Chapter 5: Flashbacks

142 4 3
                                    

Ohhhhh! :) Salamat sa mga nagbasa. Salamat na marami, so eto na ang update. Enjoy! :*

Pst! Comment and Vote ka ha? Thankyaaa :*

-------

Chapter 5: Flashbacks

Nathan's POV:

Di ako makapaniwalang napasok ako sa eskwelahang 'to.

Di ako makapaniwalang kaya ng mga guro at estudyante dito na mang-alipin ng isang babae.

Isang babae na wala nang ginawa kundi mag-bow sa harap namin kahit wala siyang kasalanan.

Isang babaeng na sa kabila ng mga pasakit na ginagawa sa kanya ay nagagawa pa ring ngumiti..

Isang babaeng wala kang mapipintas dahil para sakanya lang ata ang salitang 'Perfect'.

Bakit mo hinahayaang ganyanin ka nila? Bakit?

Wala akong masabi sa mga kinwento ni Jenny kanina, di ko mapaliwanag yung naramdaman ko kanina. Di ko maintidihan..

Habang nagdidiscuss si Sir. Mac, na kay Carla ang atensyon ko. Gusto ko siya lapitan, gusto ko siyang tulungan.. Gusto kong ako ang magtatayo sa kanya pag babagsak siya. Pero wala akong magawa..

Di ko alam pero parang di parin nagsisink in sa utak ko yung lahat ng nangyayari. Ba't nila nagagawang saktan ng ganon si Carla? Dahil sa kagustuhan rin ng may ari ng school na'to? Dahil ba pag di sila sumunod aalisin na sila sa trabaho?

Bigla nalang akong naluha sa mga nangyayari. Nagrereplay sa utak ko kung pano nila sigawan, sampalin at saktan si Carla nung nagdaang mga araw.

-Flashback-

"Nathan? Tara na daw sa court. May PE tayooo!" sigaw sakin ni Freds. Isa sa mga naging kaibigan ko.

"H-huh?"

"Aish! Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa dyan nakatingin sa babaing yan e." sabay tawa niya. Si Freds isa sa mga loko lokong kaibigan ko.

"N-naisip ko lang bakit nila ginaganyan si Carla?" tanong ko.

"Ewan? Di naman namin gaano kilala yang si Carla e. Basta nung nakita naming sinasaktan siya nung mga teachers dito, nakikigaya narin ang ibang estudyante. Pero kami hindi namin binully kahit kelan yang si Carla." paliwanag ni Gelo.

"Talaga?"

"Oo naman. Bakit naman namin yun gagawin sa isang babaeng tulad niya? Wala siyang kasalanan, pero di ko alam kung bakit lagi nalang ganyan ang trato nila sakanya. Dati nung di pa namin kaibigan si Freds at wala ka pa dati nun, yang si freds ang halos nangbubully kay Carla. But since naging kaibigan ko siya.. sinabihan ko siya na wag mang bully dahil pang-bata lang yung ganong gawain. Nakaya naman niya at nung iba pang nagiging kaibigan ko o kabarkada-"

"Minsan kami na ang nagtatanggol kay Carla, lalo na yung mga babaeng lagi siyang sinasampal agad o kaya sasabunutan minsan uutusan bumili ng pagkain nila. Ang nakakainis lang kasi kay Carla, di gumaganti. Para naman mabawas bawasan yung mga umaapi, pero hindi e ang gagawin lang niya ngingiti tapos magbo-bow pa na parang humihingi ng tawad." pagpapatuloy ni Mike.

Sa huling pagkakataon, tinignan ko ulit siya na kasalukuyang sinasabunutan ni Janella.

Iniwas ko nalang yung tingin ko. Bakit ba kasi ayaw mong gumanti Carla?!

Next day..

Kapapasok ko lang ng school ng may nakita akong nagkukumpulang estudyante. Kaya dali dali akong pumunta dun at nagulat ako sa nakita ko..

Si Carla pinagbabato nila ng itlog. Pero ang ginagawa niya? Wala.

Nang makita niya ko. Tinitigan niya 'ko..

At dun ko nakita.

Dun sa titig niya na'yon..

Nakita kong may tumulong luha sa mata niya.

"Hahahaha! Bagay yan sayo?!"

"Tama! Bukas naman. Enjoy ako sobra!"

"Ako din. Sobra akong nag-enjoy ngayong maga. Hahahaha!"

"Ohh Carla baby. Ohhhhh!"

Umalis na'ko sa kumpulang 'yon at naglakad ng mabilis.

Napahawak ako sa puso ko.

Nanikip yung dibdib ko, di ko maintindahan!

"AHHHHHH! Tumigil ka! Tumigil ka!" pinagsu-suntok ko yung dibdib ko.

Ano bang problema sa'kin! Ayoko ng ganitong pakiramdam! Fuck this!

-End of Flashback-

Kala ko ang taon'g 'to magiging masaya dahil nung una ko siyang nakita, sinabi ko sa sarili ko na aasarin ko lang siya buong taon.

Pero hindi..

Mukhang hindi talaga..

A Story of Carla Mendoza [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon