Sabi ko.
Pinunasan na nila ang kanilang mga luha.
"Anong bang uunahin natin ang pagsunog sa board o ang pagbukas ng gate.?" Tanong ni Harold.
"Sa tingin ko kailangan muna nating isunog yang board upang matahimik na ang mga kaluluwa ng paaralang ito." Sagot ni Denise.
"Pero nasagot niyo ba ang palaisipan?"dugtong nito.
"Oo" sabay pagabot ko ng papel kay denise
(Nakasulat sa papel)
=1268
(Combination lock kasi ang ginamit sa gate)
"Kaya hali na kayo sa may imbakan ng basurahan !"sabi ni Harold.Papunta na kami sa may basurahan.
Pero di parin namin nakita si Clark.
~~3rd Person~~
*Flashback*
"Guyz san na kayo?" Sabi ni Clark habang nanginginig.
Bigla na lang may narinig siyang tunog ng naglalakad na sapatos.
(Tok,tok,tok)
Kinabahan at kinilabutan siya at inatake siya ng asthma.
Biglang tinakpan ang bunganga niya.
*endofflashback*
BINABASA MO ANG
SCHOOL ZONE
HororLahat ng Paaralan ay magkakaiba, maaaring sa aspekto ng ganda,Kalidad at iba pa.Ngunit may isang Paaralan na katangitangi . Ang MARIA CLARA HIGH, dahil ba sa ganda nito? o dahil sa sikretong nakatago dito.? --* Samahan si Denise at ang kanyang mga k...