Chapter 3: Letting Go
Carla's POV:
Tapos nayung assignment ko kaya uuwi na'ko, nandito kasi ako sa library..
Kamusta na kaya si Nanay Menda? May sakit kasi siya e. Hay, Kawawa naman si Nanay. Bibilan ko nalang siya ng gamot..
Palabas na sana ako ng Library ng may humarang sa'kin.
"Pwede ba kitang makausap?"
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"Oo."
Nagsimula na kaming maglakad sa corridor.
"Ok. Asan na si Jenny? Umuwi na siya?"
"Hindi ko alam." ha? Girlfriend niya di alam kung umuwi? Ang weird.
"Ah ok. Sa'n tayo mag-uusap?"
Napahinto siya sa paglalakad saglit tyka sumagot. "Sa Park nalang."
Tumango nalang ako.
Nang nasa swing na kami naging seryoso yung mukha niya.
"May problema ba kayo ni Jenny, Chris?" tanong ko. Naupo na'ko agad dito sa swing na maliit, tapos naman si Chris nakatayo lang sa harap ko.
"Oo."
"Anong problema?"
"Problema? Ikaw. Ikaw ang problema ko!"
Nagulat ako. Ok naman kami dati ni Chris ah, ba't ako naging problema niya?
"A-ako? B-bakit?"
Nag-smirk lang siya tapos umiling-iling. "Ikaw ang dahilan kung bakit inalis ako sa Basketball team! Alam mo kung bakit?"
"H-huh? Ako? Bakit?"
"Ayaw nila na may kaugnayan ako sa'yo. Alam mo bang pinapili nila ako kung sino ang pipiliin ko? Kung yung team ba o si Jenny at ikaw! Alam mo kung sino pinili ko? Si Jenny! Dahil mahal ko siya. Di ko kayang mawala sya sa'kin! Ibabalik lang nila ako kapag iniwasan ka na namin ni Jenny. At alam mo ang nakakainis sa'yo?!..
..Sagabal ka saming dalawa. Napipilitan lang naman si Jenny na kasama ka, alam mo kung bakit? Kasi naaawa siya sa'yo."
"Di totoo yan."
Nagsmirk ulit siya. "Napipilitan lang naman siya dahil pinipilit mo lang naman siya diba? Sa totoo lang pag magkasama kayo, parang bagot na bagot si Jenny. Tapos pag kami na mag kasama, ang saya saya niya. Pero yun nga no choice si Jenny e, kasi pinagmamalaki mo pa sa buong school na'to na bestfriend mo siya, kahit na hindi naman. Alam mo kung bestfriend talaga turing mo kay Jenny hahayaan mo siyang maging malaya at masaya kasama ko."
Napayuko nalang ako. Alam kong di yan sasabihin ni Jenny, mahal ako nun. Siya din nagsabi na kahit anong mangyari di niya 'ko iiwan, pero bestfriend ko si Jenny at mahal ko siya.
"Sige, gagawin ko. Pasensya na Chris sa mga nagawa kong kasalanan sainyo ni Jenny. Sige gagawin ko'to kasi mahal ko si Jenny at wala akong masamang intensyon sa kanya. Sige uwi na'ko."
Tumayo na'ko tyka tumalikod. Bago pa'ko makalayo ng tuluyan kay Chris.. ngsalita siya na kinakulat ko.
"I'm so sorry, Jenny. And I'm very very sorry..Carla."
Naguguluhan ako. Kakausapin ko nalang si Jenny bukas..
Smile Carla. Matapang ka na babae. Kakayanin mo'yan.
Para sa Bestfriend mo..
Kinabukasan..
Pagkapasok ko nakita ko na agad si Jenny, mukhang may hinihintay siya. Si Chris siguro?
Nilapitan ko siya. "Goodmorning."
"Goodmorning din. Kanina pa kita hinihintay e."
"Ako hinihintay mo? Bakit naman?"
"Pwede ba kitang makausap?"
"Oo naman. May sasabihin rin ako."
"Ano naman 'yon?"
Ngumiti ako. "Malalaman mo mamaya."
Jenny's POV:
Ano kaya sasabihin ni Carla?
Kaya aayusin ko muna 'tong gulong to. At sana rin di ako mag-sisi sa desisyon ko.
Nandito kami sa Park, ang balak ko sana sa Gym nalang kami. Kaso ang sabi niya dito nlang daw..
"Carla? Diba bestfriends tayo?" panimula ko.
"H-ha? Oo naman. Diba nga simula pa nung bata pa tayo naging mag-bestfriend na tayo?" sagot naman niya.
"Ah oo. Tama 4yrs old pa tayo nun. Hehehe! Ang babata pa natin." natuwa ako, kasi di niya talaga nakakalimutan.
"Oo nga e. Naalala ko pa nun nagstart tayo maging magbestfriend nang dahil sa buhangin sa plaza sa village na'tin."
"O-oo nga, nagtaray pa'ko sayo nun. Pero ang bait mo pala hehehe."
Ngumiti siya. "Ano nga pala paguusapan na'tin?" tanong niya. Kinakabahan ako!
"Ah kasi may konting problema na nangyari sa'min ni Chris--" pinutol niya yung sasabihin ko tapos nag-bow siya sa harap ko na ikanagulat ko.
"Jenny? Ayoko na kasi maging sagabal sa inyong dalawa ni Chris. Dahil bestfriend kita, gusto ko maging masaya ka lalo na kapag kasama mo yung mahal mo. Kasi pag masaya ang bestfriend ko, masaya narin ako. Mahal na mahal kita, kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Kaya ngayong araw.."
"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong. Alam ko sa sarili ko na konti nalang tutulo na yung luha ko, alam ko rin na ganon din kay Carla pero ayaw niyang ilabas. Dahil ayaw niyang kinaaawaan siya.
"Tapusin na natin yung pagiging magkaibigan natin. Ayoko na kasing makahadlang pa sa mga rela-relasyon e. Ilang beses na'ko naging sagabal sa mga relasyon, tulad nung kay Mama at Papa, yung kay tito Rom at Mama tapos kay mama at kay ate. Ayoko naman na pati sa Bestfriend ko maging sagabal ako."
Tumulo na luha ko. "A-ano? Kailangan kita carla."
"Kailangan rin naman kita. Pero mas kailangan ka ni Chris.. sana magtagal kayo ha? Mag-iingat kayo parati. Sana wag na kayo ulit mag-aaway." after that, she letf. Leaving me alone and crying.
Bakit mo 'to ginawa carla?
Di mo ba alam na ikaw ang pinili ko kesa kay Chris?
Kasi alam ko na ang Bestfriend hindi mangiiwan at yung Boyfriend ang mangiiwan. Pero bakit?
Bakit mo'ko iniwan Carla? Ngayong araw..
Kung kelan Anniversary natin bilang mag-bestfriends.
At kung kelan kailangang kailangan kita..
--
May Part 2 itey. Pinutol ko lang. Hahaha! So.. enjoy :') Comment and Vote ka ha? Mwa! :*
BINABASA MO ANG
A Story of Carla Mendoza [FIN.]
Teen FictionThis is a story of friendship, love, family and acceptance.