Follow me on twitter: @jajackielou
_____________________________________
Chapter 2: Oh God, please help me!
Nathan's POV:
Di talaga ako komportable dito sa school na'to.
Ba't ganon yung trato ng ibang teachers dito dun kay Carla?
Alipin ba nilang lahat dito yung Carla na'yon?
Aish! Di dapat ako nag-iisip ng mga bagay na ganito e. Pero kasi-
Parang mali yung trato nila kay Carla. Parang napakalaki ng dahilan para ganunin siya.
Kapag nakikita ko naman yung reaksyon ni Carla pagkatapos siyang gawan nang masama..
Lagi lang siyang nakayuko tapos maya maya parang may sinasabi lang siya na mahina pero di ko maintindihan.
Parang siyang baliw kasi bigla bigla nalang siyang ngingiti kahit kita mo naman sa mata niya na hirap na hirap na siya at gustong-gusto na niyang umiyak..
Pero pinipigilan niya.
Ano bang problema niya?
Hays! Di naman ako dapat nag-iisip ng mga ganito e.
Jenny's POV:
"Alam mo Jenny! Layuan mo na 'yang 'Bestfriend' mo!" sigaw ni Chris sa'kin.
"Ba't ko naman siya lalayuan? Para ko na siyang kapatid! At tyka mas matagal ko siyang nakasama kaysa sa'yo! Ano bang problema mo sakanya?!"
"Problema?! Napaka sama ng impluwensya nya sa'yo e!"
"Bad Influence? Oh com'on. Si Carla? Sige nga ano yung masamang impluwensya yung nagawa niya. Sige nga?!"
Natahimik siya. Nakakainis silang lahat! Arghhh?!
"Jenny bibigyan kita nang 3 araw. Nasa'yo ang desisyon kung sino ang iiwanan mo, ako? o yang Carlang yan!"
Umalis na siya sa tabi ko.
Sino yung iiwan ko? Si Carla o so Chris?
Mahal ko silang parehas e. Pero..
Mas matagal kong nakasama at matagal ko nang kakilala si Carla tyka wala siyang masamang nagawa sa'kin.
Kahit kelan di niya nagawang magalit o kaya magtampo sa'kin kahit na iniiwan ko nalang siya basta basta para makapag-date kami ng mga nagiging Boyfriend ko.
At aaminin ko naiichapwera ko siya basta pagdating sa mga nagiging boyfriend ko. Tapos maalala ko lang siya pag nagka-problema ako, pero ako di ko manlang siya magawang madamayan sa mga problema niya.
Pero si Chris? 5mnths ko palang siya nagiging boyfriend. Sweet siya, gentlemen, mabait at matalino. Nung una ang gaan ng loob niya kay Carla minsan kami na nga lang yung nagiging kakampi niya pag inaapi siya.
Pero bakit naging ganon na trato niya kay Carla. Sinasabi niyang hadlang si Carla sa relasyon namin..
Ano ba talaga problema mo Chris at pinapalayo mo sa'kin si Carla?
Nahihirapan na'ko. Sino ba talaga pipiliin ko sa kanilang dalawa?
Si Chris na boyfriend ko na gusto akong umiwas sa bestfriend ko?
O
Si Carla na bestfriend ko since 4yrs old palang ako na palaging nariyan kahit na hindi ko siya kailangan?
Oh God please help me..
-------Jenny's photo on the right side. ---->
--
Berrydazzling's NOTE: Feel free na mag-comment at kausapin ako. Hohohoho :">
VOTE - COMMENT - BE A FAN! ;)
BINABASA MO ANG
A Story of Carla Mendoza [FIN.]
Teen FictionThis is a story of friendship, love, family and acceptance.