Hello ate Aril :) Dinedicate ko 'to sayo kasi love na love ko talaga yung mga stories mo. Sana po basahin mo :D Thankyou ate! Mwa! :**
Follow me on twitter: @jajackielou
__________
A Story of Carla Mendoza
(No Prolouge sorry.)
Chapter 1: Unexpected things happened.
"..carla? Di ka ba talaga napapagod?" nagtaka si Carla sa tanong ng kaibigan niyang si Jenny.
"Ako? H-hindi, san ako papapagod?"
Umiling lang si Jenny. Sya rin kasi di niya alam kung bakit niya 'yon natanong sa kaibigan. Kumbaga tinanong lang naman niya 'yun parang open topic.
Ngumiti ng matamis si Carla na tulad parin ng dati.
"Carla?"
"Hmmm?"
Tinitigan muna ni Jenny yung mga pasa ni Carla sa braso nito bago magtanong..
"S-san mo nakuha yan?" turo niya sa mga pasa ni Carla na nasa siko nito.
"A eto? Nadapa kasi ako kahapon kaya yan may pasa ako. Hehehe." nakangiti si Carla habang sinasabi 'yun sa kaibigan.
"Ahhh."
Wala pa kasing klase sila Carla at Jenny, parehas silang 4th yr at magkaklase pa sila, bukod 'dun matalik silang magkaibigan. Nandito sila parehas sa paboritong lugar ni Carla sa Park na malapit sa Chapel, bukod kasi na tahimik dito wala ring may gustong pumunta dito. Kung bakit? Dahil mas gugustuhin nang mga estudyante na sa Canteen lang sila magsitambayan.
Napansin ni Carla na parang bagot na bagot na si Jenny kaya ngumiti siya at nagsalita. "Jenny? Kung bored ka na, okay lang na iwan mo na'ko dito. Saka parang hinahanap ka na ng Boyfriend mo." walang bahid na galit na sinabi yun ni Carla sa kaibigan.
"Sigurado ka ba? Okay ka lang ba na mag-isa?" tanong ni Jenny.
Ngumiti ng bahagya si Carla. "Oo naman nuh. Ok na ok lang, sige na puntahan mo na yung Boyfriend mo."
Ngumiti din si Jenny at hinalikan sa pisngi ang kaibigan. "Una na'ko ha? Kita nalang tayo sa Classroom."
"Oo. Ingat ka."
"Sige. Ikaw din. Bye!" nag-wave na si Jenny kay Carla at umalis na.
Samantala si Carla kinuha ang lunchbox niya sa bag niya at nag-umpisa na kumain.

BINABASA MO ANG
A Story of Carla Mendoza [FIN.]
Teen FictionThis is a story of friendship, love, family and acceptance.