Chapter 10: Who ME?

110 3 4
                                    

 Ayan! Dahil umabot na ito ng 600k reads, eto na ang update. :)

Follow me on twitter: @jajackielou

__________________

Chapter 10: Who ME?

Carla's POV:

"Hahahaha! Silly! I'm just joking! Hahahaha! Sorry I can't help myself for laughing. Hahahaha! Ok ok. Bye!"

D-di pa patay si Nanay?

Di ko alam pero bigla nalang akong nanginig, na kadahilanan bigla nalang akong natumba at nahimatay..

Everything went black..

Nathan's POV:

Pagkatapos na pagkatapos nung klase ko, umuwi ako agad para narin malaman yung mga ibabalita sa'min nung mga nakuhang secret agent ni Mommy.

"Anak.." bungad ni mommy.

"Bakit?"

"Si Carla, nasa hospital sya ngayon." biglang nanlaki yung mata ko. Hospital? Si Carla?

"B-bakit daw?"

"I-I don't know. Ang sabi lang nila bigla nalang daw siyang tinakbo sa Hospital."

"Di nila sinundan?! What the--"

"Cut it out! Pag sinundan nila mahuhuli tayo.."

"P-pero pano natin malalaman kung ok na ba lagay ni Carla?!"

"Kay Jenny, sigurado akong bibisita siya."

"Ok ok." umupo nalang ako at hihintayin ang tawag ni Jenny.

Pupunta sana ako sa kusina nang magring yung cellphone ni Mommy. Agad agad akong lumapit sakanya..

"Yes hello?" bungad ni Mommy.

"Jenny, kamusta na siya?" ah si jenny na pala.

"H-ha? Ok na ba siya?...sigurado ka?....andyan ba sila Roxanne?...ano daw bang sabi?...ok sige...nandito na si nathan bakit?.....ok ok. Tawagin mo ko agad pag gisng na siya ha?....sige magiingat ka bye."

"Ano daw sabi?" tanong ko agad nung binaba na niya yung cellphone.

"Ang sabi nahimatay daw si Carla nang dahil sa depression at nakasama ito kasi.."

"Kasi?"

"Kasi may sakit siya sa puso.. hanggang ngayon tulog parin siya." m-may sakit siya sa puso?

"Mommy.."

"A-anak, ang sabi pa ni jenny kapag nahimatay daw siya ulit.."

"Maaari siyang ma-comatose at pwede nya rin ito ikamatay." she tapped my shoulder and leaved me.

Si Carla mamatay?

Di ko alam pero bigla nalang akong naiyak sa nalaman ko.

Mawawala si Carla nang ganon ganon lang?

Jenny's POV:

Hanggang ngayon di ko parin matanggap yung pwedeng mangyari kay Carla, si Nay menda halos atakihin sa puso buti nalang at napakalma namin siya.

Nandito parin ako sa Hospital, di parin siya gumigising..

A Story of Carla Mendoza [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon