Chapter 6: Nobody knows..
Carla's POV:
Ang sakit ng binti ko. Pero kailangan ko ng malinis 'tong room..
"That's for today. Goodbye!"
Lumabas na si Sir. Nang mapansin kong yung mga mata nila na'sakin ang atensyon.
"Ah e bakit? May papagawa kayo?" tanong ko tyka ngumiti.
Isa isa silang nagsilabasan.
Ano kayang problema nila?
Hayaan ko nalang.
Break time na pero nandito parin ako sa room.. mag isa.
Di pa kasi ako tapos maglinis.
Hininto ko muna yung pagwawalis ko at pumikit.
"Nakikita niyo naman siguro yung trato sakanya ng mga tao dito diba? Dahil yun ang gusto ni Tita Roxxane dahil siya yung may ari ng school na'to. Gusto ni Tita na pahirapan si Carla tulad nung paghihirap dati ni tita roxxan nung nawala sa knya si Tito steve. Last week nakita nakita natin yung pagsampal sa kanya ng dalawang beses ni Ma'am Mariano diba? Nang dahil sayo Nathan. Sabagay, ngayon kalang nakapasok sa ganitong school kaya di mo alam ang lahat. Kaya sana parang-awa niyo na.. wag niyo na saktan si Carla. Di ko 'to kinwento para kaawaan siya, sinabo ko to dahil gusto kong malaman niyo na hindi alipin ang turing sa kanya,at para na rin malaman niyo na mabuti siyang tao. Kahit wag niyo na siya ituring na kaklase basta ituring niyo lang siya na parang tao--"
Di naman niya kailangang ikwento ang lahat tungkol sa'kin.
Tanggap ko naman.
Tanggap ko naman sa sarili ko na hanggang dito lang talaga.
Narinig ko si Jenny na nagkukwento. Kaya pinutol ko nalang yung sasabihin niya. Ayokong kinaawaan ako. Ayoko..
Dahil ako mismo..
Naawa ako sa sarili ko.
"Carla, pinapatawag ka sa Principal Office." di ko kilala yung boses na'yon. Kasi nakatalikod ako tapos bigla naman siyang umalis. Magpapasalamat sana ako kaso umalis na e..
Inayos ko yung walis at dustpan. Tapos nakahawak ako sa pader, pag walang pader dito tutumba ako. Matatagalan ako..
Dahan dahan akong lumakad. Sa 2nd floor pa pala yung principal office.
Nang malapit na'ko sa hagdan, may humawak sa bewang ko at braso ko..
"Di mo kaya. Tutulungan na kita.. wag ka nang aangal."
"Ah e--okay. Salamat po." nakakahiya naman kaya nag-bow ako.
"Po? Magkasing edad lang tayo uy. Saka wag ka ngang nagbo-bow."
"E kasi-- okay. Salamat."
"Yan. Hmmm, gusto ko sanang mag-sorry."
Napatingin ako sa kanya. "H-huh? Para san?"
"Nung inasta ko nung unang pagkakita natin, yung natapunan mo yung damit ko ng burger. I know it's rude, pero alam ko naman na di mo talaga sinasadya.."
"Ako yung may kasalanan kasi di ko tinitignan yung dinadaanan ko. Sorry ulit."
"Wag ka nga. Osige! Para fair, walang may kasalanan."
"P-pero-"
"No buts."
Nginitian ko siya. Mabait pala si Nathan.. kala ko katulad din siya nung mga lalaki dito e, pero hindi.. Siguro pangit lang yung first meeting namin.
"Carla?"
"Hmmm?"
"W-wala." napakamot nalang siya sa ulo niya. Sa wakas! Nandito na kami sa 2nd floor, kailangan ko nang magmadali kasi baka magalit si Mama ay este si Mrs. Choi.
"Salamat sa pagtulong ha? Dito nalang. Baba ka na."
"Sigurado ka bang ok ka na?"
"Oo naman. Ok na ok ako nuh."
"S-sige." nagwave na'ko sa kanya tapos siya ngumiti lang.
Papasok na'ko ng Principal Office nang makita ko si Mrs. Choi na kabubukas lang nung pinto.
"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo'kong pinaghintay! Alam mo ba'yon?!"
"Sorry po. Napilyan po kasi ako-"
"I don't effin care! Bumaba ka sa 1st floor at linisin mo yung Girls Comfort Room! Pinag-leave ko yung janitress dyan dahil may sakit. Dalian mo na."
"Opo. Lilinisin ko pong mabuti."
"Dapat lang no. Hala sige! Pwede ka nang bumaba sa 1st floor."
"O-opo."
Lumakad ako ng dahan dahan. Mahirap na baka kasi madapa-dapa ako e.
Pababa ako ng nakita ko si Nathan, nakaabang.
"Oh nathan."
"Tulungan na kita ulit."
"Ha? Wag na. Ok lang ako."
"Hindi. Anong ok? E gusto mo bang mahulog ka dito?" sabagay, baka nga mahulog ako.
"Sige na nga." ngumiti naman sya tapos lumapit sa'kin tyka ginawa yung kanina.
Nang nasa baba na kami nag-bow ako sa kanya. "Salamat na marami."
"Wag ka ngang mag-bow. Welcome." inangat ko yung ulo ko at nakita ko yung ngiti niya kaya ngumiti narin ako.
"Sige, punta na'ko dun." turo ko sa CR. "Ano gagawin mo dyan? May klase pa tayo ah." tanong niya.
"Lilinisin ko. Pinag-leave kasi ni Mama- este Mrs. Choi yung janitress. Kasi may sakit.." ngumiti ako at tumalikod na.
Mga ilang hakbang palang ako naglakad nang magsalita siya.
"Buti sa Janitress naawa siya. Pero sa sarili niyang anak, di manlang niyang nagawang maawa."
Napatigil ako sa sinabi niya.
"W-wala kang alam, Nathan."
Lalakad na sana ako ulit ng mgsalita siya.
"Di ka ba napapagod sa katatago ng mga problema mo? Hanggang kelan ka ngingiti? Hanggang kelan mo titiisin yung mga sakit na nararamdaman mo? Hanggan kelan ba?"
Tumigil ako. Di ko alam ang isasagot ko, ano bang alam ni Nathan? Wala naman e.
"Hanggang kelan? Hanggang kaya ko pa. At kung ginagawa mo'to nathan nang dahil sa awa.. wag mo nang ituloy dahil di ko kailangan ng awa niyo."
Di ko na pinakinggan yung sasabihin niya dahil tinakpan ko yung tenga ko gamit ang kamay ko. Tyaka dinalian ko ang pag-lakad. Wala akong pakielam kung madapa ako, basta ayoko nang marinig yung sasabihin ni Nathan.
Pagpasok ko ng CR. Agad ko itong nilinis..
Pagkatapos lumabas narin ako.
Ano bang alam ni Nathan?
Nang dahil ba sa kinwento ni Jenny, kaya naawa siya?
Kaya ba niya sinabi yung kanina?

BINABASA MO ANG
A Story of Carla Mendoza [FIN.]
Teen FictionThis is a story of friendship, love, family and acceptance.