Chapter 9: Ano'ng kasalanan ko?

119 6 3
                                    

Chapter 9:  Ano'ng kasalanan ko?

Jenny's POV:

Ewan ko kung nasaan ako, basta pagpasok ko may humintong van sa harap ko saka ako kinuha. Pero di ako pinatulog..

Good kidnnaper sila.

"Salamat po kasi matutulungan po natin si Carla."

"Oo nga. Buti nalang pala napasok ko si Nathan sa school na'yon."

"Hulog po kayo ng langit!"

Ngumiti lang siya. Hayyy buti naman at maayos nadin to.

Kanina nagtanong sila about kay Carla kala ko naman kasabwat sila ni Tita Roxanne pero hindi..

Nagpapasalamat ako sa kanila! :)

"Ah e Ma'am---"

"Tita kris nalang." saka siya ngumiti.

"Tita kris, di po ba yan malalaman ni Tita Roxanne? Alam niyo naman po yun masyadong madaming connection."

"Yun din ang sabi ni Nathan sakin kahapon. Pero I'll make sure na di niya to malalaman."

Ngumiti ako at yumakap sa kanya. "Salamat po talaga.."

"Wala yun. Sige pasok ka na, ihahatid kita."

"Ay wag napo, nakakahiya po e."

"Wag ka ng mahiya. Sige na tara na.."

"Ah e ok po. Salamat po ulit."

Nandito na ko sa room, pero wala paring bakas ni Carla. Papasok ba yun?

Ayun si Nathan!

"Uy nathan, nakita mo ba si Carla?"

"Hindi e. Di pa siya pumapasok.."

"G-ganun ba? Ano na kayang nangyari dun?"

"Ewan ko din e, nagaalala nga ako. Baka kasi kung ano na ginawa ni Tita Roxanne dun. Kagabi kasi e.."

"A-anong nangyari kagabi?"

Kinwento niya sakin yung nangari. Napahawak nalang ako sa bibig ko, kasi alam ko kapag ganon may gagawin na naman si Tita Roxanne! Di kaya---

"Wag mong isipin yun. Di naman siguro niya yun magagawa.." aba mind reader.

"Pero di mo masyadong kilala si Tita Roxanne." sabi ko saka umupo.

Dumating narin yung teacher. Pero wala parin si Carla..

Asan ka na ba Carla?

Carla's POV:

Umaga na.. di na'ko makakapasok ng klase ng isang linggo.

Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit ako ngayon nandito.

Inaayos ko na yung hinigaan ko.

*tok tok*

Lumapit ako sa pinto at napangiti. Alam kong si Nay Menda 'to.

Binuksan niya yung pinto at nakita ko na hindi pala siya, nawala yung ngiti ko.

Tinignan lang niya ko mula ulo hanggang paa.

Tinaasan lang niya ako ng kilay at nagsalita..

Di ko alam pero halos nanlumo ako sa sinabi niya.

"Nay menda is dead. How poor are you little sister.."

Napaluhod nalang ako sa narinig 'ko. Wala akong masabi..

Parang kagabi lang pinapalakas niya ang loob ko. Pero ngayon.. wala na sya.

Lord, hanggang kelan po ba? Si nanay lang ang nakakaintindi sa'kin. Siya lang ang pamilya ko, pero ba't niyo naman na agad siya kinuha?

Ano'ng kasalanan ko?

--

Malapit na'to matapos guys. So.. I need your feedbacks! Salamat. :*

-----> Nay Menda ang Carla on the right side. ^^

A Story of Carla Mendoza [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon